ToS ౨ৎ Chapter 3

2 0 0
                                    

Panibagong araw, panibagong pagtitiis nanaman sa mundong ibabaw.

Wednesday ngayon at gusto ko na agad mag-friday, pagod na agad ako.

Anyways, mas marami pa akong titiisin kumpara sa kung nasaan ako ngayon kaya sino ako para magreklamo? Wala, walang rekla-reklamo kikilos at kikilos tayp ayon sa'ting estado sa buhay.

Mabigat man pero kailangan ilaban.

Pero ayon nga, kakagising ko lang at---

Huh? Lah 7:30??!!!

Pagkabukas ko ng phone ko ay lagapas 7:30 na, agad akong napabalikwas sa aking higaan.

Wala na akong sinayangnna oras at kumilos na agad agad. Kumain lang ng isang maliit na tinapay at dumeretso agad sa banyo para maligo.

Wala pang limang minuto ay tapos na ako makaligo, talagang nagmamadali na. Pero hindi ako ligong uwak, baka isipin n'yo nagwisik-wisik lang ako ng tubig sa ulo e, sumama pa kayo sa'kin maligo.

7:50am

Abot pa para sa next trip ng jeep, saktong 8:00am aalis na. Kaya naglakad-takbo na ako papunta sa sakayan ng jeep para makaabot ako.

Makalipas ang kalahating oras ay nasa Lucban na ako sa harap ng school namin.

"Wow aga mo utuy a?" sarcastic na sabi sa'kin ng guard.

"'Di po ako makasakay ng jeep kanina e, punong puno kada isang alis." sabi ko na habang tatawa-tawang kinakabahan, baka hindi ako papasukin.

"Weh? Talaga?" sabi n'ya, sumilip s'ya sa labas,"Motor mo?"

"Wala po, nag-byahe lang po talaga ako. Sayang gas e." sabi ko na lang, 'di ata ako pinapaniwalaan ni manong.

"Sows, sige pasok. Dahan-dahan ka na lang na 'wag maka-agaw ng atensyon sa mga classroom na madadaanan mo." nakahinga ako ng maluwag dahil good mood si manong ngayon.

"Sige ser, salamat." sabi ko at may pag-saludo pang nalalaman.

"Boo!" marahang panggugulat sa'kin ng kilala n'yo na kung sino 'to.

"Ahhh... Nagulat ako shet shet... Aatakihin ako... Aaahhh..." pagkukunwari kong nagulat ako sa panggugulat ni Maloi, "Ano nanaman trip mo???"

"Heh wala naman, nakita kita naglalakad e. Galing ako sa CR." sabi n'ya tsaka naglakad, sumunod na rin ako, "And why are you late today???"

"Past 7:30 na ako nagising."

"Pfftt--- puyat so much 'yan? Ano ba pinaggagawa mo kagabi?" natatawa n'yang tanong.

"Wala, nagi-scroll lang sa FB magdamag, dalian mo na d'yan bagal maglakad late na nga 'yung tao oh." sabi ko at nauna na maglakad sa kanya.

"Ay si atih, ang buhay ay 'di karera uy! Wait lang."

Pagbukas ko ng pintuan ng classroom, kalat kalat ang mga kaklase ko. I mean, kung saan saan sila nakapwesto. Wala pa pala si Ma'am.

T^T Tenkyu Lord! Nakahinga ako nang maluwag luwag.

Umupo na lang ako sa upuan ko at itinungo ang ulo sa desk ko, napagod ako humabol para sa klase gusto ko muna umidlip.

"Tulog ka agad kakarating lang e, si atih." sabi ni Maloi na kakaupo lang sa katabing upuan ko.

"Puyat nga ako, aaaaa." maktol ko, "Pahinga muna tayo sa chismisan, pikit muna ako"

"Sows mamaya nakikisabay ka na rin sa'kin, tigilan mo nga ako Kol hahaha!" sabi n'ya pero 'di na ako sumagot at natulog na talaga, "Ay talagang tutulog nga, gusto mo dito ka sa balikat ko matulog?"

Twist Of StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon