[ Read twelve para ma-refresh ang utak niyo sa totong nangyari.
This is their first meet up. ]Yuuki's POV
Mabilis akong nagbihis at naghanda para sa pagdating niya. Ang aking one and only oppa na si Byun Baekhyun!
In a speed of light, pina-andar ko ang motorsiklo ko at pumunta na sa airport. Hays, #BuhayFangirlProblems nga naman. Sige lang! Kapag kinasal na kami ni Baek, bibili ako ng sampung sasakyan!
Nung nakarating ako, kumpulan ang mga tao. Madaming banners para sa kanilang mga oppa at sobrang maingay! At dahil puno na ang gilid na dadaanan ng EXO, pinili ko yung malapit sa gaurd na malapit sa gate para madali akong mahanap ni Baek kung sakali man na mag-reply siya. Prepared ako noh! Echos.
After 2 Hours...
Mas dumami ang mga tao, at nahihirapan na akong huminga. Pero tiniis ko iyon at hinintay si Baekhyun. Nang biglang nag vibrate ang phone ko at nakatanggap ako ng message sa kanya galing sa messenger.
Alam niyo na ang mangyayari nun! Wag niyo na akong ipa-narrate nun ulit! Tapos, nakita niya ako, at bigla silang tumahimik. Hindi sumisigaw ang mga fans, at nakatingin lang sila sa akin. Nahihirapan pa rin akong huminga. Kumbaga, heavy breathing na ang nangyayari sa'kin.
Pucha friend! Yung hika!
"Okay ka lang?" Hinawakan ni Baekhyun ang pisnge ko. Namula ako opkurs. "Yuuki?" Bumalik ako sa realidad. At hindi na talaga ako makahinga. Dali-dali kong kinuha ang inhaler na gamot ko at hinipan yun. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Oppa?" Iyon lang ang mga salita na kaya kong sabihin sa ngayon. "Seen." Ngumiti siya sakin. Bago siya umalis at tawagin ng mga ka-miyembro niya, kinuha ko ang phone ko at ino-pen ang camera.
"Oppa! Selfie--este, selca tayo!" Naagulat siya, pero lumapit pa rin siya sa'kin, at umakbay. Ang gaan ng kamay ni Baek, infairness, at napaka flawless. Sabihin niyo nga sa akin kung sino ang babae dito? Ako ba o si Oppa?
nag-selca kami ni Oppa. Ang ganda ng smile niya ha! Napa-genuine. Tapos, nag-wave siya sa'kin, at sumabay na siya sa mga ka-miyembro niya. Mainly, Chanyeol oppa. Hays, ChanBaek feels.
Matapos silang umalis ay biglaan akong nilapitan ng apat na babae. Mukhang mga fan sila ni Baekhyun, kasi galit na galit nila akong tinignan.
"Sino ka ba sa buhay ni Baekhyun?" Mataray na tanong sakin ni Girl 1. "Fan niya." Este, asawa niya! Pero joke lang yun. Ayoko pang maging sikat sa instagram, twitter, at facebook world.
"Bakit parang magkakilala kayo?" Tanong naman ni Girl 2. "Kasi... fan niya ako?" Pambabara ko sa kanila kahit na hindi naman bara yun. Nagsisimula na akong matakot ah!
Sasagot pa sana sila nang makita ko si Yeri at Joy na papalapit sa'kin. "Hoy! Layuan niyo nga si Yuuki!" Galit na sabi ni Joy sa apat na mataray na babae. Tinaasan nila ng kilay si Joy, pero nang malapit na siya, bigla silang natakot dahil sa tangkad ni Joy.
Galit na galit silang umalis at napabuntong hininga ako. "Okay ka lang unnie?" Tanong ni Joy sa akin. "Naku.. okay lang--" Naputol ako sa dapat kong sasabihin dahil biglaan akong nawalan ng malay. Naging madilim ang paligid at naramdaman ko ang sarili ko na bumagsak sa sahig.
***
"Unnie?" Binuka ko ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Yeri. "Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kanya. "Nahirapan kang huminga. Suffocation raw ang nangyari sa'yo unnie. Hindi ka kasi dapat pumunta dun eh. Alam mo naman ang kalagayan mo." Pilit siyang ngumiti para sa'kin.
"Gusto ko lang naman siyang makita." Ang tangi kong sabi. "Pero alahanin mo rin ang kalagayan mo." Ngumiti siya sa'kin. At umalis sa kuwarto ko sa hospital. Bumuntong hininga ako. Kung kelan ako masaya, ganun naman ang kapalit ng kalagayan ko.
Ilang saglit lang ay dumating si mama na alalang-alala. "Kamusta ka, Yuuki?" Yinakap ako ni mama, at gumanti naman ako. "Okay lang naman. Nasaan ang cellphone ko?" Tanong ko agad sa kanya.
"Heto oh." Iniabot ni mama sa'kin ang cellphone, at nag-chat ako agad kay oppa. Ganun ang nangyari sa akin nung una kaming nagkita. Masaya, pero may kapalit na sakit. Sana lang talaga ay makalabas na ako rito bago magsimula ang concert nila.
Sana nga.
Author's Note:
Guys, ayiee, kilig is me. Now yo kno kung ano nga ba ang nangyari pagkatapos ng airport scene. So, ayun lang muna sa ngayon. Pwede na kayong magbasa sa book 2--dejok. Bye~
BINABASA MO ANG
Is Oppa Blind? | Book One [editing]
Fanfiction[Completed] Blind Series #1 || A chat series of a dying fangirl and her oppa Book Cover credits to caessium! <3 "Ang sakit kasi hindi niya man lang mapansin ang efforts ko."