Eashana‘s Pov
“Hola Parade na lang.” Si Troi.
Nalaman kasi nila ang nangyari at nagtampo dahil hindi nag-paalam si Herron sa kanila at gusto nilang mamasyal kami katulad no‘n.
“Hindi ba ayaw ni Herron na dalhin natin si Eashana sa restaurant na ‘yon kung hindi siya ang kasama?” Si Exell.
Mabagal ang bawat bigkas niya sa mga salita, napansin ko rin na parang may nag-iba sa kan‘ya.
“Bobs Restaurant?” Troi.
“Sa pinagta-trabahuhan na lang ni Kyle.” Si Keane.
Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan niya.
“Sa Japanese Restaurant pa rin ba siya?” Si Exell.
“You‘ll know,” tsaka siya lumapit sa sasakyan niya.
Kasama niya si Lao, Izene at Cyrell. Si Troi at Exell sa sasakyan ni Barnes, ako sa sasakyan ni Wendell.
Kung sakali man, ngayon ko pa lang ulit siya makikita.
Huling kita namin no‘ng namasyal kami no‘ng graduation.
“Excited?” Nilingon ko si Wendell, tipid akong tumango at ngumiti. “Alam kong nahihirapan ka pa rin, but... I-I want you to call me Kuya.” Naibalik ko ang tingin sa harap at naibaba rin ang tingin.
“But It‘s okay, kung hindi ka pa handa. I won‘t force you. Gusto ko lang... marinig ‘yon sa ‘yo. I‘m sorry.”
Napaglaruan ko ang mga daliri ko. Naiintindihan ko siya, hindi ko lang din alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya matawag-tawag sa kung ano ko siya.
Nagawa ko naman ‘yon no‘n—pero kusa.
Hindi katulad ngayon na nasa wisyo ako. Nakabawi na rin siya at alam kong best brother siya, kasi ‘yon ngang si Danica na hindi naman niya ka-dugo inalagaan niya.
Ako pa siguro na ka-dugo niya.
Naiilang pa rin ako kaya isa ‘yon sa dahilan. Pero, baka... p‘wede naman. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at dinilatan. Dahan-dahan ko s‘yang nilingon pero seryoso ang tingin niya sa daan.
“K-kuya,” mahina at parang napipilitang bigkas ko.
Na-preno niya ang sasakyan, alam kong nabigla siya. Nilingon niya rin ako agad.
“K-kuya,”
“Again,”
“Kuya, Kuya Wendell.” Nakatingin na ako sa kan‘ya nang maayos, gano‘n din sa pag-bigkas no‘n.
Tama lang din na nandito na kami at parang naunahan pa namin sila.
Mabilis s‘yang bumaba at umikot tsaka ako pinag-buksan. Nagmamadali ang kilos niya at nang maka-baba ako agad niya akong niyakap. Yumakap din ako sa kan‘ya at napatulo ang luha.
Para kasing naramdaman ko sa kan‘ya si Papa.
“Thank you, thank you Eashana. Thank you my little sister.”
“Reunion na ba?” Napalayo kami dahil sa boses ni Troi.
Napatawa lang kami tsaka siya lumapit kasunod sila, umakbay siya sa ‘kin at ngumiti nang lingunin ko.
“Tama lang na Kuya ang itawag mo d‘yan. He‘s getting older day by day—”
Hinila niya ako palayo kay Troi. “May tiwala si Herron sa inyo, pero alam mo ang ugali no‘n.”

BINABASA MO ANG
A Compassionate A Compassionless (Sequel)
RomanceI am now in this chapter, I am happy that we survived in our darkness, the darkness that I made. But I am wholeheartedly willing to change it. I am the cause and I am also the cause to make it new. I don't know what will happen, but in this chapter...