CHAPTER 1: PUNISHMENT

5 1 0
                                    

"Par, saan pala sina fay at lucas? Kanina ko pa di nakikita yung mga yun ah" tanong ko ky justin habang umiinom ng juice. Kakatapos lang kasing mananghalian at my natitira pa kaming oras para gumala gala.

"Ewan ko din sa mga y-" hindi paman natatapos si justin narinig namin ang boses ni fay. Sa lakas eh abot hanggang 4th floor ng building "oh diba ayaw magpa backstab" pabirong saad naman nito na siyang tinawanan ko

"Rhea!! Justin!! Andiyan lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap" -lucas

"Bakit mo ba kasi kami hinahanap?" Pabalang kong sagot habang sinisipsip ang straw ng juice. Dumi ng utak neto oh, sipsipin ko ilong mo eh yak!

"Ikaw di kaparin nagbabago, pilosopo kapa rin!" Saad ni fay na siyang kinatawa ng dalawa habang ako patuloy parin sa pagsipsip ng juice

"Ikaw wala karing pinagbago, pandak kapa rin" sabay tingin ko rito at tsaka ngumiti ng nakakaasar. Kala mo ah

"Ah ganun ah" sabay akmang sasabunutan ako neto kaya nauna na akong tumakbo

"Beh wag monang subukang habulin ako, dimo kaya tamo" patawa tawa ko pang sabi habang tumatakbo. Gehh habol pa HAHAHAHA

"Namoka talaga!" Tumigil ito at hingal na hingal na bumalik at nagsumbong na parang bata sa boyfriend niyang bano. "Sugarpie oh! Inaaway ako!" Sabay turo sakin nito. Ay yuck! Jjmon amp!

"Ano yun fay ano yun?? HAHAHA sugarlie? Potek ang jeje HAHAAHA" tawang tawa namang asar ni justin na siyang kinatawa ko rin "hayup na call sign yan!"

Bigla nalang tumunog yung bell na agad naman naming kinaangal. "Oumm epal!"

"Ayan na babalik na tayo sa classroom ng impyerno!" _justin

"Ano ba yan kainis!" _fay

"Shocks ayan na!" _lucas

SKIP TIME.

Naglalakad kaming tatlo ngayon papuntang classroom namin. Actually, magkaklase kasi kaming tatlo sa first period sa hapon eh, history subject. Habang naglalakad kami sa feild ay may nakita akong bolang pang soccer kaya nakaisip naman ako ng kalokohan.

"Oh mga dre paunahan oh! Sino makaunang sipain yang bola lilibre ko, game?" Nagtinginan pa silang dalawa bago sumang ayon. Asa kayo, football player kaya to nung grade 7 HAHAHA

"Game!" Sabay nilang sambit kaya pumwesto na kami. "In 1...2...3...go!" Sabay takbo patungo sa kinaroroonan ng bola. Agad ko naman itong sinipa at di sinasadyang napalakas ko ang pagsipa kaya malayo ang talsik ng bola at umabot ito ng gym, bigla namang my isang studyanteng dumaan sa derekyong patutunguan ng bola kaya ayon "sapol!"

"Ay gago!" Sabay sambit ng dalawa nang makitang natumba ang babae. Ay yawa nahimatay ata! Lagot ako neto!

"Gago ka rhea napatay mo ata!" Si justin kaya napalingon ako sakanya sabay kunot ng noo.

"Ang OA mo jasten hinimatay lang yan!" Pagsagot ko.

"Huy rhea nakita yata ni pres! Lagot ka rhea!" Hala lagot nga ako. Si felip ay nasa babaeng sumalampak abg mukha sa sahig, chinicheck ang pulso. Ano kala niyo mapapatay ko yan dahil lang sa bola?! Ulol!

Dahan dahan akong naglakad at dumaan sa likod nila justin at fay nang tawagin niya ako. Shocksss!!

"Ms. Valles, where do you think your going huh?" Rinig kong papalapit ang boses niya sa kinaroroonan namin. "I saw you" luh lalagariin daw ako, kawawa naman ako nyan

"A-ahh po? Yung alin po?" Hindi ako lumingon sakanya. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. Futek mama! Mama tulong huhuhu!

"Andito ako sa likod mo Ms. Valles, harapin moko dahil kinakausap kita" my diin nitong saad. Shocks papatayin na ako neto mamiiiii!!! Come and help mehhh!! "Ms. Valles, im talking to you gusto  mo principal's office agad bagsak mo huh?" Nang marinig ay agad akong lumingon sakanya ngunit nang magtagpo ang mga mata namin ay agad din naman akong yumuko. Mami help mehh!! The demon is in front of me mami!! "H-hindi ko naman po sinasadya pres, p-pasensya na" asan naba yung mga yun! Inang yan iniwan ba naman ako!

Bumuntong hininga ito tsaka tumalikod at nagsimula nang maglakad. Ay weh? Yes— "follow me Ms. Valles" sabi ko nga.

SKIP TIME

"This is your very first  punishment Ms. Valles, so i won't make it hard to you." Saad nito at umupo sa upuan nitong de gulong, alangan namang umupo siya sa lamesa diba?

"Anong punishment po ba pres?" Umupo din ako sa upuang nasa harap ng mesa niya. Nasa office kami ngayon ng mga officers, infairness! Bongga tong office nila ah! Nilibot ko ang paningin sa buong paligid habang pinagmamasdan ang mga paintings na nakasabit sa dingding

"Wawalisin mo ang buong field" halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi nito

"Ano po!?" Gulat kong tanong. Baliw ba to? Ang laki laki ng field tas wawalisin ko mag isa??? Naboboang na siya

"Are you deaf?" Agad akong umiling na parang bata.

"P-pres naman maawa ka naman po sakin ang laki laki po ng field tas lilinisin ko po ng mag is—"

"My angal ka? Gusto mo buong school?" Deretsang saad nito.

"Sabi ko nga po." Agad akong tumayo at pumunta ng field, kinuha ko narin ang walis tingting at daspan na sing laki ng stage at nagsimula nang magwalis.

SKIP TIME.

thank God natapos din sa wakas! Nag unat unat ako ng katawan dahil napakasakit na ng balakang ko kakayuko. Grabe, ang bata bata kopa pero makapag unat at makapag daing daig pa 70+ eh

"You did well Ms. Valles" biglang sabi ni Sir Mark sa gilid kaya naman napaiktad talaga ako. "Oh, gulat na gulat ka naman diyan. Btw, nabalitaan ko ang nangyari, don't worry excuse ka sa lahat ng subject this afternoon. Nagpalada ng excuse letter si Mr. Suson samin" nakahawak parin ako sa dibdib ko, naknang pusa naman pagod na pagod na nga yung tao gugulatin pa eh. Kung hindi ka lang teacher kanina pa kita nabigwasan eh

"Si Sir makapanggulat!" My tubig kba diyan sir? Sige na sir libre mokong tubig wag kang madamot! Bait bait ng sir na yan manglilibre ng tubig yan!

"Hahaha  im so sorry Ms. Valles" tumawa siya ng mahina. Waw kahit sa pagtawa gentle man sir? "Come with me, mukhang uhaw na uhaw ka, bibili kitang juice nang tumigil kana kakahingal" ayan! Ganyan dapat sir!

"Kaya paborito ko kayo sir eh!" Tumawa naman kami pareho.

"By the way Ms. Valles, isuot mona yang uniform mo. Tandaan mo Valles babae ka hindi ka lalaki, wag kang gumagala ng nakasando dito" tumawa naman ito. Doon ko lang narealize na 'Oo nga pala, hindi nga pala tayo~' joke! Narealize kong nakasando lang pala ako. Luminga linga ako para tingnan kung saan ko nilagay yung uniform ko at nakita ko naman itong nakasabit sa bench. Oh diba astig

"Okay let's go, anong soda flavor gusto mo?"

GAR OR PAR?Where stories live. Discover now