Chapter 4

3 0 0
                                    

“Today we will be examining your speed, agility and strength.”

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na instructor siya pero kailangan ko na mag move on. Iisipin ko na lang na hindi niya ako natatandaan kasi kung babalikan ko, nakakahiya talaga na nagmarunong pa ako sa kanya. 

Pinalinya niya kami apat na lines at dahil alphabetical order sa dulo ako, samantalang si Natalia na Denzil ay nasa unahan. 

Ang una speed, tatakbo kami sa isang direksyon pero medyo malayo parang 10km kasi dadaan pa sa mini forest tapos pagkalabas ng forest agility test naman maraming obstacles na dadaanan para makabalik, may paggapang, pag akyat sa maliit na wall, paglambitin at may maliliit na cones na dadaanan. Sa dulo mag sparing ang dalawang magkalaban at ang unang matamaan sa mukha kung saan may paint ang gloves kaya magmamarka ito, ang siyang matatalo.

Pagkapito ni Sixto ay nagsimula na silang magsitakbuhan. Dahil mga vampires kami na enhanced speed kaya mabilis lang sila nakalabas ng mini forest pero mukhang mayroon din obstacles doon kasi iba itsura nila pagkalabas parang nakipagsapalaran. 

Lahat kami seryosong nanonood ang iba naman nag-cheer sa mga kaibigan nila. Medyo nakakahinga na rin ako ng maluwag kasi dahil busy si Sixto hindi na niyang nagagawang lumingon sa pwesto ko. Makalipas lang ang ilang minuto ay kalahati na ang naisalang. 

Habang naghihintay ay napalingon ako sa paligid. Nagitigilan ako nang makita ang isang pamilyar na tao na naglalakad papunta sa building. Nilakihan ko pa yung mata ko para sigurduhin na siya nga yun.

“Malapit kana, ready ka na ba?” rinig kong sabi ni Natalia sabay tapik saakin pero hindi ko siya nilingunan dahil nanatili ang tingin ko kay Leviticus Royceston naglalakad sa field papuntang building.

“Pasabi may emergency lang ako” sabi ko kay Natalia sabay takbo papunta kay Leviticus. 

“Solana” sigaw ni Natalia pero hindi na ako lumingon. 

Napatigil naman sa paglalakad si Leviticus dahil humarang ako sa harap niya. Kunot noo niya akong tinignan pero ako nginitian ko siya. Nagbow muna ako tsaka nag angat ng tingin sa kanya.

“Hi, I’m a fan” 

Malamig niya akong tinignan mula ulo hanggang paa pero hindi ko hinayaang ma-intimidate ako sa kanya.

“Meron sana akong gustong ita—”

Hindi pa ako natatapos magsalita ay pinutol na niya ito.

“No, you’re not.”

I was taken aback by what he had said. 

“Sorry?”

“Follow me” sabi niya kaya sumunod naman ako sa kanya. Hindi kami pumasok sa building sa halip ay lumayo pa kami yung walang tao. 

“I know you’re Bettina’s friend”

Nawala naman yung ngiti sa mga labi ko sa sinabi niya. Sa totoo lang ngayon ko lang nakita ng malapitan si Leviticus kahit na nagkakasama kami sa mga party. Tama sila, his face looked sharp and his mind too. Parang pag tinignan ka niya nababasa niya buong pagkatao mo. 

“So what ? you’re going to use that against us?” 

Inalis ko na yung bubbly face ko kanina kasi mukhang wala namang epekto sa kanya.

“I’m going to use it, if it’s relevant to the case. Kung kasapi ka sa grupo nila at tumulong ka sa kanila.”

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Maraming nagsabi na si Leviticus is a man of dignity at parang malapit na akong maniwala doon. 

So Long, My SolaceWhere stories live. Discover now