CHAPTER 4

12.9K 434 176
                                    

Wade

“Oh? What happened?"

Bumungad kaagad sa'kin si Vince, namumula ang mukha at basang-basa ang pisngi. Halatang lasing na lasing na rin ito habang tinatapik ni Terrence ang balikat niya.

“Cheer up, p're." Si Marvin at tinungga ang hawak niyang alak. Nagpipigil pa ito ng tawa habang nakatingin kay Vince. “Marami pa namang iba r'yan."

“Yeah, yeah. I can help you with that, Vince. Marami akong kilalang babae, reto kita?" Sulsol din ni Matteo habang nakatingin dito. “You know Chloe from Educ? She's so damn sexy, dude! Talagang liligaya ka sa kan'ya." Nabato naman ito ng unan ni Terrence.

“Stop being a play boy, Matteo. Hindi solusyon 'yan para sa problema." Naupo ako sa couch na malapit kay Vince. Mukhang ngayon lang din nila ako napansin.

“Oh? Kanina ka pa?" Umiling ako at kinuha ang can beer sa table. “Hindi ka namin napansin, ito kasing si Vince." Reklamo ni Marvin habang nginunguso si Vince na umiiyak pa rin.

“Dude.. mahal na mahal ko 'yon, eh!" Iyak nito, halos pumiyok pa siya habang sinasabi iyon. Natatawa ko rin siyang tinignan noong pinadyak niya ang paa.

“Umayos ka nga! Ang pangit mong tignan!" Binato siya ni Matteo ng unan ngunit sinamaan lang niya ito ng tingin.

“Ano ba kasing nangyari? Kailangan ko pang iwan si Skyler kay Ellise." Tumungga ako sa beer habang nakatingin sa kanila. Sabay-sabay silang nailing habang nakatingin kay Vince.

“Remember Katherine? Vince's ex?" Tumango ako kay Marvin. “She's back again, dude! Akala ko nga nakamove-on na 'tong si Vince pero mukhang hindi pa e, hindi naman 'yan iiyak ng gan'yan." Halos maibuga ko naman ang iniinom dahil doon.

Katherine is Vince's ex. Nagtagal din sila ng halos limang taon before Katherine decided to pursue her dream in New York. Vince said that he's already okay. Masakit noong nawala si Katherine pero tinanggap nalang daw niya. Hindi ko lang alam na babalik pala ulit 'yon ng Pilipinas. Akala namin ay magi-stay na siya abroad.

“Bro? Katherine is back and so? After abandoning you, iiyakan mo?" Singit ni Matteo habang magkasalubong ang kilay. “I mean, man! Katherine left you with her only reason that she will pursue her dreams but look what she did, may nahanap kaagad na iba! She doesn't deserve your tears."

Napailing naman ako. “You doesn't deserve that kind of girl, Vince. If she really loves you hindi 'yon maghahanap ng iba." Patuloy ni Terrence.

“But she promised me. She promised me that she will only pursue her dreams and will definitely come back home, to me, when she's already successful."

“Are you a hindrance to her success?" Napatingin sila sa'kin. I sip on my beer before speaking again. “She honestly doesn't need to break up with you just for her to pursue her dreams. She can't handle long distance relationship? We're already in the modern time, Vince, technology is more faster than anything else. If you two can manage your time, you can handle it. If you two are missing each other, you can call each other. Maraming paraan, Vince. She broke up with you because she can only see you as a hindrance to her success. Imagine, bro, you even helped her noong pabagsak na ang grades niya. Kung hindi dahil sa'yo, she will never be the Valedictorian of their class."

I know that it's a big slapped but it's just the reality. Nakita namin noon kung paano siya saluhin ni Vince para lang hindi siya bumagsak sa mga subject niya. Vince also gave up being the Valediction of our batch because of Katherine. We're really mad to Katherine. She's so good at gaslighting and manipulating people around her. We can't just say anything dahil mahal na mahal siya ng kaibigan namin.

Under His Game ( Under Series # 1 )Where stories live. Discover now