Kabanata 1

2.1K 29 4
                                    

Note: Some scenarios on tiktok will changed here on wattpad. Thank you.

——

Donnatella Degracia's

No relationship is all sunshine. But two can share one umbrella and survive the storm together.

"Congratulations, Love..." I smiled and greeted my boyfriend.

I saw how his eyes shines brightly as he stares at me lovingly. Ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa ngiting iginawad niya sa akin.

"All thanks to you, baby..."

Katatapos lang kasi ng celebration na inihanda niya para sa bagong branch ng restaurant niya, so I made a dinner date  reservation for us to have our own celebration together.

Wala sa sarili akong napangiti nang hawakan niya ang kamay ko.

"Wala ako sa posisyong ito kung hindi dahil sa'yo. You deserve my success, baby..." aniya bago inangat ang kamay ko para halikan.

Hindi ko alam pero agad na nangilid ang luha sa mga mata ko.

"I love you..." I whispered.

He smiled gently. "Mahal na mahal kita, Donna."

My boyfriend—West Alistair—doesn't have any idea how proud I am of him. Para sa kaniya, imposible niyang marating ang kung ano man ang nararanasan at nararating niya ngayon. But little did he know, siguradong sigurado na ako dati... siguradong siguro na darating siya sa puntong ito ng buhay niya.

Because I witnessed how he worked hard for this.

"CONGRATULATIONS, Dons!"

Malaki at matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaibigan kong si Brenda nang dumiretso siya rito sa bahay matapos ang dinner date namin ni West.

"Brends," I greeted her.

Malawak ang ngiti niya nang yakapin ako ng mahigpit.

"I'm so, so, so, proud of your success together with West! Grabe, you two are really the definition of relationship goals," aniya at kumalas sa yakap.

Mahina naman akong natawa. Bumaling ang atensyon ko sa mga paper bag ng pagkain na dala niya.

"You shouldn't have bothered, Brends..." tukoy ko sa mga dala niya.

Sinimangutan naman niya ako. "Hello, Dons?! We should celebrate! Isa na namang milestone ito for you!"

"Thank you," natatawang pagpapasalamat ko. "But you know, every time we achieve another milestone, I can't help but reminisce about when we were just starting out."

Umupo si Brenda sa high chair at pumangalumbaba habang ako naman ay nakatayo sa harap niya habang inaayos ang mga dala niyang pagkain.

Binigyan niya ako ng isang ngiti. "That's why I'm so proud of you. You did great, Dons..." aniya.

Para namang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. After I prepared the food, we did celebrate in the most simpliest way. Kumain lang kami habang nanonood ng movie. Pagtapos no'n ay nag stay kami sa balcony at uminom ng kaunti. At dahil mababa ang tolerance ni Brenda sa alak ay mabilis siyang nalasing at nakatulog. Wala sa sariling natawa na lang ako.

Hanggang ngayon, puno pa rin ng saya ang puso ko habang inaalala ang nangyari kanina. West just opened another branch of his restaurant, and I couldn't help but to feel more proud.

When I took a sip from the glass of alcohol I'm holding, I couldn't help but to go back to the past.

"West, Love? Kumusta ang restaurant?" I asked him through the phone when he answered my call.

Only To Stand By Where stories live. Discover now