Chapter 01

3.4K 116 1
                                    

Inilabas ko ang kamay ko sa waiting shed at doon ko naramdaman ang malakas na pagpatak ng ulan. I closed my eyes while my body slightly trembled when the wind blew at the same time the rain poured harder.

I rubbed my hands to make them warmer, then pressed them on my cheeks bago ko niyakap ang sarili ko. Kaliwa't kanang lumingon-lingon ako pero wala pa rin ang Grab.

I kept tapping my right foot while I glanced on my watch a couple more times before I sighed heavily and took my phone out. Tatawag na sana ako sa bahay para magpasundo pero nakuha ang atensyon nang may isang kulay dilaw na sasakyan ang pumarada sa harapan ko.

The front door glass opened, and I saw a middle-aged man. Finally!

"Ma'am Paris Ross?" he asked. Tumango ako at nagmadaling pumasok sa sasakyan niya.

"Pasensya ka na hija, ang lakas kasi ng ulan ngayon."

I forced a smile. "Okay lang po," pero late na 'ko.

Sa muling pagsulyap ko sa relo, nagbuntong-hininga na lamang ako at dumungaw sa bintana para pagmasdan ang patuloy na pagdilim ng mga ulap. Wala rin namang saysay kung magmamadali pa 'ko.

I raked my hand through my damp hair at kinuha ang panyo sa bag bago punasan ang buhok ko. This is absolutely the reason why I hate rain.

Napatigil ako at napasulyap sa cellphone ko nang malakas na tumunog ito. Tumikhim muna ako bago sagutin ang tawag.

"Mag-aabesent ka ba ngayon?" Iritado ang kaniyang tono.

Sumulyap ako sa harap. "No, late lang."

"Tawagan mo ako pag na sa Del Rosario ka na."

"I will."

The call ended quickly. Saktong huminto ang sasakyan sa harapan ng bahay. Inabot ko muna ang bayad bago lumabas ng tumatakbo gamit ang bag na ipinamandong ko sa ulo.

When I arrived at our front door, minadali kong tinali ang buhok ko para hindi gaano mahalata ang pagkabasa at inayos ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko bago pindutin ang doorbell while I silently prayed na sana wala pa si Mama.

My smile automatically appeared when the door opened. Bumungad saakin ang nag-aalalang mukha ng isang may kaedarang babae.

"Juskong bata ka!" She hurriedly handed me a towel bago kinuha ang bag ko, "Ba't ba naman kasi 'di ka nagdadala ng payong?"

"Manang, nandyan na po ba si Mama?" I asked while I dried myself up.

Tumango ito. "Kaninang ala-una pa."

I nodded and returned the towel. Dumiretso ako sa living area, where my mom likes to rest when she's here. At hindi nga ako nagkamali, she's sitting elegantly while reading something on her iPad.

"I'm home," I said in a modest tone then kissed her cheeks nang makalapit ako.

She looked up to me, acknowledging my presence, but when she eyed my appearance from head to toe, hindi ko mapigilang kagatin ang loob ng labi ko dahil sa klase ng titig niya. I remained calm and composed, but before I could say a word, my smile faded within an instant.

"Walking around, looking like a beggar." She scoffed, "Do you not feel humiliated?"

I narrowed my eyes o avoid her disgusted stare pero agad ko rin namang inangat nang mapansin ko ang maputik at basa kong sapatos.

"You're acting foolish again, Cameron." She slid her index finger through the screen, "What would people say of you?"

Nanatili akong tahimik at walang kibo hanggang sa tinagpo niya muli ang paningin ko at nagsalita.

The Letters of ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon