VI

0 0 0
                                    

SYA NA KAYA?

puro positibo
punong puno ng motibo
nilagyan ng kulay aking mundo
sana wag na huminto
ang nararamdaman kong ito

nakangiting nakatitig
mula sa'king inuupuan
hanggang sa dulo
ng ating silid aralan
hindi malaman
  kung ako ba ang tinitignan
  o ang kaibigan kong
  lahat sila'y nagagandahan 

hindi maisantabi ang saya
kapag ikaw ay nakakatabi ko na
bawat salita mo'y aking pinapakinggan
na tila ba'y isang musika
na nanghaharana sa'king kalooban

kuhang kuha mo ang pintig at kilig ng aking puso
grabeng pakiramdam ito
gusto kong ipagsigawan sa mundo,
na ako ang gusto mo

ngunit,
ikaw na kaya?
ikaw na ba yung taong
papahalagahan ang aking halaga?
ikaw na ba yung taong
mangangako at tutuparin na?

—ms.caim

requested/titled by rp'iers.

Spoken PoetriesWhere stories live. Discover now