Masaya kong tinignan ang regalo kong gitara kay Betty, ang aking bagong kaibigan. Nakilala ko si Betty noong nagkaroon ng pagdiriwang dito sa bayan, mahilig siya sa musika kagaya ko at nakita ko siyang tumutugtog sa Casa Castillan ang pinakakilalang kainan sa bayan na naitatag ng ninuno ng mga Castillan.
Dahil tapos na ang klase namin at bakasyon na, pinangakuan ako ni Betty na tuturuan niya ako maggitara, samantalang ako naman tuturuan ko siya tumugtog ng piano. Napatigil ako nang makitang may komosyon na nangyayari sa labas ng bahay nila Betty. Sinuri ko ang palagi at nakita kong may sasakyan ng mga security officer at nanlaki ang mata ko nang makitang lumabas si Betty ng bahay niya at naka black handcuffs ito. May dalawang klase ng handcuffs sa realm, parehas itong may halong mahika dahil hindi naman kami mga ordinaryong tao pero ang pinagkaiba, ang Silver na handcuff ay para sa mga magagaan na kaso, samantalang ang itim ay para sa may mga mabibigat na kaso.
Patakbo na ako papunta kay Betty nang biglang may pumigil saakin, pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Benedict Salvatierra ang kaibigan ng kapatid ko.
Pinilit kong iwaksi ang pagkakahawak niya saakin pero mas diniinan niya pa ito.
"Hindi ka pwedeng pumunta dyan." pagkasabi niya noon ay hinila niya ako papasok ng sasakyan niya.
"Ano ba kasing nangyayari? Bakit nila dinadampot si Betty?" sabi ko pagkaupo ko sa passenger seat. Pinaandar naman muna ni Benedict ang sasakyan niya bago sumagot.
"She's being accused of treason"
Gulat akong napaharap sa kanya samantalang siya ay nanatili lang ang tingin sa daan.
"Bakit? Anong basis???"
How is that even possible, Betty looked so innocent. Sa pagkakaalam ko, bata pa lang wala ng magulang si Betty, nang maging vampire siya dahil sa isang insidente ay naging pakalat kalat lang siya hanggang sa nakilala niya si Cris at siya ang nagdala sa kanya dito sa Realm at kinupkop siya ng Abuela ni Cris.
Bago lang si Betty, iisang taon pa lang siyang nakatira dito sa Realm pero sa panahon na magkasama kami kahit kailan hindi niya ako pinakitaan ng masama, palagi niya akong inaalala na para bang isa siyang mundane.
"Hindi ko pa alam. Basta ang narinig ko lang nakipagsabwatan siya sa mga vampire na na-banish dito sa Realm."
Napatulala ako sa sinabi ni Benedict. Magagawa ba talaga ni Betty yun? Kasi ang kilala kong Betty hindi ganyan pero again may self doubt ako kasi kahinaan ko yung empathy na meron ako. Ito yung tinuro saakin ng aking mama na kalakasan at kahinaan ko rin.
"Sino sa council ang hahawak sa kaso?" pagtatanong ko at napansin kong papasok na kami ng Royal Castle.
"Si Leviticus Royceston"
Mariin akong napapikit at mas lalong nawalan ng pag-asa. Isa si Leviticus sa pinakamagaling na abogado sa Realm, mas magaling at matalino pa nga siya kaysa sa nakakatandang kapatid niya na si Nicholas na siyang Chancellor ngayon.
"Sinong magde-defend kay Betty?"
Saglit siyang napatingin saakin sabay balik ng tingin sa daan.
"Parang wala"
Kapag walang abogado ang nagrepresenta sa kanya, haharap siya mag-isa sa council at sa kanila manggagaling ang desisyon hindi katulad ng karaniwang trial na may dalawang panig at magkakaroon ka pa ng pag-asa makalaya dahil hindi lang council ang magdedesisyon kung hindi may jury din.
"Bakit hindi na lang ikaw?"
Tumigil naman ang sasakyan niya sa harap ng mansion namin at tanaw ko na agad sa di kalayuan ang nakakatandang kapatid ko na mukhang naghihintay saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/368326537-288-k795215.jpg)
YOU ARE READING
So Long, My Solace
RomanceSolana Isobel refuses to be in an arranged marriage after witnessing the misery that it caused to those around her. She wanted to find love on her own. But due to an unforeseen incident where her mother was falsely accused of treason to save her mot...