ToS ౨ৎ Prologue

3 0 0
                                    

"ISABAW MO SA KANIN--" tinakpan ko ang bibig mo kase rinding rindi na ako sa pagsasabaw mo ng ihi ng kambing sa kanin. Pero alam naman natin sa isa't isa na ito ang way ng bonding natin kaya hindi ka nagalit sa'kin at humagalpak ka lang tawa.

Tandang tanda ko pa ang mga tawa mo na hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin, kahit saan, kahit anong platform, tiktok, yt, ig, at fb. Ngayon malaya kang naisigaw ang kantang yan na lagi mong inuulit-ulit nung nililigawan pa lang kita hanggang sa maging tayo.

Ang pinupunto ko lang, sabi mo masisira ka kung mawala ako. Pero wala kang choice para kundi tapusin ang ugnayan sa'ting dalawa, ang pulang tali na nagdudugtong sa'ting dalawa, ngayo'y sumasayaw na lang sa hagod ng hangin. Ngayon ikaw din ay malayang sumasayaw sa harap ng maraming tao.

Pero subalit datapwat, ako lang ang nasira sa ating dalawa, sabi mo 'di mo kaya nang wala ako. Sabi mo suportahan kita sa mga trainings mo para makapasok ka sa grupo. Pero nung malapit na ay nakipag-hiwalay ka. Hindi mo sinabi ang dahilan, tahimik ka lang noong sinabi mo sa harap ko na tapos na tayo.

Ramdam ko naman at kita rin sa mga mata mo na ayaw mong mawalay sa'kin. Lumipas ang buwan, aking natanto, kung ano ang naging dahilan bakit mo tinapos. Dahil sisikat ka pala at hindi magiging maganda sa imahe mo kung may karelasyon ka na tulad ko.

Pinaghiwalay tayo ng management na nagha-handle sa inyo. Ngayon naiintindihan ko na. Oo tanggap ko na, na hindi talaga tayo para sa isa't isa.

Kaya Mary Loi, Maloi. Masayang masaya ako sa'yo sa narating mo ngayon, hindi ko rin hinihiling na babalik pa tayo sa isa't isa. Pero kung ikakaloob ng tadhana ay hinding hindi kita ita-tanggi, ikaw lang ang iibigin at itatangi habang buhay.

Keep on shining Mary Loi Yves Ricalde, Main Vocalist ng BINI, my loml.

౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ౨ৎ

Note ni Kimi:

For those who might get confuse. This is a fanfic story na nagco-contain ng ka-deluluhan ng Author. Any events and names (except on Maloi's family names) in this story are pure fictional.

The story goes with paanong nag-meet ang Male Lead (Nikollo) and Maloi and kung paano rin sila pinaghiwalay ng tadhana.

Now, let the story telling begins. If you're a Bloom, hulaan mo kung anong kanta ng BINI inspired ang story na ito. 🌸

Twist Of StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon