" Engs... Engs.. ENGS !" nagising ako sa sigaw ni Peng sa akin.
" Anong nangyari sayo? Bakit nasa sahig ka natutulog?" hindi ko agad nasagot ang tanong ni Peng dahil agad kong naramdaman ang sakit ng likod ko dahil magdamag ko sigurong paghiga sa malamig na sahig na ito.
" Ahh.. ansakit.." inalalayan naman ako ni Peng sa pagtayo.
" Ano ba kasing trip mo at sa sahig ka natulog Engs?" huminto ako saglit habang inaalala ang nangyari.
" Hindi ko plinano matulog dito, sobrang sakit ng ulo ko at bigla akong hinimatay." iyon ang natatandaan ko kagabi.
" Sigurado ka? eh bakit yung kumot mo nandito rin sa sahig?" nang makita ko ang kumot na hawak ni Peng parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig.
" Peng naalala ko na may ... may lalaking papatay sa akin kagabi. " hinawakan ko sa balikat si Peng habang inaalala ko kung anong nangyari.
" Engs, mag-isa ka lang dito pagdating ko. Paanong may makakapasok na lalaki sa kwarto mo eh nakalock naman ang gate at pinto sa ibaba?"
" Sa bintana siya dumaan, mabilis siyang kum---"
" Engs ! impossibleng makadaan ang tao diyan sa bintana mo. Pusa baka pwede pa." mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
" Tama! Pusa ! Pusa na biglang naging lalaki. Nakahubad pa nga siya at ----"
" Engs! Huy!" hinawakan ako ni Peng sa dalawa kong kamay at tinignan ako na para ba akong nababaliw na.
" Engs nasobrahan ka ba sa imagination mo? Ano bang pinapanuod mo o binabasa mo at dala-dala mo sa panaginip mo?"
" Peng hindi iyon panaginip. Totoong nangyari yun kagabi." nang makita ko na hindi pa rin siya naniniwala sa akin, sumuko na ako.
" Haaay Engs maghilamos ka kaya muna nang mahimasmasan ka mula sa panaginip mo. Maligo ka na rin at may pasok pa tayo." tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
" Hindi na muna ako papasok, mala-late ka kapag hinintay mo ako. Sabihin mo na lang na mayroon akong emergency." nakabihis na rin si Peng ayoko naman na masira ang magandang record niya sa attendance nang dahil lang sa akin.
" O sige, kita na lang tayo mamaya."
Pagkalabas niya sa kwarto ay tinupi ko na lang ang kumot ko na nasa sahig pa.
" Possible kayang panaginip lang yung kagabi?"
" Totoo yun." napalingon ako sa kanan ko kung saan nanggagaling ang boses.
Pero maling desisyon na lumingon ako dahil nakahubad nanaman siya. Kaya agad rin akong umiwas ng tingin.
" Pwede bang sa susunod huwag ka naman basta-basta lilitaw lalo na at wala ka pang suot na kahit ano." sabi ko sabay hagis ko ulit ng kumot na katutupi ko lang.
" Pwede rin bang huwag mo ring basta-basta sinasabi kung kanino ang tungkol sa mundo namin?" napatahimik naman ako sa kasungitan niya.
"Oo na , mali ko. Pwede na ba akong humarap?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
" Oo." pagharap ko ay naglakad siya papunta sa working desk ko. " Anong plano mo?" sabay tanong niya.
" Hindi ko alam. Kagabi lang tayo nag-usap saka sabi mo tutulungan mo ako diba? " naupo ako sa tapat niya dahil ayokong mangawit sa pakikipag-usap sa kanya.
" Oo tutulungan kita sa mga kailangan mo para mabigyan ng wakas ang mga tauhang ginawa mo." sa totoo lang hindi pa rin malinaw sa akin kung anong gagawin ko.
YOU ARE READING
Hindi Pa Tapos
Teen FictionMinsan may isang manunulat. Marami siyang ideya at upang hindi mawala ito, gagawa siya ng kuwento. Pagkatapos itong simulan, nawawala ang ideya kaya hindi rin natatapos ang kuwento. Kalaunan, makakalimutan ang kuwento kaya hindi na nadugtungan. Ngun...