Kabanata 2

1K 15 2
                                    


"Baby, I'm not asking for too much..."

That's the first thing I heard from West when I answered his call. It's already ten o'clock in the morning. Naghahanda ako ng sariling pagkain nang tumawag siya bigla. Probably because he already saw the receipt I sent to him via Messenger.

"I know, Love," sambit ko. "I told you, didn't I? I got you..."

I heard him sighed. "But... isn't two hundred and fifty thousand too much?" nag aalangan na tanong niya.

Pinatay ko ang stove matapos ko ilagay ang nilutong itlog at hotdog sa plato.

"No, Love. Sa totoo lang, kulang pa 'yan sa gusto kong ibigay."

"This is too much, baby..."

Wala sa sarili akong napangiti. "There's not too much if it's for your dream, Love. Hindi mo dapat tinitipid ang pangarap mo."

Natapos din agad ang tawag namin dahil kailangan na niyang asikasuhin ang dapat. Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang mag-isip. Hindi kasi ito ang unang beses na nangyari ang insidenteng ito… ang nalulugi ang negosyo niya. Sa totoo lang, kaya gustong-gusto ko siyang tulungan dahil hindi ko kayang makita siyang nalulungkot.

I was about to bite the hotdog when my phone beeped. Brenda's text messages flashed on my phone screen.

From Brenda:
Dons? Nag closed permanently business ni West? What happened?

I couldn't help but to take a deep breath. Hindi ko agad nireplyan si Brenda at nanatili lang ang tingin sa phone screen ko. Hindi ko kasi alam ang dapat sabihin. To be honest, I don't want anyone close to us to know what happened, hindi dahil nahihiya ako o kinakahiya ko si West, kung 'di dahil ayaw kong makita siyang nahihirapan sa tuwing sumasagot sa mga tanong na katulad ng tanong ni Brenda.

I can't bear to see him answer those questions with a sad and disappointed expression, "Wala, eh. Nalugi na naman..."

Matapos kong kumain ay nag reply ako kay Brenda.

To Brenda:
Nothing, Brends.

Agad din naman siyang nagreply at mabilis din nagpatuloy ang palitan namin ng mensahe.

From Brenda:
You know that you can always talk to me, right? Are you okay? Is West okay?

To Brenda:
I'm fine, Brends. And West? I don't think so. Nalugi na naman kasi ang restaurant. Ayos lang naman ako, but I don't think West's okay.

Wala pang isang minuto matapos kong i-sent ko ang reply ko sa kaniya ay agad siyang tumawag. Sinagot ko naman iyon.

"Let me guess," panimula niya. "Nakokonsensya na naman siya, 'no?"

Nanghihina akong napasandal sa sink nang maisip si West. Malungkot akong napangiti.

"Oo, Brends..." sagot ko. "And I can't help but to feel bad and sad for him. Ako ang nahihirapan para sa kaniya, Brends. Sobra sobra na ang paghihirap niya. Sobra sobra na ang sinakripisyo niya, pero palagi na lang iisa ang ending. Palagi na lang lugi, Brends," malungkot na sambit ko.

"Dons..." rinig ko rin ang lungkot sa boses niya.

Bumuga ako ng hangin bago nagpatuloy. "Nasasaktan ako para sa kaniya. Gusto ko man na hindi sumang-ayon, palagi na lang sinasabi na iyon lang daw ang talento niya. Pagluluto lang daw ang kaya niya. Alam ko naman kung gaano niya kamahal ang pagluluto, kaya kahit madalas ay mahirap, kinakaya ko. Hindi dahil obligado ako, kung 'di dahil ginusto ko, Brends. Ginugusto kong kayanin para sa pangarap niya."

Hindi agad siya nakasagot. Rinig na rinig ko ang bigat sa paghinga niya. Mas lalo naman akong nalungkot.

"But, how about you, Dons? How about your dreams?" tanong niya.

Only To Stand By Where stories live. Discover now