Chapter 15

5 0 0
                                    

Herron‘s Pov

“So, this is the real you.” Ngumisi lang siya.

Masyadong mabilis para malaman agad.”

Ako naman ang ngumisi. “Una pa lang alam ko nang may iba.”

“Kaya nga tinanggap mo ako.”

“At hindi lang ikaw ang matalino.”

“Edi bagay tayo, we are both brave. Hindi tulad ng girlfriend mo.”

“That‘s why I love her,”

“Tingnan natin kung hanggang saan ‘yan tutungo.”

Sinukob ko na ang apoy.”

Ngumisi siya. “Talaga? Paano kung sa pagkakataon na ‘to wala ka nang malusutan? Baka ito na ang huli. Hindi mo rin ako kilala.”

Biglang pumasok ang isang taong nagsabi rin no‘n sa ‘kin.

Ngayon, alam ko na.

So It‘s really their plan. Ang bigla nilang paglitaw.

Hahanap na lang ng kakampi, babae pa.

Pero hindi niya ‘to kukunin kung wala nga s‘yang kaya. Maamo ang mukha, mahinhin at inosente ang mga galaw pero taliwas sa panloob.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Inis akong pumasok sa loob ng office at pa-bagsak na umupo sa swivel chair. nawalan ng gana.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang mga hinanda kong tauhan na magbabantay kay Eashana.
Gusto kong sina Troi na lang gaya no‘n, pero mas maganda kung ako na lang muna ang nakaka-alam.

May idea na sila dahil nagsabi naman ako, pero sa pagkakataon na ‘to, ako muna. Abala na rin sila at ayaw kong tawagin sila ng tawagin.

Napabuntong hininga ako at hindi ako makapag-focus, hindi ko na gusto na may mangyari pa pero parang hindi na mawawala ang paghihirap na ‘to.

Damn it!

Naalala ko na naman ang ginawa niya no‘ng isang araw.


Flashback

“I like you.”

Tinulak ko siya nang hawakan niya ako sa braso. Pinuntahan ko siya sa office niya para alamin ang mga gaganapin sa susunod na linggo at habang binabasa ang nasa folder, she approached me and started to seduce me.

Gabi na rin at madalas namang nangyayari na mahuling umuwi ang boss at secretary at pag pasok pa lang, napansin ko na ang ayos niya pero hindi ko inintindi dahil wala namang selan sa company na ‘to na kahit ano ang isuot ay p‘wede, pero alam ko nang may dahilan kung bakit gano‘n ang ayos niya.

At kahit anong gawin ng mga babae sa harap ko, hinding-hindi ako madadala dahil sa isang babae lang ako nadadala—and that‘s Eashana.

Sinabi ko na, kahit balutin pa siya, maaakit pa rin ako at kahit wala s‘yang gawin maaakit pa rin ako. I‘m a man and I love my girl.

A Compassionate A Compassionless (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon