ToS ౨ৎ Chapter 1

5 0 0
                                    

"Hi."

"Uhh-- hi?"

Sagutan namin. Nauna s'ya. Ako yung mukhang loner boy sa pag-sagot.

"What's your name?" she asked.

"Tigilan mo 'ko Maloi, alam kong kilala mo na ako mula elementary." sagot ko na kunwaring nainis.

"Si ante naman 'di na lang sumakay. Ngayon lang kita nakatabi rito-- dali na gawin natin yung thingy ng bagong magkakilala na classmate." sobrang excited n'yang sabi.

Ismuy buslug naman ito, matagal naman na akong kilala. Uhhh---

'Di ko pinansin. Hinayaan ko lang habang ako tulala lang sa sahig nag-aantay dumating yung adviser namin.

Btw, first day of classes namin ngayon. Grade 10 kami currently at sa kasamaang palad s'ya yung napatabi sa'kin. Pauso kasi 'tong school na 'to. Gumawa ng seat plan nung nasa enrollment pa lang, sumakto lang na magkasunod kami nag-enroll.

Hays, sabi ko na dapat hapon na ako nag-enroll noon, sana 'di na lang ako sinipag noon. Anyways.

"Kol namannnn, dali na saglit na acting lang." tuloy pa rin n'yang pangungulit. Anueba nagke-kwento 'yung tawo sa readers oh.

"Oh alam mo naman pala pangalan ko e. Hays ikalma mo nga, first day na first day."

"Luh naman si ante oh. Nasisira mood ko ha ang aga aga!" ramdam kong dahan dahan na s'yang napipikon. Akalain mo 'yon capable pala ako makipag-usap nang ganito sa ibang tao?

"Nikollo James Angeles." sambit ko sabay lahad ng kamay para makipag-shake hands.

Sige sakyan ko na, mukhang kawawa e.

Nag-star 'yung mga mata n'ya.

"Hi! I'm Mary Loi Yves Ricalde. Pleasure to meet you. Hihihi!" pa-cute n'yang pagpapakilala habang nakikipag-kamay sa'kin.

Aaaaaa

Umiwas ako saglit ng tingin, natatawa kasi ako. Okay back to character tayo.

"Bago ka rito? Saan ka galing? Ba't ka lumipat dito? Anong binabalak mo? May masama kang intensyon 'no?" si ate gurl na-shocked na natatawa.

"Oh wait wait kalmaaaa, sige ayoko na nga. Pero 'di ako tampo, 'di ko kinakaya yung pag-sagot mo, 'di ko expected 'yan." huminga pa na parang pagod.

Hindi nga naman talaga ako ganito usually, sinubukan ko lang din kasi pantayan yung level ng energy n'ya. I know I'm capable of that. Babad kaya ako sa socmed, kahit tahi-tahimik lang akong lalaki rito fan din ako ng girl group na mga medyo luka-luka.

"Ay si kuya 'di na umimik ulit."

"Naubos na agad yung energy ko sa pag-pantay ko sa energy mo." plain na sabi ko tsaka ako nag straight body habang nakaupo. Sumasakit likod ko.

"Ay weh? Talagang nag-effort ka pantayan energy ko? Parang nasobrahan ka e. Hahaha!"

Tagal naman ng adviser namin, napapagod na po agad ako ma'am/ser

"Guys take our recess daw muna tomorrow daw tayo mami-meet ng adviser natin.

Yes, finally aalis na rin si Maloi sa tabi ko for a while.

Tutungo ko na sana ang ulo ko sa desk ko nang biglang may humatak sa'kin dahilan para mapatayo ako sa arm chair.

"Oh nugagawen mo riyan? Recess daw hindi nap time. Kakaen tayo, kakaen." sabi ni Maloi. Si ante naman medyo OA na pagiging FC ha. Pero sigi continue mo lang. Choz.

"Wala akong peraaa, bitawan mo 'kooo." sagot ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak n'ya.

"Hende, sasama ka sa ayaw at gusto mo 'ko noooo?"

Ay si OA???

Napatigil ako nang saglit, pero dahil marunong ako pumantay ng level, sige pantayan natin.

"Yes of course gusto kita, kaya let go na please want ko ng nap time. Sama ka muna sa friends mo." lah si kuya akala mo boyfriend kung sumagot.

"Shuta ka sige, d'yan ka na nga anlala mo. Masyado kita na-underestemate." sagot tsaka bumitaw sa'kin, ayun sumunod din naman sa mga friends n'ya.

Makaka-islip na ako ng konti hehe.

*Amirmir amirmir* after 15 minutes.

May naramdaman ako na may nagpatong ng something sa desk ko tsaka sa ulo ko. Hinawakan ko muna 'yung nasa ulo ko para 'di mahulog 'pag tinaas ko na ulo ko.

Wala pa rin mga classmates ko, 15 minutes pa lang nakakalipas nung may nag-sabi na mag-recess daw muna kami.

Hmmm... Lumingon ako sa likod ko, ayun si Maloi kumaway pa.

"Hindi ako mapalagay sa'yo, lagi kang ganyan mula elementary tayo, laging naiiwan kapag recess." sabi n'ya habang inaayos paharap sa'kin yung arm chair n'ya tsaka nilapag yung foods na binili n'ya for herself.

Burger nga pala 'yung nilagay n'ya sa ulo ko, baka mag-overthink kayo e. Tapos bottled juice yung nilapag sa desk ko.

"Lagi naman talaga ako ganito a, 'di ka na nasanay?"

"Ayun nga e, ngayon lang kasi ako nagka-chance na makausap ka ang unapproachable mo kasi lagi. Kung hindi nanaman kita seatmate, hindi kita magaganito." Sabi n'ya may halong duda sa mukha ko para pang-asar.

"Sus, anyway thanks. Appreciated ko naman." syempre mabait pa naman ako kahit mukha RAW akong unapproachable.

De, unapproachable talaga ako, aminado ako ron. Mabilis kasi maubos social battery ko kung makikipag-usap ako kung kani-kanino. Recitations at reportings nga tinatamad pa ako e.

"Imik imik ka naman pipi ka ba???" sabi ni Maloi.

"Aa ay kumakain 'yung tao, pagsasalitain mo? Binigyan mo pa ako ng burger." may katarayang sagot ko pero medyo playful.

"Eheh sorry sorry na sige kain ka muna d'yan." sabi n'ya tsaka lumingon pagilid kunwari nag-kamot ng likod ng ulo, "Sungit..." dinig kong bulong n'ya.

"Talaga, masungit ako." sabi ko sabay kagat sa burger.

"Shuteeeccc 'di kita kinakaya Kol!!!!" nafru-frustrate n'yang sabi.

"Okay, calm calm" dugtong n'ya.

"Tell me about your self kung bakit ka ganyan, mahaba pa timw natin for next period e." sabi n'ya.

"Aaaa ayoko. Dun ka sa baba makipag-bardagulan ka sa kanila kung nabo-bored ka." sagot ko na nagmukhang mataray kahit 'di ko intended. Na-guilty ako kasi tinitigan n'ya lang ako hahaha.

"Okay okay chill. Hindi naman sa ayaw ko makipag-close sa classmates natin, pero mabilis lang kasi ako mapagod or maubusan ng energy like kanina."

"Owww so lumobo na 'yung social battery mo kaya mabilis ka malowbatt?" nagets ko agad 'yung joke n'ya na seryoso n'yang sinabi.

"Korek, kaya ang galing mo natya-tyaga mo pa ako. Kahit pinu-push na kita." sabi ko, "May ka-close din naman ako sa class natin. 'Di ko alam kung nano-notice mo."

"Oo noticed ko naman close kayo nila Justin at Leo." dugtong n'ya sa sinabi ko, "Okayy nage-gets ko na. Mag thank you ka kay Lord kasi seatmate kita for the whole year kaya isang taon ka rin laging malo-lowbatt."

"Nah I don't think madalas na ako malo-lowbatt." Pa-mysterious kong sagot.

"Ha? Bakit naman?" taka n'yang tanong.

"Hmmm... you have your answer na earlier eheh."

"Haaa??? Saan 'di kita gets. Sabihin mo na kas---"

"Maloiiii!!! Tara sa baba tiktok tayooo!" Biglang sumingit yung isa n'yang friend sa circle nila.

Nilingon n'ya sila, "Sige wait hintayin n'yo ako." sagot n'ya sa kanila sabay lingon sa'kin, "Mamaya ka sa'kin." may paturo turo pa ng mata n'ya at mata ko.

Haha 'di n'ya alam uuwi na ako. Wala na kasi magpapakitang teacher n'yan kapag 'di nagpakita yung adviser. Alam ko na yan! First day of classes e.

See you next time na lang guys, uwi na ako, annyeong!

Twist Of StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon