5: Why, Sid?

0 1 0
                                    


Agad na sumalubong saamin ang sariwang hangin. Kailan ko ba naranasan ang ganitong pakiramdam? parang matagal tagal na 'rin, sabi nila ay puno ng polusyon ang hangin ng Manila pero hindi ko iyon randam ngayon. Napatingin ako kay Sid na nakapikit na sinasalubong ang hangin, kulay kahel ang langit, napapaligiran kami ng mga berdeng dahon at iba't ibang kulay ng bulaklak. Hindi ko alam na pwede palang humugot ng pag-asa sa kalikasan, ngayon ko lang nalaman ito. Malayo rin saamin sila Mama at Nurse Daisy

"Sana ganito nalang araw araw" mahinang saad ko, nakita kong napatingin saakin si Sid sa peripheral vision ko. "Gusto mo?" narinig kong tanong nito pero hindi ko sya tinignan, nanatili lang ang mga tingin ko sa magandang langit, tumango ako sa tanong nya. "Pwede naman. Dadalhin kita araw araw dito" Napatingin ako sakanya. Gagawin nya 'yon? bumuntong hininga ako, naging awkward kami sandali dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya, saglit kase akong napaisip sa sinabi nya.

"Picturan kita" nakangiti kong kinuha sakanya ang camera, agad naman syang ngumiti sa camera. He's handsome, kahit saang anggulo rin ay maganda parin ang makukuha ng camera. "Ang tagal naman" reklamo nya "Siguro natutulala kana saakin, pogi ba?" tumawa pa ito tsaka ko lang pinindot ang shutter ng camera 

"Ang dami mong sinasabi" pagsusungit ko

"Oo talaga, araw araw kaya ako pogi" agad nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang sabihin nya iyon, magandang lalaki naman talaga sya pero hindi ba sya kinikilabutan sa mga sinasabi nya? Siguro ay napansin nya ang reaksyon ko kaya naman ay nagpakawala sya ng tawa na halata naman ay kanina nya pa pinipigilan

"Nakakakilabot ka"

Kinuha nya saakin ang camera at may pinindot pa doon. Maya maya pa ay parang nag fifilm na sya ngayon, mula sa langit hanggang sa mga malalapit ma bulaklak sakanya ay itiunutok nya doon ang camera, maya maya pa ay itinututok nya saakin ang camera

"Sya si Kiesha" panimula nya, nanatili akong nakatitig sa camera. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nya o ang camera, maya maya pa ay parang binaliktad nya ang camera at itinutok sa sarili nya "Ako si Sid" ngumiti pa sya ng kaunti bago itutok ulit saakin ang camera "Maganda sya diba?" ngumiti ako sakanya, hindi talaga ako sanay na may nag cocompliment saakin ng ganito, madalas ko lang naririnig ang mga ganyang klaseng salita mula kay Mama.

"Mabait, tsaka nagsusulat din yan si Kiesha" pagkwekwento nya, naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya sinubukan kong umiwas sa camera, baka makita nya ang pamumula ko

"Kaso nga lang bitter 'tong taong to" dagdag nya "Malungkot ang sinusulat"

Tumawa naman ako sa huli nyang sinabi "Tigilan mo nga 'yan!" suway ko sakanya, pero sa totoo lang, ayaw kong tumigil sya. Binigay nya saakin ang camera "Nag rerecord pa rin yan. Tutok mo saakin, bilis" saad nito at sinenyasan pa ako na itutok sakanya "Anong iniisip mo saakin?" tanong nito nang matutok ko sakanya ang camera, ngumiti ako at saglit na nag isip

"Sya si Sid" Panimula ko, hindi ko sinagot ang tanong nya "Hindi ba ang gwapong lalaki nya rin?" nakita kong natigilan sya sa sinabi ko, dahilan para ma udyok akong magpatuloy sa sinasabi. "Kinikilig kaba?" tumawa pa ako ng konti, alam kong bosses lang ang maririnig pag napanood ang recording na 'to pero I can say that I'm living the moment. Akmang kukunin nya saakin ang camera pero iniwas ko ito sakanya at itinutok ang camera sa kahel ma langit "Maganda rin ang langit" siguro, sa susunod na buwan o araw, isa na ako sa mga nagtratrabaho para pagandahin ang langit. Bata pa lang ako, maraming tao na ang nagdikta na hindi ako magtatagal

Marami na rin ang nagsasabi na hindi ako aabot ng eighteen, pero napatunayan kong mali sila. Itinutok ko ang camera pabalik kay Sid at napansin kong nakatingin pala ito saakin, hindi ko alam kung gaano sya katagal na nakatingin saakin "Si Sid, sabi nya mahilig sya sa movies, palabiro, pasaway, at sobrang taas ng confident sa sarili" tumawa pa ako ng konti, pero hindi ko nakita na natuwa rin sya, nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nya para matigilan ako. Iniwas nya ang mga tingin sa camera at tumitig sa kahel na kalangitan, maya maya pa ay bumalik na naman ang mga tingin nya saakin.

The Stolen Love Where stories live. Discover now