CHAPTER 17

9.1K 260 56
                                    

Wade

“Inom pa, Wade!"

Halos ibuhos ko na ang alak na iniinom ko sa sarili. I've been drinking for almost an hour, with my friends. Tuwang-tuwa si Marvin at Terrence habang inaabot sa'kin ang dapat ay shot nila. Hindi na ako tumatanggi at tinatanggap ko nalang iyon.

“Fuck! Ano bang nangyari r'yan? Lasing na lasing ah?" Tumatawang ani ni Marcus habang umiiling sa'kin. Wala na rin si Vince sa puwesto namin na ang paalam ay pupunta lang sa washroom.

“Bro... I fucked up." Halos kumapit ako kay Marvin habang sinasabi iyon. I am really out of my head. Halos mahilo na ako at pakiramdam ko ay lumulutang na ako sa ere. But still, I can handle, sanay na ako sa inuman.

“Ano ba? Binasted ka nung nililigawan mo?"

“Hindi ako pinapansin kanina pa." Ibinulong ko lang iyon sa kaniya. “Help me." I am sure na matutulungan ako ng isang 'to pero pahihirapan niya muna ako. Napasimangot ako noong ngumisi siya sa'kin at sumulyap sa paligid.

“Mahirap 'yan, dude. Nando'n sa circle ng mga Engineering, katabi pa si Ellise." Bulong din niya. Sinusubukang maki-usyoso ng mga kaibigan ko pero hindi nila marinig ang pinag-uusapan namin.

“Sino ba 'yan? Babae mo, Wade?" Kuryosong tanong ni Terrence na sinimangutan ko lang at umiling.

“Ano bang ginawa mong gago ka?" Si Matteo na halos tuktukan na ako kahit hindi pa niya alam ang ginagawa ko. Gan'on naman kami, kapag may problema o away ay iniisip na kaagad namin na kami ang may gawa no'n.

“Dude! That one girl from business approach me earlier and introduce herself. I didn't mind since I am not really interested." Nakikinig naman sila habang nagkukuwento ako. I.. I will just ask for their opinion or suggestions on what to do. Hindi ko talaga masuyo si Asher. Sumulyap pa ako r'on. He's just quietly listening and nodding to his friends, dumako rin ang tingin niya sa'kin ngunit umirap din kaagad. Napagulo nalang ako sa aking buhok. “And, when we're in the crowd, muntik ng may matumba kaya sinalo ko. I just didn't expect that it's the same girl, nakita tuloy kami and that moment, I really fucked up, hindi ako pinapansin!"

Malakas silang tumawa habang tinuturo pa ako. Hindi ko naman pinapansin dahil namomroblema pa rin talaga ako. Sigurado rin akong hindi ako papapasukin nito sa condo niya kapag pumunta ako roon mamaya. Nagmamaldito ba naman.

“Problema talaga 'yan, dude."

“Para ka palang si Matteo, e!" Halos batukan din ni Matteo si Marvin, mukhang hinuhulog din ang isang 'to, e.

“Anong mayroon?"

“Sa dami ba naman ng nakapila kay Matteo, hindi ka ba magseselos?" Tawa ni Marvin na parang kilalang-kilala rin ang pinopormahan ni Matteo. Magaling din talaga ang isang 'to. Kahit gaano ka kagaling magtago, kung siyang chismoso ang kalaban mo, wala kang palag.

“Pati ikaw, dude?" Si Marcus na hindi makapaniwalang nakatingin sa'min. “Pare-parehas yata kayo ng mga problema, e, mga babae!" Tawa niya. Palibhasa wala yatang pinopormahan kaya walang problema.

“Hindi mo ba in-explain?" Tanong ni Terrence na mukhang may iniiwasan. Si Baguio boy. Dinadahilan pa na bibili ng strawberries e wala namang dala sa tuwing umuuwi.

Napailing ako. “I explained. Sinabi kong hindi ako interesado sa babaeng 'yon pero wala, hindi na ako pinansin."

“Tangina. Matindi nga 'yan, Wade. Sino ba 'yan? Matutulungan ka naming suyuin." Umiling akong muli kay Terrence.

“Ayaw niyang... Ayaw niya munang makilala kayo." Napaungot naman sila at inabutan nanaman ako ng inumin na diretso ko ring nilunok. Wala na akong pakialam kung uuwi akong lasing, huwag lang hindi pinapansin.

Under His Game ( Under Series # 1 )Where stories live. Discover now