Prologue

1.9K 146 99
                                    

© Hraefn 2024


Prologue

Tokyo, Japan

20** Asian Girls' U16 Volleyball Championship

Bilang host ng biennial international volleyball tournament na 'to ngayong taon, sinalubong at binati ng Japan team ang ibang kalahok na teams mula sa ibang Asian countries nang dumating ang mga ito sa hotel kung saan mag-i-stay ang mga ito para sa tournament na tatagal ng isang linggo.

Nang dumating ang bus ng Team Philippines, halos lahat ay nakatutok ang atensiyon dito lalo na ng bumababa ang matangkad na middle blocker ng team.

Totoo nga ang nababalitaan nila. May matangkad na middle blocker ang Team PH. Fourteen years old pa lang pero nasa 6ft na ang taas.

"Iba ka talaga, D3! Kahit saan talaga, pinagkakaguluhan ka!" bulong ng libero ng team na si Tori sabay bungisngis.

Tipid lamang itong ngumiti. Inayos nito ang suot na cap at tumungo. Ayaw niya ng ganitong atensiyon.

"Stand proud, D3! H'wag kang tumungo dyan! Lalamunin ka nila nang buo!" sabi ng head coach ng Team PH na si Coach Paula o Coach Pau at tinapik pa ito sa balikat bilang encouragement.

Tumugon sila sa pagbati ng Japan Team ngunit bigla silang nagulat sa sinabi ni Tori.

"Yamete kudasai, mga Senpai!"

Biglang tinutop ng Captain ball nila at OH na si Fara ang bibig ni Tori, at pagdaka'y humingi ng paumanhin.

"Anong yamete kudasai, mga senpai? Arigatou isagot mo, tanga! Tas mag-bow ka!" bulong ni Fara kay Tori.

"Mmpff—!"

Bigla silang napalingon nang marinig si D3.

"Arigatou gomenasai!" seryoso ngunit may mahiyaing ngiti na tugon ni D3 sa pagbati sa kanila ng Japan Team at bahagya pang nag-bow.

Pasimple siyang siniko ni Fara. "Isa ka pa! Arigatou gozaimasu kase!"

"Oh, ganun," tipid na reaksiyon ni D3.

"Mag-English na lang kaya kayo," ani Fara.

"Okay. Arigathanks!"

.

.

Muling inayos ni D3 ang suot na cap at iniwas ang mga tingin sa mga tao nang dumaan sila sa lobby. Naroon din ang ibang teams at karamihan ng players ay pawang nakatingin sa kanya.

Pansin pa niya ang pagbubulungan ng mga ito.

Hindi man niya naiintindihan ang winiwika ng mga ito, may ideya siya sa kung ano ang laman ng usapan nila. Hindi na 'yon bago sa kanya.

"Baka puro tangkad lang 'yan."

"Matangkad nga pero patpatin naman.

"Mukhang malamya."

.

.

Kinagabihan, nag-decide ang Team PH na lumabas ng hotel at bumili ng snacks sa convenience store malapit sa hotel.

Nahiwalay si D3 sa team at lumapit sa mga capsule toy machines na nakakuha ng atensiyon niya. Excited siyang lumapit sa machine na may anime action figures.

Naghulog siya ng coins at may pinihit sa machine hanggang sa lumabas ang capsule.

Na-e-excite niya 'yong kinuha at saka binuksan.

TAOS II: The Monster Blocker (GL)Where stories live. Discover now