Prologue

106 5 0
                                    

PROLOGUE

Malalim na ang gabi nang bumaba si Natalie mula sa sinakyang bus pauwi sa bayan ng San Alfonso, ang dulong bayan sa probinsya ng Agura. It was her hometown. Madalas siyang umuwi roon tuwing weekends mula ea Maynila, ngunit nitong nakalipas na isang buwan lang siya hindi umuwi ng weekends nang magkakasunod. May iniiwasan siyang tao na ayaw niyang makita.

Hanggang sa main highway lang ang ruta ng mga bus kaya naman pagkababa niya sa bus stop ay napalinga-linga siya para hanapin ang sasakyang susundo sa kaniya patungo sa mismong bahay ng pamilya niya.

Medyo marami pang mga taong dumadaan sa bus stop at bukas pa ang bilihan ng mga pasalubong sa tapat. May terminal din ng tricycle sa hindi kalayuan. Buhay na buhay pa ang lugar sa kalaliman ng gabi.

"Nasaan na ba?" naiinip na tanong ni Natalie sa sarili nang makitang alas onse y media na mula sa pambisig niyang relo.

She fished for her phone from her sling bag. Alisto siyang tumingin sa paligid bago binuksan ang lockscreen niyon. She called her cousin, Alejandro. Ito ang dapat susundo sa kaniya ngunit lampas sampung minuto na siyang nakatayo sa waiting shed ngunit wala pa rin ito.

Alejandro answered the call on the fifth ring.

"Al, saan ka na? Kanina pa ako rito."

Gusto nang magpahinga ni Natalie dahil napakalayo ng ibiniyahe niya. Galing pa siya sa opisinang pinagta-trabahuan niya sa Maynila. Limang oras ang inabot niya sa daan. Hindi na siya nag-abalang magdala ng sasakyan dahil saktong coding ng plate number niya ngayong araw.

"Ate, sorry. Hindi na pala kita masusundo. Hindi mo nabasa yung chat ko? Dumating yung mga tropa ni Alice. Napatagay ako. Walang mada-drive. Nasa basketball court pa si Kuya Gelo. Pagod naman si Ate Cielo, kararating lang din."

Magkapatid sina Alice at Alejandro. Mas matanda ang huli ng tatlong taon sa kapatid nito, habang si Gelo ay isa pa nilang pinsan na kasing edad ni Natalie. Ganiyon din si Cielo na mas matanda sa kanilang lahat.

Kahit hindi nakikita ni Natalie ang kausap ay alam niyang napakamot ng batok si Alejandro.

Marahas na napabuga ng hangin ang dalaga. Ano pa bang magagawa niya? Inayos niya ang pagkakasukbit ng kaniyang backpack.

"Sige, mag-tricycle na lang ako," aniya.

"Ayan ang hindi papayagan ni Lola. Magagalit 'yon. Alam mo namang delikado na rito pag gabi. Ipinasundo ka na ni Lola kay Kuya Marco. Hintayin mo lang. Medyo kanina pa siya umalis dito. Baka malapit na siya diyan. Wala namang traffic."

The bus stop was a fifteen-minute drive from Sarreal's residences.

Napairap si Natalie sa narinig na pangalan ng pinakahuling taong gusto niyang makita sa pag-uwi niya ngayon sa San Alfonso. Kung noon ay kinikilig pa siya sa pangalang iyon, ngayon ay kabaliktaran na.

"Ikaw na ang tatagay, Al! 'Wag kang tumakas. Madaya ka!" boses iyon ng isang lalaki, sa hinuha ni Natalie ay isa iyon sa mga kaibigan ni Alice.

"Sandali lang. Kausap ko pa pinsan ko. Tabi n'yo muna shot ko," sagot ni Alejandro.

Nagkaroon ng kaunting buhol sa linya bago iyon naging tahimik. Napailing si Natalie.

"Puro ka inom. Kala ko ba hindi ka na iinom?" hindi niya napigilang panenermon.

"Ngayon na lang ulit. He-he."

"Tapos bukas ulit kasi may party? Ang galing," pangunguna niya dahil alam na niya ag kahihinatnan.

Natawa naman si Alejandro mula sa kabilang linya dahil nahulaan niya ang posibleng mangyari. Birthday ng bunsong pinsan nilang si Sienna kaya magkakaroon ng party bukas. Siyempre, hindi mawawala ang alak dahil karamihan sa mga pinsan at mga tito nila ay mga umiinom.

"Al, tara na rito! Tagay na! Dinadaya mo na kami niyan, e."

Narinig muli ni Natalie ang pagtawag kay Alejandro ng mga kaibigan kaya naman nagpaalam na siya.

"Puntahan mo na sila. Magkikita naman tayo riyan mamaya. Sige, na. Bye."

Saktong pagkapaalam ng pinsan niya ay huminto sa tapat niya ang kulay abo na latest model ng Mitsubishi Pajero Sport. Kahit hindi pa magbaba ng bintana ang driver ay alam na niya kung sino ang nagmamaneho dahil pamilyar sa kaniya ang sasakyan. Ilang beses na siyang nakasakay roon ngayong taon.

Bumaba ang isang matangkad, matipuno, moreno, at guwapong lalaki mula sa driver's seat. Nakasuot ito ng simpleng kulay gray na shirt ito at itim na dry fit shorts. Medyo basa pa ang buhok nito—mukhang bagong ligo. Marahil matutulog na nang pakisuyan ng lola niya. Laging naliligo ang lalaki bago matulog. Natalie knew, of course. Boyfriend niya ito, e.

"Hi, babe. Kumusta ang biyahe?" Marco said in a sweet tone.

Akmang yayakapin at hahalikan siya nito sa pisngi nang umiwas siya. She instead handed him her bag.

"It's tiring," she replied coldly. "Gusto ko nang magpahinga. Tara na," aniya pa bago nanguna sa pagbukas sa pinto ng backseat at doon naupo.

Nuncang uupo siya sa shotgun seat, katabi nito.

Marco sighed in defeat. Wala itong nagawa kundi ang buksan na lang ang pinto ng shotgun seat at doon inilagay ang backpack niya. Hindi kalaunan ay umikot at bumalik na ito sa driver's seat.

Natalie rested her head on the seat's headrest and closed her eyes—pretending to be asleep. Tanging ang tunog lang ng makina ng Pajero ang naririnig habang nasa daan sila pauwi. Nang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay naramdaman ni Natalie na bumagal ang pagtakbo ng sasakyan.

"Hindi ba natin pag-uusapan ang nangyari, Nat? Ano'ng kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Gagawin ko lahat para lang mapatawad mo," malumanay at nanunuyong ani Marco.

Alam nitong nagpapanggap lang siyang tulog. Of course, they knew each other so well. They have been together for four years now—but it was about to end.

Dumilat si Natalie, ngunit nanatiling nakasandal ang ulo niya sa headrest.

"Give me more time to process. What you did was very painful."

"I'm sorry, babe. I'm really sorry. Nagsisisi ako." His voice was full of sincerity and so his eyes when Natalie met Marco's gaze through the rear mirror.

She knew that he was really sincere in asking her forgiveness, but she couldn't. She loved him too much—that it broke her. Hindi niya makalimutan ang sakit mula sa mga nasaksihan at nalaman niya, isang buwan na ang nararaan.

"I know . . . But I can't forgive you now," diretsahang saad niya habang nakatingin sa mga mata ni Marco sa rear mirror.

Napaiwas ng tingin ang binata. Tumingin na lang ito sa unahan. Kung hindi lang ito nagmamaneho, paniguradong mapapayuko ito.

"S-sige. Take your time. Kung handa ka na, nandito lang ako. Hihintayin kong mapatawad mo ako," sumusukong anito. "Hihintayin kong bumalik tayo sa dati. I love you."

Kung noon ay kinikilig si Natalie kapag naririnig ang tatlong salitang nagpapahayag ng pagmamahal sa kaniya ni Marco, ngayon ay tila sabay-sabay siyang tinusok ng milyong-milyong punyal sa puso nang marinig iyon.

Pinigilan niyang maiyak kaya napaiwas din siya ng tingin. Itinuon niya ang pansin sa mga bahay na kanilang nadaraanan.

Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan. If you really love me, you won't lie to me, Natalie said at the back of her mind.

Pagkatapos niyang matuklasan ang lihim ni Marco ay hindi na siya sigurado kung mamahalin niya pa ulit ito tulad ng dati. She wanted out, but she couldn't. She still wanted to protect him and his secret, but the truth was slowly killing her. She loved him, but staying would mean dying at the same time. She needed to choose one, but time wasn't on her side.

***To be continued***

Make Me or Break MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon