Nagsimula ang lahat noong araw na...
"Aaaaahhhhh...! Malorie hindi ko na kaya..."
"Ano ka ba? Wag ka ngang ganyan, para lalaki lang iniiyakan mo na? Sabi ko naman sayo wag kang mapofall e!"
"Tulungan mo naman ako!"
"Anong gusto mong gawin ko sa Austin Medina na yun?"
"Make him fall for you at pahirapan mo sya kagaya ng ginagawa nya sakin ngayon. Matapos ko syang pagsilbihan, alagaan at mahalin, sasaktan nya lang ako? Ibinigay ko sa kanya ang lahat-lahat!"
"Really? Lahat-lahat talaga?"
"Well, maliban sa sarili ko...pero kung ginusto lang sana nya e di baka ibinigay ko na rin."
"Oh nakita mo na? Kasalanan mo yan, ang tigas ng ulo mo! Sino ngayon ang umiiyak at humihingi ng tulong?"
"Oo na sige na tanga na kung tanga, pero kasi...mahal ko sya e kahit na kaibigan lang ang turing nya sakin."
Sya si Natalie, ang best friend ko at parang tunay na ring kapatid. Anak sya ng best friend ni Mama na si Tita Natty at nakatira kami sa isang bahay.
Magkapareho ng naging kapalaran ang mga Mama namin, nabuntis at iniwan lang ng lalaki kaya yun, sila na ang naging magkakampi. Nagtulungan sila at naging matagumpay ang negosyo na sinimulan nilang dalawa. Madalas silang out of town dahil sa traveling agency nila kaya kami na lang talaga ng baliw na 'to ang magkasama.
"Sige na please! Iganti mo na 'ko sa kanya."
"Ano? Nat, hindi ikaw yan. Di ba ikaw nga 'tong madalas magsabi sakin na tigilan ko na ang pagganti?"
Magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Kung ako galit sa mga lalaki at hindi naniniwala sa love, si Natalie naman punong-puno ng love sa katawan. Sobrang hopeless romantic at mapag pantasya pero ni minsan hindi pa nagka boyfriend. Paano ba naman, patay na patay sya sa Austin Medina na yun.
Lahat ginawa niya makapagpapansin lang sa lalaking yun, kahit ang sumali sa cheering squad ginawa nya. Nagtiis syang ipagbatuhan at paliparin sa ere para lang palaging makita si Austin at makapag cheer sa kanya. Hayun, naging close naman sila pero hanggang dun lang yun. Dedma ang loko sa beauty ng best friend ko kaya heto mabaliw baliw siya sa pag iyak at halos maubos na nya ang isang box ng tissue.
"Sige na Malorie! Gusto ko syang makitang umiiyak!"
"Pwede ba, tumigil ka nga sa kabaliwan mo! Kilala kita, siguradong pagsisishan mo rin kapag nakita mo syang nasasaktan. Di ba nga baliw na baliw ka sa kanya kaya yan ang napala mo?"
"Ano ka ba? Best friend ba talaga kita? Yung iba nga dyan na niloko ng mga boyfriend nila tinutulungan mo tapos akong best friend mo na kasabay mong lumaki at nagmamahal sayo kahit ganyan ka, e dinededma mo lang?"
"Hay, ang drama mo talaga! E hindi naman naging kayo di ba? Hindi ka nya niloko kasi ikaw mismo ang nagpakaloko!"
"Malorie naman e! Seryoso 'ko, sobrang sakit ng ginawa niyang pagpapaasa sakin..."
Wala siyang tigil sa pag hagulgol nya at alam ko na buong bakasyon ay hindi niya ako titigilan kaya kahit ayaw ko man ay napapayag nya akong gumanti sa Austin na yun.
Ngayong last semester na namin sa college ay mukhang umaayon naman sa plano ang lahat. Naging classmate ko si Austin sa isang subject at nagpapansin ako agad sa kanya nang bigla ko syang tabihan sa upuan nya.

YOU ARE READING
Love Game (Book 1)
RomanceTwo broken players finally found each other. Will one of them win or will both of them lose in this love game?