Chapter 1

34 3 0
                                    

CHAPTER 1

Kinabukasan ay napairap na lang si Natalie nang makita si Marco na nasa salas ng kanilang tahanan.

"Good morning, babe," he greeted with a charming smile.

Lumapit ang binata saka siya niyakap. Napataas ang kilay ni Natalie sa pagbati at pagyakap nito ngunit hindi siya makapalag dahil naroon ang lola niya. Abala ang kaniyang abuela sa pagbibilang ng mga native na rattan plate para sa handaan mamaya.

"Morning. Ang aga mo. Ano'ng mayr'on?" aniya saka mabilis na lumayo rito.

"May lakad daw kayo, sabi ni Marco, apo. Aba'y bakit hindi ka pa nakagayak?" singit na tanong ng Lola Lucia niya.

Napakunot ang noo ni Natalie.

"Lakad?" nagtatakang tanong niya at pilit inalala kung may lakad nga sila ng nobyo ngunit wala siyang matandaan.

"Maybe she forgot, 'La. It's okay po. Mahaba pa naman ang oras. Makakagayak pa po si Nat."

Natatawang napatango naman si Lola Lucia.

"Ay, naku! Ewan ko ba naman sa batang 'yan. Mas ulyanin pa sa akin. Minsan nalilito na rin ako kung sino ang senior citizen sa aming dalawa. Mabuti na lang at matandain ka, hijo. Ikaw na lang palagi ang magpaalala sa kaniya ng mga bagay na lagi niyang nalilimutan."

Magiliw na tumango si Marco sa matanda saka inakbayan si Natalie.

"Kumain na muna tayo saka ka gumayak."

"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya saka pasimpleng iniwas ang balikat niya sa kamay ni Marco ngunit hindi ito bumitaw sa pagkakaakbay sa kaniya.

"Kukunin natin iyong in-order na kutsinilyo at ipinagawang cake sa bayan."

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Natalie. Bago pa man siya makapagsalitang muli ay tinangay na siya ni Marco patungo sa dining area.

Hindi gaanong kalakihan ang bahay nina Natalie ngunit mababatid ng sino mang pumasok roon na may kaya sa buhay ang nagmamay-ari niyon.

May tatlong kuwarto sa bahay nila—lahat ay may sari-sariling banyo, isang malawak na salas, silid kainan na kakasya ang sampung tao na kakain nang sabay-sabay, kusina na may ilang cabinet na naglalalaman ng mga mamahaling muwebles na sadyang ginawang koleksyon, at isang common bathroom malapit sa kusina.

Nasa iisang malaking lote nakatayo ang bungalow nila. Iyon ang nasa pinakaharap na malapit sa gate, kaya nasa kanila ang view ng magandang landscape garden. May tatlong bungalow pa ang sumunod sa bahay nila na nakatayo sa malawak na lote, lahat ay may sari-sariling parking space. Nasa iisang compound lang nakatira ang mga anak ni Lola Lucia kaya lumaki si Natalie na sobrang malapit sa mga pinsan at kamag-anak.

Ang pamilya ng mga Sarreal ang isa sa mga unang pamilyang tumira sa bayan ng San Alfonso. Sila noon ang pinakamayaman sa bayan dahil sa ekta-ektaryang sakahang pagmamay-ari ng angkan ni Lola Lucia, hanggang sa dumating ang mga Funtaneriez. Binili ng mga ito ang iba pang bakanteng lupain at ginawa ring bukid at rancho—kinalaban ang pamilya nila sa negosyo.

"Bakit mo alam 'yan? Si Alejandro ang kasama kong pupunta sa bayan mamaya, hindi ikaw."

"Pinakiusapan ko si Al na ako na lang ang sasama sa 'yo."

Nang makarating sila sa kusina ay napahinto si Natalie sa paglalakad at nakataas ang kilay na nilingon si Marco.

"At bakit?" Nakapamaywang na tanong niya.

"I just want to be with you. Ang tagal nating hindi nagkita, Nat. Isang buwan. Masama ba kung gusto kong makasama ang girlfriend ko?"

Natalie scoffed. "Girlfriend? Wow!" she said sarcastically. "If you said that a month ago, baka kinilig pa ako. Ngayon? Oh, please," naiiling na aniya pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make Me or Break MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon