Lucas POV
Palabas na ko nang Convenience Store nang makasalubong ko si Leon.
"Bakit ba nandun ka kung kelan ayoko makita yang muka mo! Guizon!"
Si Leon na nagaangas nanaman.
"Nauna ako dito. Ibig sabihin ikaw tong sunod nang sunod saken!"
Napamulsa ako at tumingin sakanya.
"Napakaangas mo talaga! Tabi nga!"
Hinawi niya ko at nilagpasan ako sabay pasok sa loob nang Convenience store.
Napakayabang. Aalis na sana ako dahil wala ako sa mood ngayon para patulan pa siya. Nang mapansin kung tila binabastos nang mga kasama ni Ramerez yung Nerd na yun.
"ooy yung panget sa Hying nandito ohh! Hoy Miss! pabili nang Yosi!"
Sabi ni Jazz isa sa mga kasama ni Leon."Bawal magbenta nang Yosi sa mga underage at estudyante."
Nakayukong sambit ni Lira.
"hindi mo ata kilala kung sino ang kausap mo."
Sabi ni Leon sabay patong nang kamao sa counter area."kilala ko kayo. Mga gangster!"
nakita ko ang angas sa muka nung Nerd na yun na tila ba walang takot sa mga kaharap niya.
"Hahahaha, gangster nga kami! Kaya ibigay mo na yung gusto namen bago pa ko mainis"
sambit ni Leon.
"Umalis na kayo wag kayong gumawa nang gulo dito"
tatalikod na sana si Lira nang hawakan ni Leon ang balikat niya.
"Customer ako dito. Crew ka lang kaya wala kang karapatang paalisin ako at talikuran!"
Nakita kong unti unting humarap si Lira at kinuha ang kamay ni Leon mula sa balikat niya. Piniga niya ito at nakita ko sa muka ni Leon ang sakit nang ginagawa ni Lira."aray!!!!!" Sigaw ni Leon.
"At wala ka ring karapatang hawakan ako." nanlaki ang mga mata ni Lira na tila gusto talaga nito manakit. Nakakatakot naman pala ang babaeng to. Nakakatawang tignan.
"Nababaliw ka na ba?" galit na sigaw ni Leon sakanya. Agad namang hinila nito ang kamay niya mula kay Lira.
"Umalis na kayo bago pa ko tumawag nang pulis!"
Bahagya akong napangiti sa angas na awra ni Lira nang mga sandaling to.Teka ngumiti ako???
Agad akong tumalikod at nagtungo sa drinks selection upang umiwas sa papalabas na grupo ni Leon."May araw ka rin saken babae ka!"
Huling sigaw ni Leon bago lumabas sa convenience store.
Agad akong bumalik sa counter.
Hindi ko alam pero natuwa ako sa ginawa ni Lira kay Leon."Napakatapang mo talaga noh!"
sambit ko nang nakita ko sa muka niya ang pagkagulat.
"Ano pang ginagawa mo dito may bibilhin ka ba?"
nagulat ako sa sinabi niya agad akong dunampot nang candy na nasa harapan nang counter habang nasa muka niya parin nakatingin.
"Seryoso ka dito?"
tinaas niya ang candy na iniabot ko sakanya. Laking gulat kong hindi pala Candy yung nakuha ko.
"Pakshit! Hindi yan" agad kong kinuha sa kamay niya yung condom! Nakakahiya . sabay kuha nang isang kisses at Tubleron nagkunwaring walang nangyari.

BINABASA MO ANG
The Beautiful HEIR
RomantikaKung sa True Beauty nang K-Drama, nagpanggap na maganda ang babaeng bida, ako naman kailangan magpanggap na panget para maprotektahan ang pamilya.