Chapter 2

205 19 8
                                    

Chapter 2

"Tell me what happened, Kavya Liam!" natatarantang boses ni Valerie nang mas lumakas pa ang naging pag-iyak ko. Palipat lipat ang tingin niya sa daan at sa akin habang nagmamaneho.

I wiped my tears as I leaned on the car's window. I, myself, do not understand what this feeling is all about because I know that I don't have the right to feel this way. Siguro ay ganoon nga talaga kung talagang gusto mo ang isang tao ay hindi mo siya kayang makita sa iba. Nabubulag ka sa imahinasyon na dapat ay ikaw ang nasa pwestong iyon at kayong dalawa ang dapat na magkasama. Pero wala ako sa lugar para maramdaman ito. Iwinaksi ko ang kaisipang iyon at bumangon.

Tinignan ko ang kaibigan na nag-aalala pa rin ang ekspresyon dahil sa biglaang pagiging emosyonal ko. This should've been our night but because of my craziness towards that man, I felt like I owe her an explanation, but I have to calm down first. Lumunok ako at tuluyan nang bumaling sa kanya.

"Let's stop at the nearest convenience store, Val, please."

We did stop at the convenience store. "Saglit lang at mag-aalas dose na, yari ako kay tita." aniya.

Tumango naman ako. She directly go to the ice cream section and picked a strawberry flavor. Naupo naman ako sa isang pwesto dahil nagsisimula na ring sumakit ang ulo ko. Hindi naman ganon karami ang nainom ko. Mabuti at hindi marami ang tao dahil anong oras na rin naman na.

"So, ano ngang nangyari?" aniya nang makabalik na matapos magbayad. Binuksan niya ang ice cream at nag-abot ng kutsara.

I filled her in. I told her what I saw at the bar. That I saw Leandro making out with a girl inside the comfort room. Hindi mawari ang ekspresyon niya sa narinig mula sa akin. It was full of confusion and disgust at the same time. Padarag niyang binaba ang kutsara at nag-ayos ng nakalugay niyang buhok na para bang naiinitan siya kahit na airconditioned naman ang convenience store.

"And that is your standard for a man?" iritado pa rin ang tono. "O baka naman nahimasmasan ka na?"

"I never thought Leandro would stoop that low. At talagang sa CR pa? Tangina! Ang yaman ng pamilya niyan, ah?"

Malungkot akong sumubo ng ice cream. She looked at me pitifully. Sinandal niya ang ulo sa aking balikat at marahang hinimas ang likuran ko kaya mas lalo pa akong naging emosyonal.

"I-uncrush mo na nga ang gagong iyon. Marami akong kakilala, mas gwapo at varsity din. Huwag ka na roon!"

The worst thing is that I knew what I was getting into from the very beginning. I am aware of his reputation with girls. He is known as a cold-hearted person who has never cared about the feelings of others, especially girls. I've never seen him treat a girl differently. Everything I heard about his relationship was only temporary. At kung bakit iniisip ko na ako ang magbabago niyon ay talagang hindi ko na maintindihan!

That despite of it all, I am still determine to get what it takes.

I just found myself in the middle of the crowd cheering out loud. He grabbed the ball from the opponent and the crowd instantly went crazy. It's saturday afternoon, when I decided to watch his game for the first time again after that heartbreaking night.

Kung nandito lang si Valerie ngayon ay talagang sasakit ang sentido non sa katigasan ng ulo ko. Alam ko naman!

"Hey, Kav, right?" ani sa akin ng katabing lalaki. I raised my brows when I realized it was the nosy guy from the bar.

"Kaiser!"

"Watching his game again, huh?" Napangisi ako. "Even after that night?"

Kumunot ang noo ko sa dugtong niya. I raised my brow at the idea that he knew about what happened when it was only Valerie that I told about it.

 Caught in The Wilds (College Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon