Chapter four

82 3 0
                                    

Chapter Four

Robby's POV

Nandito kami sa park ni bhest nagba-bike kami nag-aya kasi sya, naghamon pa nga karera ... Ang saya nga eh nag-enjoy ako .. Pinagbigyan ko nga sya dun sa race namin kanina, para mapangiti ko sya :D kasi parang ang lungkot-lungkot nya kasi kaya pinagbigyan ko ung mga gusto nya gawin :)

"oh pano ba yan bhest, panalo ako!"  sabi nya

"rematch!"  pagbibiro ko naman

"hahahaha hinde :p ililibre mo'ko" sabi nya

"oo na"  sabi ko

"ops kaya lang hindi pa ngayon, pagod na'ko eh gusto ko ng umuwi" sabi nya

"sige, tara na" sabi ko sabay akbay saknya

Nangmakarating kami ng bahay...

Sumalubong agad samin si ysa.

"hi ate mommy, hi kuya daddy" bati sa'min ni ysa

"hello baby" bati naman ni angel

"nagdinner ka na?" tanong ko

"hindi pa po" sagot naman ni ysa

"bakit naman?" tanong naman ni angel

 "niaantay ko po kasi kayo ni kuya daddy eh" sagot naman ni ysa

"ay tara mag dinner na tayo"  aya ni angel at inakay si ysa

hindi agad ako nakasunod, kasi napatitig ako sa kanilang dalawa, ang cute nila parehas.. At bigla akong natauhan tinatawag na pala ako ni Angel..

"hon, tara na" aya nya

"ayiiieeee... maghoney sila" pang-aasar samin ni ysa

"siguro kayo na 'no... ayiiiieeeee..." dagdag pa nya

"halika na nga ysa napaka showbiz mo talaga XD"  aya ni angel

Napangiti naman ako sa sinabi ni ysa..

*FAST FORWARD*

Kakatapos lang naming magdinner :) At umakyat na agad ako sa kwarto ko kasi napagod ako ...Maya-maya may kumatok sa pinto ng kwarto ko..

*tok.tok.tok*

Binuksan ko naman agad..

"hi bhest" bati ni Angel

"oh, bakit ka nandito?" tanong ko..

"movie maraton tayo" aya nya

"sige ba" sabi ko naman

Pumasok si bhest at nanood kami ng movie ang korny nga eh drama ung pinapanood namin, mga babae talaga aba XD

Hanggang sa nakatulog na sya sa kakaiyak dun sa palabas haha ang cute talaga ng bestfriend ko kahit sobrang makulit nakakatuwa parin haha parang ung litte sister ko, para ngang kapatid ko narin tong si angel eh, sya lang kasi ung kauna-unahan kong naging kaibigan na babae, ewan ko ba ayaw ko sa babae pero sakanya ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, nung una naiinis ako sakanya pero sanayan lang din XD pano ba naman simula 1st subject namin sa umaga hanggang sa matapos ang klase sya ung katabi ko tapos pag-uwi sya ung kasama ko at magvillage pa kami hahaha oh diba sanayan lang din J)))

Hindi ko na namalayan na nakatulog narin ako, pero syempre sa sofa ako natulog, ganun ako ka gentleman eh..

*KINABUKASAN*

Kakagising ko lang, tulog pa din si bhest kaya nagdecide akong bumaba kasi nakaramdam na ako ng gutom.. Maya-maya pa’y

“hi goodmorning” bati ni angel samin, ang hyper nya talaga e haha

“kaen ka na ohh, favorite mo” aya ko, yung favorite nya talaga ung pinaluto ko para naman matuwa sya

At nagmadali syang pumunta sa dinning area para kumain haha ang takaw talaga nang bakulaw na ‘to aba halos sya na makaaubos nung pinaluto ko haha pero para naman sa kanya yun eh..

“ diba bhest allergy ka dito?” tanong ni angel

“oo nga , may gamot naman eh” sabi ko naman

“tsaka isa lang naman ung kinain ko, halos ikaw na nga ang umubos” pahabol ko

“ang yabang mo ha! Konti lang kaya netong kinain ko ‘no, tsaka wag kang pasaway ang bawal ay bawal, okay?!” sabi nya

“yes boss” sagot ko

Nang matapos kaming kumain..

“bhest mall tayo” aya ni angel

“sige ba, maligo ka na magmomall tayo” sabi ko

“kuya daddy pwedeng sumama?” sabi naman ni ysa

“hindi baby, bawal ang bata dun, kami lang muna ni ate mommy ang aalis tapos next time isasama ka na namin” pagpapaliwanag ko sakanya

“sige po” sabi ni ysa sabay lumabas na

Nakita ko si Angel na pangiti-ngiti..

“What?!” tanong ko..

“Wala ang cute nyo kasi eh ^____^” sabi nya ng nakangiti

“whatever, maligo ka na nga” sabi ko

“oo napo ^____^” sabi naman nya

Kung ano-anong pinapansin ni Angel, pati ba naman ung pakikipag-usap ko sa little sister ko pinupuna pa abnormal talaga siguro yung babaeng yun.. Tama na nga ‘to makapagpapogi na may date pa kami ng bestfriend ko haha joke hindi date yun lilibangin ko lang yung isa ko pang batang kapatid haha XDD

_______________________________________________________

My Lover Best Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon