Sa bawat paglubog ng araw
Marahang pumapatak ang mga luha
Habang mga mga sandali'y binabaliktanaw
Noong tayo pa ay magkasamaMga mata mong kumikislap
Puno ng mangha
Hindi mapigil ang pagguhit ng ngiti,
Sa iyong mga labing nakakabighaniAng malamyos na ihip ng hangin
Banayad na humahaplos
Sa iyong masamyong buhok
Na kung iyong mahalimuyak
Tiyak ikaw ay mahihimokMananatiling ala-ala nalang ba
Ang mga ala-alang iyong inihabilin
Na aking aalahanin
Sa bawat pagsapit ng takipsilim?