CHAPTER 2: At 7 ELEVEN

4 1 0
                                    

"Tss gabi na!" Reklamo ko. Kasama ko mga tropa ko at naghihintay kami ngayon sa gilid ng school "anong oras na wala pang dumadaan na jeepney or taxi, kainis!"

Habang naghihintay ay biglang may pumarang kote sa harap namin. "Oh si kuya!" Biglang saad ni lucas na siyang kinalingon namin "sabay na tayo fay, hahatid ka namin" sunod nitong saad

"Sama ako! Parehang building lng naman ang condo namin ni fay" pag protesta ko. Bumukas ang bintana ng kotse at my magandang babaeng dumungaw rito

"Sorry Rhea, mukhang kasama ni kuya ang asawa't anak niya, dalawang tao nalang ang kakasya" malumanay nitong sambit.

"Hayss ano ba yan!" Ngumuso ako at pumadyak ng bahagya na siyang kinatawa nila "anong nakakatawa ha?"

"Cute mo talaga magtampo Rhea! Hahaha" saad ni lucas na siyang kinalingon ko sakanya. Ano dw sabi?

"Huy! Fay oh! Ano papayagan mong kino compliment niya yung iba? Diba dapat ikaw lang dapat niyang sabihan nun! Kapal neto ah!" Parang bata kong saad na lalo nilang kinatawa. Masaya na kayo niyan?

"Hindi ka naman ibang tao rhea, best friend ka namin kaya okay lang sakin yun. Besides, mas unang best friend ka kaya sanay akong tinatawag ka niyang ganun kasi parang kapatid narin ang turing namin sayo" mahabang banggit ni fay. Aww ka touch naman

"Waw na touch ako dun ah" panggagaya ko ky babalu "geh na, umalis na kayo tingnan mo uulan na" tumango naman silang dalawa at nagpaalam na 

"Uulan na— UULAN!? putek wala akong payong!" Sambit ko nang marealize ang sinabi ko "ikaw par my payong kaba?"

"Wala din eh" nakatuon lng ito sa phone niya "par, susunduin daw ako ni daddy..." nagliwanag ang mga mata ko sa narinig ko "Kasama niya mga kapatid ko" ay shocks ano ba yan kala ko makakauwi na ako

"Sige ingat." Tanging nasabi ko. Nakakapanglumo, maiiwan ako dito mag isa habang nakabantay ng masasakyan

"Okay ka lang?" Tumango nalang ako. "Kaya mo ba?" Tumango ulit ako "sure ka?"

"Oo nga eh ang kulit! Tsk" naiinis kong sabi at nagrolyo ng mata, oh pano yung rolyo? "Maya maya lang my dadaan din dito, sana di ako abutin ng ulan"

"Wow, nakakapanibago ah. Ang kalmado mo ngayon" tumawa ito pagkatapos niya yung banggitin "my problema ba rhea?" Bigla itong sumeryuso ngunit umiling ako. "Oh andyan na si daddy! Sige, alis na ako. Mag iingat ka ah!" Tumango naman ako at nagpaalam na din sakanya

Ilang minuto pa ay nanatili akong nakaupo sa gilid ng kalsada nang biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan "shit!" Bulong ko

Wala akong magawa kaya nanatili akong nakaupo, bahala nang mabasa wala namang pasok bukas. Bigla kong naramdaman na parang walang ulan na pumapatak sa balat ko, luh? Ano to magic?

Tumingala ako at nakitang kong my payong—payong? Lumingon ako at my taong naka jacket na itim ang basang basa na my hawak ng payong na nakatapat sakin. Omaygad siya naba to? Siya naba ang tinadhana para sakin? Shuta ang gwap— wait parang familliar "get up Ms. Valles, nangangalay na ako" saad ng isang baritong boses, tsaka ko ito nakilala. "Ano? Titigan mo nalang ba ako? Tumayo kana diyan bago pa magbago ang isip ko" my pagdiin nitong sabi. Apaka suplado talaga ng taong to!

Agad akong tumayo. Binigay niya sakin ang payong na at nagsimula nang maglakad "T-teka Mr. Felip!" Hinabol ko ito at pinayungan, nakakahiya naman kung hahayaan ko siyang umalis at mabasa sa ulan habang nasakin ang payong niya. Kapal naman ng mukha ko nun

"You don't need to do that, i'm already wet" napangiti ako sa sinabi neto, apaka dumi talaga ng isip mo Rhea!

"Ikaw nga eh! Tingnan mo oh basa narin ako pero pinayungan mo parin ako! Mas okay na yun para wala akong utang na loob sayo!" Medyo pasigaw kong sabi dahil mahina ang boses ko at malakas ang ulan baka di niya ako marinig.

GAR OR PAR?Where stories live. Discover now