Untitled Part 2

9 0 0
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Paanong si Kent Yukiri na fictional character ay mabubuhay sa mundong ito?

Napatingin ako sa orasan na nasa tabi ko, inabot na ako ng hatinggabi sa kakaisip sa tuwing ipipikit ko kasi ang mata ko, yung mukha ni Kent ang nakikita ko. Susubukan ko sana sa huling pagkakataon na makatulog at tanggalin sa isip ko ang nangyayari dahil alam kong impossible, kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga para kunin sa cabinet ang earphones ko at magpatutog na lang hanggang sa makatulog.

Pagtayo ko, napalingon ako sa bintana dahil parang may napansin ako na gumagalaw, nilapitan ko ito upang isara at baka pusang ligaw ang nakita ko. Baka pumasok rin at nakawin ang mga tirang ulam sa lamesa. Kaya imbes na dumiretso sa cabinet, sa may bintana ako pumunta.

Hindi ko alam ngunit biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya agad kong binilisan ang kilos ko nang biglang may humawak sa kamay ko mula sa bintana.

" Ahhhhh--mpppph" mabilis siyang kumilos, hinila niya ako at agad na tinakpan ang bibig ko.

" Sshhhhhh.. hindi kita sasaktan." dahil sa pagkakahila niya sa akin kalahati ng katawan ko ang nakalabas sa bintana dahil nga tinakpan niya ang bibig ko.

"Makinig ka... bibitawan kita pero huwag kang sisigaw." nakapikit lang ako dahil sa takot ko. Nang bitawan niya ako ay agad naman akong umatras mula sa bintana at nakita kong walang tao ngunit may itim na pusang agad na pumasok rin.

Magsasalita pa lang sana ako nang mabilis na naging lalaki ang pusang itim. Nanlaki ang mga ko , akmang sisigaw sana ako pero nang makita kong papalapit siya ay agad kong pinigilan ang sarili ko at tumalikod sa kanya.

Madilim sa kwarto ko ngunit dahil sa liwanag na mula sa ilang ilaw sa labas ay alam kong nakahubo't hubad siya.

" Ah! Pasensya na , pwede ko bang mahiram iyang kumot mo saglit." inabot ko naman agad ang kumot ko sa kanya.

Ano ba itong nangyayari? Isang pusa na naging tao?! Nanaginip ba ako ? 

" Pwede ka nang humarap." sinunod ko naman siya. Hindi ko alam pero hindi ko ring magawang sumigaw at humingi ng tulong sa pagkakataong ito.

" S-sino ka ba? A-nong kailangan mo sa akin?" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil natatakot pa rin ako.

" Hindi ako masama Ella.. huwag kang mag-aalala hindi kita sasaktan." may kung anong nagpakalma sa akin nang tawagin niya ako sa pangalan ko. 

" Wala akong pangalan pero may misyon ako." napakunot ang noo ko sa sinabi niya, dahilan para mapatingin din ako sa mga mata niya. Nagniningning ito at nakakamagha ang kulay kagaya ng isa isang pusa.

" Anong misyon?" 

" Tulungan kang matapos lahat ng isinulat mong istorya." sa sinabi niya parang biglang may kumirot sa ulo ko. 

" Ha? Bakit? Para saan?" naguguluhang tanong ko. 

" Ella, alam kong mahirap tanggapin pero may kapangyarihan ka. Hindi mo alam pero lahat ng sinusulat mo nagkakatotoo sa mundo namin."

" Mundo niyo? May iba pang mundo?" 

" Oo, mundo na ginawa ng mga manunulat. Nandoon lahat ng mga tauhan na ginawa niyo, nabubuhay sa kanya-kanyang wakas--- malungkot man o masaya. Nagkaroon lang ng problema ang mundong iyon nang maging manunulat ka."

" Bakit?" umiwas siya ng tingin sa tanong ko.

" Dahil ang mga tauhan na isinasama mo doon, ang mga tauhang ginawa mo lahat hindi tapos , kaya nawawala sila. Mas mabuti pa nga ang ibang manunulat na pinatay ang mga tauhan nila dahil binigyan pa rin nila ito ng wakas, may purpose pa rin ang naging buhay nila. Iyong sayo, nawawala sila, para mo silang pinanganak at pinabayaan , pagkatapos ay hindi sila mamatay-matay." 

Pagkatapos niya iyong sabihin, may mga bumalik sa alaala ko sa mga kwentong sinulat ko.

" Nasaan sila ngayon? Anong ginagawa nila kung hindi ko tapos ang istorya nila?" 

" Kapag ang isang tauhan iniwan mong umiiyak, mananatili itong umiiyak hanggang magsulat ka na ulit at isulat mo na punasan ang luha niya, hindi nagiging malaya ang mga tauhang sinusulat niyo hanggang hindi natatapos ang kwento." 

" Ano na ngayon ang naging epekto ng mga tauhan na ginawa ko sa mundo niyo?" kinakabahan kong tanong.

" Noong una ay wala, ngunit bigla silang unti-unting naglaho, akala namin ay ganoon ang epekto sa mga tauhang pinabayaan na ng kanilang manunulat ngunit ang sayo ay... napunta sa mundong ito." 

" Iyon ang dahilan kung bakit nakita ko si Kent Yukiri kanina. Teka kung nabuhay sila sa mundong ito, nasaan na sila at anong consequence nito?" habang tumatagal ang pag-uusap namin ay unti-unti ring nadadagdagan ang sakit ng ulo ko.

"  Magkakaiba ang araw ng dating nila dito, Ella hindi sila mortal, maaring nakapag-iisip sila at katulad niyo, ngunit naiiba sila . Piksyunal na karakter sila na may ibang mundo. Kailangan mo silang ibalik sa mundo namin. "

" Paano? Isusulat ko lang ang kwento at wakas nila?" 

" Makapangyarihan ang manunulat sa mundo namin, ngunit sa mundong ito hindi mo na sila makokontrol."

" Paano ko magagawang ibalik sila sa mundo niyo?"

" Kailangan mo silang tulungan na mahanap ang wakas nila sa mundong ito."

" Paano ko iyon gagawin?"

" Alam kong hindi mo man tapos ang istorya nila, may nakaplano kang wakas para sa kanila, halimbawa ang kay Kent, ang wakas niya ay makatuluyan ang isang babae. Kapag nagkatuluyan sila sa mundong ito, makakabalik na sila sa mundo namin." sa pagkakataong ito, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na masahihin ang sentido ko dahil sa tumitinding sakit ng ulo ko. 

" Kung hindi ko magagawa na ibalik sila?" napapikit na rin ako dahil sa para bang babasagin ang ulo dahil sa sakit nito.

" Kailangan mo silang ibalik..." hindi agad ako nakasagot dahil halos mamilipit ako sa sakit.

Sinubukan kong idilat ang mata ko ngunit parang lumabo ang paningin ko.

" Dahil kung hindi sila makakabalik, mapipilitan akong gawin ang isang paraan na makakapagpabalik sa kanila." nararamdaman kong papalapit ang taong ito sa akin at lalong nadadagdagan ang sakit ng ulo ko.

" ...at iyon ang patayin ka."


Pagkatapos niya iyon sabihin ay naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig at tuluyang dumilim ang paligid.

Hindi Pa TaposWhere stories live. Discover now