Chapter 1
3 years later...
Dylan's POV
Monday, 0700H
"Ate Dy! Sa 'yo daw ako sumabay! Ikaw daw maghatid sa 'kin sa school sabi ni Mommy Reese!"
Kasabay ng sigaw na 'yon ng bunsong kapatid ko na si Russel ay ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko.
"You should at least knock before barging into someone's room, Jungkook," malumanay kong wika habang nag-aayos ng gamit sa bag.
Jungkook ang madalas naming itawag sa kanya dahil sa pagkaadik nito sa K-Pop music. He's fond of dancing and singing like Jungkook of BTS.
"Sorry, Ate. I just got excited lang kasi, e!"
"Bakit naman?" I looked at my younger brother. He's only nine years old. Eight years ang tanda ko sa kanya.
"Kasi sasakay tayo ng train then ng jeep—"
Bigla kong tinakpan ang bibig niya at tumingin sa pinto.
"Sshh! Baka marinig ka ni Mommy, mapapagalitan ako," mahinang kong saway.
Sakto namang pumasok Mommy. Naka-corporate attire ito at halatang nagmamadali na.
"Dylan, ikaw na muna ang maghatid kay Russel. May importante kasi akong meeting today. Nagka-emergency naman si Kuya Mark ninyo," anito na ang tinutukoy ay ang isa sa dalawa nilang driver at ang naghahatid-sundo sa kanilang bunso.
"Eh, si Kuya Nestor po?" tanong ko. Ito naman ang driver ng mga magulang namin.
"Kanina pa nakaalis papuntang airport, susunduin ang Mommy Alayne ninyo," aniya at sumulyap sa wristwatch. "Gosh, I need to go na, mali-late na ako sa meeting. Dy, h'wag mong gamitin ang motorbike mo dahil kasabay mo ang kapatid mo. You can use either of the three sedans. Ang SUV ang gagamitin ko," Yumakap siya at humalik sa pisngi namin.
"Mom—" Nagdalawang-isip ako kung itutuloy ba ang sasabihin. "May konting problema po kasi."
"What? Say it, Dy. Mali-late na 'ko."
"I-I lost my student driver's license, Mom," mahinang kong sabi at napatungo. Nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam kung paano sasabihin kay Mommy na na-holdap ang sinasakyan kong jeep last week nang mag-commute ako.
Mahigpit na bilin pa naman ng mga ito na iwasan naming mag-commute. Ngunit medyo matigas ang ulo ko. Nanghihinayang kasi ako sa taas ng presyo ng gasolina. Mas malaki ang natitipid ko kapag nagko-commute. Although may allowance talaga ako panggasolina, idinadagdag ko na lang 'yon sa savings ko.
"Gosh, Dylan Dwayne! Kailan pa?!" Tumaas ang boses ni Reese ngunit hindi naman masyadong galit.
"L-Last week pa po."
"At ngayon ka lang nagsabi?! Dylan naman! Tsk! Let's talk about this tonight, ha!"
"Yes, Mom." Mas pinili kong hindi sabihin 'yon dahil napapansin kong masyadong busy ang parents namin lately, maraming inaasikaso sa kompanya. Kaya naman, minabuti ko na ilihim na lang. Sasabihin ko na lang kapag hindi na busy ang mga ito. Ayaw kong dumagdag pa sa alalahanin nila.
Nilabas ni Mommy ang wallet at humugot ng ilang libo at hindi na binilang pa. "For now, book a cab! Also, treat yourself and your brother for lunch later."
Muli itong nagpaalam at humalik sa pisngi namin bago tuluyang umalis. "I love you! Take care, ha!"
"You too, Mom!"
Pagkaalis niya, binilang ko ang hawak na bill. Eight thousand pesos.
"We'll book a cab?" nakangusong sabi ni Russel, nakahalukipkip pa.
YOU ARE READING
TAOS II: The Monster Blocker (GL)
Teen Fiction"It all started with a single monster block..." . . . AN: This will be the story of Reese and Alayne's daughter-Dylan Dwayne De Marco. © Hraefn