PKPH XVI

46 2 0
                                    

XVI- Everything has changed

"Payatot, Ako na kasi" Sabi ni David.

Bahala siya sa buhay niya, Sabi nang kaya ko 'tong bag ko. Ang gaan lang kaya nito. Hindi kaya ako skeleton na napakafragile.

"No. Kaya ko na talaga 'to, Promise. mamatay ka pa!" Sabi ko sa kanya.

"I'm too handsome to die, atsaka baka mabali yung buto mo. Ang payat mo na oh! Tapos kalalabas mo lang ng ospital" Sabi niya sa akin.

"Whatever! Sayo nalang yang bag nayan, Bibili nalang ako ng bago and duh it was a week ago. Move on uy!"

"Kailan ka pa naging moody at mataray? Ang rami talagang nagbago ano? Sandali lang ako nawala, parang ang rami ko nang hindi alam tungkol sa inyo" Sabi niya, na halatang nagsesenti.

Puhlease, wala ako sa mood para mag senti.

Inunahan ko na si David sa paglalakad, Ang OA ng isang yun. Pati kulay ng bulaklak sa dating garden nadamay sa pagsesenti niya.

"Diba red yung kulay ng bulaklak dito noon? Bakit yellow na? Ano yun, Climate change?" Sabi ni David

I rolled my eyes, At kailan rin siya naging tanga? Di ba pwedeng pinalitan lang ng school ang flowers sa garden?

Climate change agad ang magiging salarin?

Nauna akong maglakad kay David dahil tila nagmumuni-muni pa ang isang iyon

Mula sa malayo, Nakita ko si Julius.

It was crazy, it made me think unusual things just like is my hair okay? Does my breath smell good? Do I look fine? Wait lol of course I do.

but Shit. Why do I feel so self concious?

"Uh. H-Hi." Bati ko sa kanya, Fudge. Why did I stutter so hard?

Pero ang loko, Hindi lang man ako tinignan at nagpatuloy lang ng lakad. Hindi niya ba ako nakita?

"Wow. The Dimitri I knew, doesn't stutter" Sabi sa akin ni David. "... And you don't greet anybody you pass by. Hmm. Weird" Pagpapatuloy niya.

Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko, mula sa insidente sa classroom kahapon, mas naging aware na ako kay Julius. Kahit yung munting bagay na ginagawa niya napapansin ko. Nakakainis lang, Simula nang dumating si David hindi na ako kinakausap ng mokong. Pag nagtatanong ako, Tititigan lang niya ako na parang hangin.

Inis na inis lang ako sa kanya. Ang sarap tirisin ng ilong niyang matangos na paniguradong maraming kulangot. Bahala siya sa buhay niya, kung hindi niya ako papansinin edi hindi ko na rin siya kakausapin. MABULOK SIYA!

Swerte nga niya kinakausap ko siya. Ako kaya si Dimitri Mendez, ANG PINAKAMAGANDANG DILAG SA BUONG MUNDO!

Haay. Ano na bang nangyayari sakin? Naloloka na ako.

"Dimitri. Yung Julius nayun, yun ba ang bago mo?" Tanong ni David.

"Kailan ka pa naging chismoso?" Tanong ko sa kanya

"Ngayon lang, Curious lang ako. Imagine, Sa classroom palagi kang nakatitig at nakaharap sa kanya, Talak ka ng talak kahit hindi ka niya pinapakinggan, Binati mo siya nung nakita mo siya sa hallway, Tapos you stuttered because of him. Tell me, Do you like him?"

He noticed all of that?

"Stalker ba kita?" Tanong ko sa kanya, Hindi ko alam kung ano isasagot sa tanong niya, Mas mabuti pang iwasan ko iyong tanong nayun . Dahil kahit mismo sa sarili ko, Hindi ko na alam.

"Obvious ba? Hihi sorry." Sabi ni David.

I just cant lose. I just started the game (well, kind of) .

Wait. NO WAY. I'm not losing, or falling, probably naninibago lang sa sudden change of attitude nun. And like before, masasanay lang ako, sasanayin ko ang sarili ko.

Bakit nga ba ang raming nagbago?

07.12.16

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parang kayo pero HindiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon