Chapter 41

9 0 0
                                    

Mula sa labas rinig namin ang Wedding Song. Medyo na late kami ng konti dahil sa traffic jam.

Timing pag pasok namin ni Kuya Sol naka hawak lang ako sa braso nya tapos sya naman naka hawak kay Ethan para kami isang pamilya kung titingnan.

Napakagwapo ni Kuya Sol sa suot nyang tuxedo ganun din naman si Ethan٫ twinning sila ng daddy nya. Ako naman naka Pink high slit puffy yarn long deep V dress pero nilagyan lang ng tube para di ma expose ang boobs di naman ito masyadong malaki. Meron din akong pink pouch at pink heels matches lahat ng suot ko at curl and bouncy hair. Simple lang sya at comfortable talaga ako sa suot ko.

Nag change naman ng music ay subrang ganda nito. Lahat napatingin samin. Ang iba nagbubulongan siguro chinichismis kami ni Kuya Sol at akala nila anak namin ito٫ at ang iba naman cutan kay Ethan.

Say it's true,
there's nothing like me and you
I'm not alone, tell me you feel it too

Habang nag lalakad kami my kakaibang tension akong naramdamdaman. Nahagilap ng mata ko si Dave nag hi ito sakin at ang saya-saya nito٫ nag smile lang ako sa kanya pati na rin si Jackson na subrang gwapo nito at lastly si Rhett.

And I would run away
I would run away, yeah..., yeah
I would run away
I would run away with you

Subrang bilis ng tibok ng puso ko٫ ibang-iba ang tingin nya sakin at parang sabik ito na makita ako. Nag smile lang ako sa kanya at iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sya ang Groom ni Madison kaya di ko pwedi sirain ang kasal nila naging masaya nalang ako para sa kanila.

Cause I am falling in love with you
No never I'm never gonna stop
Falling in love with you

Tanggap ko naman na di talaga kami para sa isat isa. Nakarating kami sa upuan namin.

"Mommy are you crying?"

Malakas na sabi ni Ethan napatingin ako sa paligid napangiti ang mga tao kasi na cutan sila dito. Di ko na kasi namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Shhh~ quiet baby tears of joy lang yan ni Mommy dahil ikakasal na ang Best friend nya."

sabi naman ni kuya sol. Bigla akong niyakap ni Ethan.

"Cheer up Mommy."

pinunasan ko nalang luha ko at niyakap ko din ang bata. Panatingin ko kay Rhett parang nangungusap ang mata nya at my gusto itong sabihin sakin pero iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Bigla nalang dumating ang bride. Masaya ito na naglakad kasama nya ang Mommy at Daddy nya.

Close the door, lay down upon the floor
And by candlelight, make love to me through the night
(through the night, through the night...)

"Daddy is that Grampa and Grandma."

"Yes baby."

"I wanna hug them"

"Later baby٫"

"Whos with them"

"That's the Bride٫ you're Auntie Madison"

"Who is auntie Madison."

Ang daldal talaga ng batang to.

"My Sister"

"oh she's beautiful like Mommy Tessa~

tinakpan na ni kuya Sol ang bibig nya natawa naman ako sa kanila mag ama. Papalapit ng papalapit si Madison sa altar at dinaanan nya ako napatingin ito sakin. Naiyak ito bigla٫ di ko din mapigilan ang sarili ko naiyak din ako makita sya.

Between You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon