Chapter 2

1K 98 41
                                    

Chapter 2

Dylan's POV

M.I.C.

Vacant time.

"'Inang 'yan, Dy! Kakagaling lang natin sa canteen, kakain ka na naman!" sabi ni Shan nang makita niya ang transparent tupperware na inilabas ko mula sa bag ko.

May nakita pa akong tirang cake sa ref kanina kaya binaon ko na.

"Dessert," sabi ko na lang at inalok siya. "You want?"

Binigay ko sa kanya ang extra disposable utensils ko. Lagi akong may dalang extra dahil sa hitad na 'to.

"Sige na! Minsan lang akong makakain ng legit na cake. Puro customized ang nasa bahay, ang tatabang!"

Halos tumirik ang mata nito sa unang subo ng cake. "Ahh! This is good!"

"Thanks. My Mom baked it."

"Ni Tita Reese? Pwede bang magbaon ka na lang lagi ng luto sa inyo? Or sa inyo na lang ako lagi makikikain."

"Why naman? Masarap din kaya food sa inyo. May sarili pa kayong chef. Para kang kumakain sa mamahaling restaurant everyday."

"Parang may kulang kasi, e. Alam mo 'yon? Iba pa rin 'pag lutong Nanay—lutong bahay—ganoon! Although, pinagluluto naman ako nila Mommy pero tuwing weekends lang. Masyado silang busy sa business, e."

I get her point. Iba kasi ang warmth kapag sina Mommy mismo ang nagluto, regardless kung masarap o hindi.

"Sa tingin mo pala, nakilala ako ni Mai?" I blurted out of nowhere.

"Mmm, shiguro!" ani Shan na ngumunguya pa. Halos inagaw na nito sa akin ang tupperware.

Natahimik ako at binalikan ang nangyaring insidente sa MU. Halos ilang gabing hindi ako pinatulog n'on.

Flashback

"Mai Kaizo!" bulalas ko nang makilala siya matapos ko siyang maitulak.

Bigla akong nagdalawang-isip kung tutulungan ba siyang makatayo o kakaripas na lang ng takbo. Sa bandang huli, nagdesisyon akong lapitan at tulungan siya.

Bahala na.

Ngunit bago pa man ako makahakbang, may telang sumaklob sa mukha ko at kinaladkad ako palayo.

Obviously, it was Shan's doing.

"We need to go, Dy! Maaabutan na nila tayyo! Makukuyog tayo ng volleyball team nila!"

"Eh?"

Binitbit na niya ako at pinasan na parang sako ng bigas. Shan is strong. Mas malaki ako sa kanya pero kaya niya akong buhatin, worse ibalibag.

Hindi na ako nasorpresa. Kaya nga nitong manggulpi ng malalaking bullies sa school nila kahit mag-isa lang.

May special training daw kasi ito.

Tatanggalin ko na sana ang taklob sa mukha ko pero pinigilan ako ni Shan.

"H'wag mong tatanggalin 'yang saklob sa mukha mo, makikilala ka nila! Hindi ka pa man nagsisimula, masisira na ang volleyball career mo!"

"I can't breathe, Shan!" impit kong sigaw. Nahihirapan akong huminga dahil sa tela na nasa mukha ko.

"Hang on! Malapit na tayo!"

Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa upuan ng sasakyan.

"Drive, Thiago! Let's go!" sigaw ni Shan sa driver.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAOS II: The Monster Blocker (GL)Where stories live. Discover now