Chapter 18

5 0 0
                                    

Naging inspired ako everyday sa pag pasok ko sa work. Shempre dahil my boyfriend na ako. Di ko pa sinabi ito kay Madison dahil busy na naman ito. My kaso na naman syang hinahawakan kaya wala syang time makipag chikahan sakin. only breakfast lang kami magkasama tapos lunch dinner di na kasi busy ito. Ganyan ang ugali ni Madison once my hinawakan na kaso naka focus lang talaga yan di mo sya pweding kausapin or what kasi di ito makapag concentrate sa trabaho nya. Gusto nya talaga ipapanalo ang kasong hawak nya at never pa itong natalo kaya famous talaga syang Lawyer.

Lunch time at On the way ako ngayon papunta sa Company nila Rhett٫ gusto ko kasi sya e surprise at sabay na kami mag lunch. Usually sya ang sumusundo sakon sa Workplace ko.

Nakarating ako ng Company nila pumasok kaagad ako. Pinakita ko lang ang ID ko sa security guard hinatid ako sa lobby. Umupo muna ako saka tinext si Rhett kung ano ang ginagawa nya pero di ito nag reply kaya hinayaan ko lang ito. I just look around para di ako ma bored at nahagilap ng mata ko si Rhett at my kausap itong babae. Napangiti lang ako kasi alam ko mga staff nya lang naman kausap nya nagtatawana ito. Lalapit sana ako para puntahan sya pero na pause ako nung makita ko nag side view ang babae.

HALA! Si Madison yon ah, anong ginagawa nya dito at mukhang masaya silang nag uusap ni Rhett. Feeling ko tuloy sumikip ang dibdib ko. Kakaiba itong nararamdaman ko sa totoo lang feeling ko nag seselos ako. Ano ba yan bestfriend ko pag selosan ko.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila pero mas lalo silang nag tawanan kaya nag tago nalang ako sabay silip sa kanila. Tinry kong tawagan si Rhett pero tiningnan nya lang ang phone nya tapos nilagay nya ito sa bulsa nya. Feeling ko mas lalong sumikip ang dibdib ko. Di ko namalan nagsi unahan na pala tumulo ang mga luha ko pero naka silip parin ako sa kanila. Panay pa bulong-bulong ni Madison kay Rhett tapos nag tawanan sila. Di ko na nakayanan tingnan sila kaya umalis nalang ako sa Company nila. Nag taxi nalang ako pabalik sa workplace ko.

Pag dating ko sa company namin parang latang gulay ako na wala sa sarili. Maraming nag Hi and Hello ma'am sakin pero di ko ito pinapansin kasi ang lalim ng iniisip ko.

Bakit ganun ang nararamdaman ko. Nag seselos na ako dahil sweet sila? Di ko dapat gawin yon kasi my tiwala naman ako kay Rhett at Best friend ko si Madison pero parang my sa kung ano sa puso ko na di ko ma explain. hays ang gulo ko! Saka bakit di manlang sinagot ni Rhett ang tawag ko. Hays mabubuang na ako sa kakaisip nito.

"Tessa are you okay?"

"Tess~TESSA!"

Napatingin ako sa nag salita si Kuya Sol pala ito.

"oh kuya bakit po."

"I said are you okay?"

"Oo naman po bakit po."

"Parang wala ka sa sarili mo٫naglalakad ka papasok sa toilet ng mga lalaki."

Napatingin ako sa sign malapit na pala akong pumasok sa toilet ng mga boys kaya nanlaki ang mata ko٫ feeling ko subrang pula ng mukha ko dahil sa hiya. Buti nalang si Kuya Sol naka kita sakin kung iba Dios ko baka matunaw na ako nito sa hiya.

"hala! anong ginagawa ko dito."

"Ewan ko sayo٫ buti nakita kita"

"Thank you kuya ha٫ buti nalang nakita mo ako di pa ako naka pasok don."

"Ano ba kasi ang iniisip mo. My problema ka ba?"

"Wala naman po kuya hehe baka gutom lang ako di pa kasi ako nakapag lunch."

"Hay nako tessa٫ let's go and have lunch with me. Di pa ako nakapag lunch."

"Sige po kuya hehe"

Between You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon