Trending rin ang proposal niya sa akin noong nag-upload ako ng mga pictures namin. Kaya pati kasamahan namin sa trabaho nakikita ang saya sa mukha ag binati kami pagbalik. Nagchange status na rin kami pareho sa social media at pati profile, cover photo sa peysbok. Inayos na namin at pinagplanohan ang kasal namin ni Mike kahit busy kami pareho sa hospital pero na bibigyan parin namin ng oras ang isa't-isa. Katulad ngayon day off namin at magkasama kaming pumunta sa designer ng gown ko upang magpili kung ano ang maganda para sa akin.
"Good morning couple, " ngiting bungad sa amin kaya tumango kaming dalawa at umupo sa sofa nila. Nag-abot sila ng catalog para sa mga design nila para makapili raw ako ng magugustohan ko.
Gusto ko ng simple lang 'yung hapit sa katawan ko at iyong parang modern design dahil yon ang mga uso na ngayon at nakakalungkot dahil wala sa catalog nila iyon.
"Babe, may nagustohan ka ba?" tanong ni Mike sa akin dahil alam niya rin kung anong gusto ko. Sinasabi ko na kasi sa kanya dahil nangako kami na walang lihiman da isa't-isa.
"Wala 'yon gusto ko rito sa catalog babe, " Malungkot na sagot ko.
"Kausapin ko lang, " sagot niya rin at tumayo. Tumango na rin ako at binaba na ang catalog habang nakatingin kay Mike na kinakausap at pinapaliwanag kung anong gown ang gusto ko.
Siya rin kasi ang nagsabing ako raw ang bahala sa gown ko kung ano raw ang gusto ko ay dapat 'yon ang masunod dahil minsan lang raw kami ikasal kaya lubos-lubosin ko na raw. Gusto niya' yung comfortable rin raw ako para sa akin naman raw ito basta ang important lang sa kanya ay ang makasal kami.
Ang ganda ng mindset niya dahil he let me kung anong gusto ko at kung anong ikakaganda ng kasal samin at pagkatapos pinag-uusapan namin ng maayos para makasundo kami.
We decided na beach wedding ang kasal namin dahil dream niya daw iyon at ang honeymoon naman na pinakahinihintay namin ay sa Holy land na pinag-ipunan na namin dahil malapit na, isa't kalahating buwan na lang. Wedding day na!
Tumayo ako nong lumapit na si Mike sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Marami pong salamat," sabi ko at yumuko pa.
"Thank you rin po, " sagot rin nila sa akin at yumuko rin.
"Tatawag na lang po kami kung okay na po ang gusto ng magiging misis niyo na design sa gown niya po sir, " ngiting sabi ng ka usap niya kanina kaya ngumiti ako at tumango.
"Thank you so much babe, " sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"Your always welcome my soon to be wife, " Sagot niya kaya kinilig ako dahil malambing kasi siya ng subra sa akin. Hawak kamay namin tinungo ang sasakyan niya dahil may huling pupuntahan pa kami.
Ang sarap umibig kung alam mong iniibig ka rin ng taong mahal na mahal mo. Kaya kunting araw na lang maglalakad na ako kung saan sa pangarap niyang makita ako at kung saan saksi ang musika ng dagat, ang simo'y ng hangin at ang mga kaanak, kaibigan, ninong at ninang at ang alagad ng Dios.
PAGKAGISING ko ng umaga parehas ulit kami ng day off ni Mike. Nagmadali akong bumangon at inayos ang sarili ko dahil ngayon araw ang araw na pwede ko ng e-fitting ang gown ko sa kasal na gusto ko. Kinuha ko ang cell phone ko at tinawagan si Mike upang magpasama sana sa kanya kaso hindi naman niya ako sinasagot kaya dadaanan ko na lang siya sa condo niya.Dalawang linggo na rin kasi ang nakalipas simula noong pumunta kami sa designer ng gown ko upang pumili sana kaso wala akong na pupusohan kaya nag pagawa si Mike ng gusto ko talaga.
Everything was planned and prepared ang araw na lang ng kasal ang hinihintay namin ni Mike upang ganap na niya akong maging misis. Nagmadali akong sumakay ng taxi papuntang condo niya dahil excited na talaga ako sa lahat kaya maaliwalas ang mukha ko at naka ngiti pa ako na parang nasa alapaap.
BINABASA MO ANG
Caregiver Love (COMPLETED)
RomanceMasakit ang karanasan ni Elisha Marieh sa buhay pag-ibig na pinangarap niya. Kaya't tinanggap niya ang alok para makipagsapalaran sa ibang bansa upang makalimot. Attorney Lorence Lev Sebastian, ang amo ni Elisha Marieh na isa ng lumpo ngayon. Wala n...