epilogue

541 52 29
                                    

Baekhyun's Side.

Nag-OL ako sa Facebook, nagbabasakali na may makita akong online. Inuna ko muna ang Friend Requests ko. As usual, sabog na sabog. Haays, ang dami na talagang hackers ngayon. *facepalm*

"Yuuki." Marahan kong pagkakasabi sa pangalan na nakita ko sa pending request list ko. Ang ganda pakinggan ng pangalan niya. Napaka-smooth. Ang ganda pakinggan.

Pinili ko ang 'not now' kasi baka isa lang 'tong sasaeng na gusto akong i-harass gamit ang facebook.

Nang sumunod na araw, nag-log in ulit ako sa facebook pagkatapos ng practice namin para sa concert namin sa Manila.

Naka-spam ang pangalan nung Yuuki sa message section ng facebook ko. Agad akong nag-reply na iwasan na niya ako. Ayoko kasi yung cliche much na magrereply ako, tapos magkaka-inlaban na. Ew, masyadong cliche.

Hanggang sa nagpatuloy lang siya sa pag-chat sa akin. Kahit na hard ako sa kan'ya, patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin kahit na pilit ko siyang tinataboy palayo.

At hanggang sa magustuhan ko siya.

Nung araw na nalaman ko ang pangalan niya, halos maging pula na mukha ko sa screen. Todo-ngisi ang mga ka-miyembro ko dahil nagsisimula na daw akong magka-love life.

"Uyy~ Si Baekhyun, may love life na!" Mapang-asar na sabi sa akin ni Jongdae. Biglaan akong inakbayan ni Chanyeol at nagsalita, "Tsk, mahal ka nun Hyung, tapos hindi mo masuklian ang pagmamahal niya. Mahalin mo na kasi!" Ngumiti sa akin si Chanyeol at inalis ang pagkaka-akbay sa akin.

Tapos isang araw, nakita ko na rin ang una niyang selca. Halos tumalbog ang puso ko nang makita ko ang mukha niya.

Mas ginusto ko ang maging composed at maging bitter pa rin sa kanya, kaya nasabi kong hindi siya maganda. Nanghinayang ako dahil naging " < / 3 " ang reply niya. Mahapdi sa puso, masakit.

Pero tama lang naman yun sa'kin, kasi ako naman ang nagsabi sa kanya nun. Napapangiti ako sa tuwing sumasabi siya ng 'oppa'. Nung isang araw na sinabihan niya ako na 'wag kumain ng ice cream dahil mapapaos ang boses ko. Halos tatlong araw akong hindi talaga kumain, kahit na palaging bumibili sila hyung ng paborito kong flavor ng sorbetes. Wala akong kinain talaga na ice cream kasi yun ang sabi sa akin ni Yuuki.

Nung isang araw na hindi siya nag message sa akin, hindi tuloy ako makatulog kaka-isip sa kanya. "Kamusta na kaya siya?", "May nasabi kaya akong masama?". Iyon lamang ang palagi kong naiisip.

Nawalan lang pala sila ng WIFI.

Napatawa ako nang sinabi niya yun. Napa-iyak ako dahil sa tawa.

"Kasi, 'yun ang trabaho ko as a fangirl mo oppa ;) Kahit na ipagtabuyan mo ako, hindi kita iiwan ;)" Napangiti ako sa sinabi ni Yuuki. Loyal fangirl siya. Pero may nararamdaman talaga akong mali sa mga aksyon niya. May nararamdaman akong mali.

Simula nung sinabi niya sa akin na nagkasakit na, halos gusto ko nang magpadala ng gamot papunta sa Pilipinas. "Hyung, wag kang mag-alala." Medyo malungkot na sabi sa akin ni Chanyeol. Tumango ako at pumasok na sa kuwarto ko.

Dumating ang araw na pupunta kami sa Manila para sa EXO'luxion. Nasabi sa akin ni Yuuki na nasa tabi siya ng gaurd. Noong dumating kami, agad kong hinanap ang gaurd malapit sa gate. Nang makita ko siya ay agad ko siyang china-t at sinabing nasa tabi ako ng gaurd.

Tama ako. May mali talaga.

Matamlay na Yuuki ang nakita ko katabi ang gaurd. Pero nangibabaw ang matamis at masiglang ngiti na ibinahagi niya sa akin. Hindi na medyo katulad sa pictures ang mukha niya, pero above all, siya nga ang babae na nagustuhan ko.

Is Oppa Blind? | Book One [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon