1: It was who?

8 1 0
                                    


Gaano man kagulo ang mundo, gaano man kaingay ang paligid, nawawala ang lahat ng iyon pag nag susulat ako. Mahilig ako mag sulat, siguro dahil yun lang ang kaya kong gawin

"Kie?" Napalingon ako kay mama nang tawagin nya ako, ngiti lang ang iginawad ko bilang tugon.

"Kumusta na pakiramdam mo?" Mahinahon nitong tanong. Napayuko nalang ako at hinigpitan ang hawak kong ballpen

"M-ma..." Tumingin ako sakanya ng walang pagsisisi

"Gusto ko po ng bagong notebook..." Tumingin ako sa notebook na ginagamit ko, paubos na ito at hindi ko parin natatapos ang nobelang nais kong tapusin... mahaba kasi.

Tumingin ako kay mama. Kahit hindi nya sabihin alam kong nasasaktan sya sa kalagayan ko, alam kong napapagod na rin sya. Unti unting namuo ang mga luha na ayaw ng magpapigil pa sa pagbagsak... "Bibilhan kita anak..." Hinawi ni mama ang mga hibla ng buhok na nasa mukha ko. "Ma, ayos lang po ako." Ngiti ko. Totoo 'yon. Maayos ako.

"Pagaling ka hm?" tumango lang ako bilang tugon. "Lalabas si mama, bibili ako ng mga prutas at kukuha rin ng mga gamit. May nais ka bang ipabili?" Umiling ako at ngumiti "Notebook lang po." Ngumiti si mama at muli na namang bumagsak ang mga luha nya, hinalikan nya ako sa noo at lumabas na ng silid.

Napatingin naman ako sa labas ng bintana, ang kama ko ay malapit lang sa bintana dahil mahilig akong dumungaw sa ibaba kung saan ipinapasyal ng mga nurses at mga guardians ang mga pasyente nila, gusto ko rin ng ganon pero nawawalan na rin akong ganang makihalubilo sa ibang tao...unti unti ko nang tinatanggap na siguro hindi ako magiging parte ng mundo... kahit kailan.

Pinagmamasdan ko silang nagpapagaling habang ako..? gagaling pa kaya ako? Ang alam ko ay hindi na, at ayos lang iyon. Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti at tinignan na na lamang ang blangkong page ng notebook at sinimulan na ipagpatuloy ang nobela na ginagawa ko. Gusto ko, bago man ako mawala ay nakapaglimbag na ako ng libro pero napaka imposible naman no'n.

"Ang ganda talaga ng mga ginagawa nyo Ma'am." Napatingin ako kay Nurse Daisy, sya ang Nurse na madalas na mag alaga saakin at gustong gusto nya rin ang mga ginagawa kong nobela, binabasa nya pa rin ang gawa kong nobela na natapos ko noong nakaraamg buwan. "Gusto nyo po bang hiramin muna 'yan?" Tanong ko, pansin ko rin kase na gustong gusto nyang basahin ang mga gawa ko. Bilang manunulat, sapat na saakin na makitang nasisiyahan ang tanging mambabasa ko

"Ay talaga??" Napatingin ito saakin, malaki ang ngiti sa mukha. Napangiti rin ako sa nasaksihan ko

"Oo naman. Hahaha basta ba wag nyo pong walain ah?"

"Oo naman! Aalagaan ko 'to!" Parang bata nyang saad. Itinuro ko naman ang maliit na mesa na nasa gilid ko lang, puno iyon ng mga notebook na nasulatan kona ng nobela

"Tatlo yan sila ate. Andyan po yung dalawa"

Masaya naman itong kinuha ni ate at nagpasalamat, sabi nya pa ay ipapabasa nya rin ito sa mga kakilala nya

....

Ilang gabi pa ba ang kailangan kong gugulin sa loob ng silid na ito? alam kong kahit ilang ulit pa nila akong ipagamot ay kamatayan parin ang sasalubong saakin. Ayos lang, tanggap kona, ang hindi ko tanggap ay patuloy na naghihirap ang mga taong nakapaligid saakin, umaasa na makakasama pa nila ako ng matagal. Pero anong magagawa ko? kahit naman na gustuhin kong manatili, kung ang katawan ko na ang aayaw ay wala na akong magagawa...

"L-lord..." Hindi ko na kaya, alam kong sya lang ang malalapitan ko, ilang besses na akong nabigo sa mga gamot na ibinibigay saakin. "A-ayaw ko na po..." halos mag limang buwan na ako rito sa hospital, nakalimutan ko na ang amoy ng sarili kong bahay...

"Anak!" Napatingin ako kay mama na ngayon ay hawak ang pintuan... Siguro narinig nya akong makiusap sa diyos na tapusin nalang ang lahat, agad itong lumapit saakin at hinawakan ang mukha ko.

"Anak! ano ba... W-wag ka ngang ganyan!" Aligagang saad ni mama habang pinupunasan ang mga luha na patuloy na dumadaloy. "Ano bang sinasabi mong ayaw mo n-na?!" Maging si mama ay umiiyak na rin. "Lalaban tayo! Ano kaba? sakit lang yan anak... Mabubuhay ka anak" Pa ulit ulit akong umiling. Ayaw kona, ayaw ko na talaga, kung alam lang nila kung gaano kasakit ang magpagaling...

"A-anak... ikaw nalang ang meron si mama... W-wag mo akong iwan" Hindi na maawat ni mama ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata nya. "L-lumalaban si mama anak...k-kaya lumaba ka rin..." Hindi ko na rin mapigilan ang sarili sa pagluha. Maganda ang gabi ngayon, maganda ang buwan at kitang kita ang mga nagagandahang bituin sa langit pero ang mga puso namin... hindi kayang pantayan ang ganda na hatid ng buwan

....

"Hello Ma'am!" Napatingin ako kay Nurse Daisy, andito sya upang bigyan ako ng gamot. Napangiti naman ako sakanya, halos dalawang linggo ko ring hindi nakita si Nurse Daisy dahil ibang Nurse ang nag aasikaso saakin.

"Inumin nyo po muna ito.." Ngumiti saakin si Nurse Daisy at inalalayan akong umupo sa kama.

"Salamat po.." Ngiti ko

"Alam nyo po ba? hindi lang po ako ang nagbabasa ng nobela nyo!" Pagkwekwento nito, pagkatapos kong inumin ang gamot ko ay kinuha nya saakin ang baso para ilagay ito sa mesa na katabi lang naman ng kama ko.

"hm?"

"Yung pasyente po sa kabila..." sabay nguso ng bibig nito kaya natawa ako "Binabasa nya rin po" Masayang saad nito

"Paano po?" Pagtatanong ko dahil hindi ko mapigilan ang magtaka

"E, natapos ko na kase yung nobela nyo nung isang linggo lang..." Napabuntong hininga si Nurse Daisy "Ang sakit naman po ng ending..." Nag pout pa ito na parang bata at tumawa lamang ako ng bahagya "Parang walang closure yung mga characters...Pero alam nyo? yung pasyente kase sa kabila ay mahilig din palang magbasa kaya pinahiram ko muna yung nobela nyo" Natutuwa pa itong nagkwekwento habang inaalala ang tagpo nya sa pasyente nya. Napangiti naman ako, siguro nagustuhan din ng pasyente nya ang nobela ko

"Pakisabi po, kung gusto nya pa po magbasa ng mga gawa ko... Pwede po syang manghiram" Natutuwa rin ako sa sinabi ni Nurse Daisy

"Hala! pwede ako rin? hiram din ako!" Parang bata na saad ni Nurse Daisy, Napatango habang tumatawa ang naging tugon ko. Mabait si Nurse Daisy, parang kaibigan ang turing namin sa isa't isa kaya nakakagaan ang loob na makausap si Nurse Daisy

"Kumuha lang po kayo dyan" Sabay turo sa mesa na katabi lang ng kama ko. Puno iyon ng mga notebook, may mga notebook din na bago na nabili ni mama noong isang buwan pa...

Umalis naman si Nurse Daisy pagkatapos makipag kwentuhan saakin dahil kailangan nya pa raw asikasuhin ang ibang pasyente nito. Pero nangako naman sya na babalik sya para manghiram ng mga notebook ko.

Hapon na at wala parin si mama, alam kong nagtratrabaho sya kaya nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagsusulat. Nakarinig ako ng mga katok sa pintuan kaya naman ay napatingin ako ro'n, hinintay ko pang magbukas ito pero hindi naman, napansin ko nalang na may isang papel na inilagay sa ilalim ng pintuan ko kaya dahan dahan akong lumapit doon

"I'm Sid. Why write something so sad?"

Napakunot ang noo ko sa papel na inilagay sa ilalim ng pintuan ko. Sinong Sid? Binuksan ko ang pinto at wala namang tao kaya isnirado ko nalang ulit, bumalik ako sa kama at hindi pa man ako nagiging komportable sa pag upo ay muli na namang may kumatok, napa buntong hininga ako at dahan dahan na nilapitan ang pinto at binuksan ito.

"So it was you.."

"Huh?" puno ng pagtataka kong sagot, si Mama at mga Nurses minsan ay Doctor lang ang bumibisita saakin. Hindi ko alam pati narin pala pasyente....


******
Hi guys! It's been a while.

The Stolen Love Where stories live. Discover now