Chapter Six

70 2 0
                                    

Chapter Six

Nasa school na’ko ngayon hinihintay ang aking mga barkada.. Pero may lumapit saking isang babae si Kate..

“hey angel” bati nya

“oh kate ikaw pala” sabi ko naman

“alam mo bang nililigawan ng boyfriend mo si Ann” pagbabalita nya

“hindi totoo yan.. Mahal ako ni Mat hindi nya gagawin sakin yan” pagtatanggol ko

“ikaw bahala kung ayaw mong maniwala basta ako kaibigan ako na nagsasabi ng totoo” sabi naman nya tsaka umalis..

May namuong luha sa mga mata ko at may kirot akong naramdaman habang iniisip ko ang mga sinabi ni Kate sakin .. Pero nangingibabaw pa din ang pagmamahal  ko kay Mat.. Hindi ako maniniwala sa sabi-sabi ng iba..

“hey girl, anung nangyari?” tanong ni tricia

“ah wala ‘to trish, tara na sa room” sabi ko sabay naglakad

Sakto ang dating namin mag-uumpisa na ang klase…

Hindi ako makapagfocus sa pag-aaral ko dahil si Mat ang nasa isip ko.. kung totoo ba ung mga sinasabi ni Kate, kaya ba hindi na sya nagpaparamdam sakin.. pinaltan nab a talaga nya ako :’<

Ayako ng ganitong feeling gusto ko ng makausap si Mat  para malinawan na ako sa lahat T.T

Nakita ko naman agad si Mat kasama ng mga barkada nya at may kasamang babae…

“teka, si Ann yun ah” sabi ko sa sarili ko at bigla akong lumapit sakanila..

“hi bheb” sabi ko..

“oh angel ikaw pala” sabi ni Mat..

“ ‘kala ko ba break na kayo Mat?” tanong naman ni Ann

“Mat ano ‘to?” tanong ko na nagpipigil ng pag-iyak

“hey girl, boyfriend ko na si Matthew.. actually two months na kami, kaya lumayo-layo ka nga sa boyfriend ko” pagtataboy sakin ni Ann

Sinampal ko si Ann at lumapit ako kay Mat sinampal ko rin sya .. sa sobrang galit ko hindi ko na napigilang umiyak..

“Mat pano mo nagawa sakin’to?, anong pagkukulang ko? Puta two months mo nap ala akong ginagago!! Ano magsalita ka!!” sabi ko , wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao ang mahalag mailabas ko lahat ng sama ng loob ko..

“please angel wag dito” pagpipigil sakin ni Mat

“bakit?! Ayaw mo bang marinig nila kung gano ka kasama ha Mat!! Wala kang kwentang tao akala ko pa naman hindi totoo ung sinasabi nila sakin.. ang tanga-tanga ko.. alam mo bang ilang ulit kitang pinagtanggol sa mga kaibigan ko kasi may tiwala ako sayo kasi Mahal kita.. Mahal kita Mat.. pero anung ginawa mo ha!!” …

“patawarin mo ko angel, minahal din naman kita.. sorry talaga” sabi naman nya

“Hey girl, anung nangyari” tanong ni tricia .. dumating ang mga barkada ko..

Bigla naman akong tumakbo palayo, hindi ko alam kung ako pupunta pero ang gusto ko lang ay lumayo sa lugar na ‘to.. Kung pwede nga sanang hilingin kong bigla ako mawala ginawa ko na…

Sinundan naman agad ako ng mga kaibigan ko.. Nasa rooftop kami ng school ngayon..

“ano bang mali sakin para lokohin nya” tanong ko at may mga luha nanamang pumatak sa mga mata ko..

“walang mali sayo angel, si Mat ang may mali kasi binaliwala ka nya” sabi naman ni hazel

At humagulgol ako ng iyak dahil naalala ko ang nangyari kanina :’< sobrang sakit ng ginawa ni Mat sakin T.T

My Lover Best Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon