Chapter 11

7 0 0
                                    

It's been a month since nakilala ko si Rhett٫ lahat alam ko na sa kanya at subrang close na namin daig pa namin ang mag jowa. grabe ang bilis lang. Still ganun parin sya sakin ka sweet at ma effort. Every day off ko binibisita ko ang Mommy nya dahil gusto nya lagi akong makita. Minsan naman nag sho-shopping naman kami. Ang dami nyang binili sakin na Bags٫Wallet٫ Shoes٫ Dress at kung ano pa makita nya na nagandahan sya bibilhin nya kaagad. Kaya tiba-tiba ang shop ng Burgundy sa dami nitong pinamili. Subrang favorite nya talaga ako.

About naman kay beb Madison di pa naka uwi nag extend ito ng one month kasi bigla nalang sya my hinawakan na kaso doon kaya di nya ito pweding iwan ng basta-basta nalang. Ang license nya pang international kaya pwedi syang humawak ng kaso sa ibang bansa٫ pero ang teams nya naka balik na. Subrang na miss ko si beb٫ sa calls nalang kami nag uusap. Buti nalang nandyan lagi si Rhett kaya di na ako nalulungkot pag wala akong kasama.

Ngayon nag re-ready ako ng dinner namin. Pupunta sya ng condo para dito kumain ng dinner kasi lagi lang sa labas at nakakasawa na.

DingDong

DingDong

My nag doorbell. tiningnan ko sa intercom nakita ko ang gwapo nyang mukha sa screen kaya binuksan nya ito.

"Hi moo"

sabi nya sabay hug nya sakin at nag kiss sa forehead ko. Yan lagi ang ginagawa nya everytime na magkita kami. hug and kiss sa forehead parang jowa lang noh.

"Hello boo٫ kamusta ang work."

"Okay lang naman٫ nawala nga pagod ko nung makita kita"

"Asus! bola mo pa ako. Lika na sa table٫ dinner is ready."

"Wow mukhang maSarap ang mga niluto mo"

"yup! sinarapan ko talaga yan para maparami ka ng kain."

"haha mas lalo tuloy ako na f-fall sayo tessa. I love you."

"haha gutom lang yan kaya kumain kana"

"Hays kelan ko kaya makukuha ang matamis mong OO."

"Sa tamang panahon Rhett."

"Lagi na man ganyan sagot mo hays maka kain na nga lang."

Di na ako sumagot٫ Nilagyan ko sya ng food sa plate nya at masaya itong kumain. Di na kami nag usap kasi pare pareho kaming gutom. After namin kumain don nakami nag start mag usap.

"Tess pwedi ko bang dalawin ang parents mo para naman makilala ko naman sila"

"Saka na pag boyfriend na kita."

"Okay lang naman kahit di pa tayo gusto ko na silang makilala. Ikaw nga pinakilala ko na sa parents ko."

"my work ako Rhett di ko pweding iwan ito."

"Leave kalang ng 4 days para maka stay tayo don ng one week."

"Wow ha parang easy lang sabihin noh٫ boss ka kasi kaya madali lang sayo ako naman empleyado lang kaya kailangan ko pa mag file ng home leave."

"Mabilis lang naman yon٫ diba kuya naman ng best friend mo ang President ng company nyo."

"Hmm sige pag isipan ko."

"Wag mo na pag isipan gawin mo na."

"Ay grabe sya oh! atat ka sir"

"Yes I am٫ kasi di na ako makapag hintay na makilala ko parents mo. Sige na Moo please please please."

Between You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon