Chapter 11

10 0 0
                                    

Herron‘s Pov

Lunes ngayon at itong araw na ‘to ako magsisimula. Ang araw na nalipat na sa ‘kin ang mana at gano‘n din kay Eashana pero dahil wala pang naisasagawa, hindi muna ako pumasok dahil nilagnat siya at ayaw kong iwan siya.

Nilagnat siya dahil no‘ng gabing ‘yon umulan at gusto raw n‘yang maligo sa ulan—so I let her, kung maiko-comfort siya ng bahay na ‘yon.

At sinamahan ko siya. Naglaro kami at ginawa ang mga ginagawa namin no‘n kaya masaya pa rin ako at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko dahil do‘n.

Ang totoo, masama rin ang pakiramdam ko pero hindi ko inalintana dahil siya ang mas mahalaga.

Sobra rin akong nag-aalala at halos hindi na lumabas ng k‘warto niya dahil limang araw na ang lagnat niya at ayaw n‘yang magpatingin dahil sa takot.

Hindi na niya gusto ang hospital.

Si Izene ang tinatawagan ko to check her, dahil Doctor siya—at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Nahihirapan akong paniwalaan dahil sa mga kalokohan niya.

Iniwan din sa ‘kin ni tia ang isang sketch ni mom na hindi natapos. Natatandaan kong ‘yon ang dapat na ipo-promote nila but it didn‘t happened because of the accident. Hindi rin natapos ang sketch but she left a letter with the details of the wedding gown.

The wedding gown for my girl.

I smiled and closed it. I want someone to take care of it. Gusto ko nang mapapagkatiwalaan. Ayaw ko mang ipagalaw pero kailangang matapos dahil ito ang last design ni mom and this is for Eashana.

It was written that this is for her. She made it for her.

Nalipat ang tingin ko sa kan‘ya na tama lang na dumilat siya.

“Hindi ka talaga pumasok?”

“I‘m scared that you are scared in hospitals and I don‘t want to leave you here.”

“Pero ito ang first day mo, monday na monday rin.”

“Papasok ako kapag okay ka na.”

Ngumiti lang siya. “Malapit na ang lunch at tinawagan ko si Troi to bring us food.”

Napunta ang tingin namin sa bulsa ng pants ko nang tumunog ang cellphone ko.

Wendell Is Calling

Pinakita ko sa kan‘ya ang caller, ngumiti siya at sinagot ko na ang tawag.

P‘wede mo bang ipasok si Ferina? Fashion Designer ang tinapos niya. Nakasalubong ko siya kanina at ang sabi niya naghahanap siya ng mapapasukan. She‘s our friend.”

I would love to Wendell, pero jewelries ito,
tutulungan ko na lang siya—

She‘s a designer, nakita ko ang mga designs niya.”

Bakit hindi sa ‘yo?

A Compassionate A Compassionless (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon