Isang simpleng pagbati,
Mensaheng hindi aakalaing
Simula na pala ng ating pag-ibig.Gabi'y katulad ng dati,
Nakatalukbong sa kumot habang nag-iisip
Nakatulala at naguguluhan,
Ano nga ba ang aking isasagot sa kanya?Pagulong-gulong sa kama, hindi mapakali,
Tila uod na binudburan ng asin sa gaslaw,
Isang simpleng salita,
Na nagdulot ng kakaibang kiliti sa katawanSa pagsapit ng gabi,
ako'y nakaharap sa telepono at naghihintay
Ngunit hindi ko naman alam,
Na ang ating kalatas ay hindi magtatagal.