"Yui! Sundo mo!" Sabi ng kasama kong barista na si Yamie.
Hindi ko napansin ang oras, out ko na pala. Agad akong nagbihis at nagpaalam sa mga kasama ko sa coffee shop bago ako lumabas. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng malawak at matamis niyang ngiti.
"Good evening, Princess! Kumusta ang araw mo?" Tanong niya.
"Nakakapagod, pero masaya naman." Sabi ko.
"Eto oh!" Inabot ko sakanya 'yong Americano na gawa ko kanina bago pa siya makarating.
"Two shots of espresso in hot water with 25% sugar! Master!" Sabi ko ng pabiro.
Napangiti naman siya at kinuha 'yong kape na inaabot ko sa kanya.
"Salamat Yui! May sorpresa rin ako para sa' yo." Saad niya habang nakangiti at isinusuot 'yong helmet sa ulo ko.
Inayos na rin niya ang helmet niya at pinatakbo ang motor niya. Palagi akong sinusundo ni Dale kapag ganitong out ko na, ayaw niya kasing nag-oover time ako dahil working student ako at marami ring responsibilidad sa pag-aaral.
Kumaliwa kami sa daan kung saan kabaliktaran ng daan papunta sa bahay ko.
"Dale? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Hindi niya sinagot 'yong tanong ko kaya hinayaan ko na lang siya dahil minsan lang naman ako lumabas ng gan'to. Iniiwasan ko kasing gumastos dahil graduating na ako ngayong taon at dumadami na ang bayarin sa school.
"We're here, Princess." Matamis niyang sabi.
Bumaba kami ng motor at napansin kong nasa tabi kami ng dagat. Tumakbo ako malapit sa dagat para lasapin 'yong preskong hangin. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa lugar na ito.
"Do you like it? Please tell me you like it. " Tanong niya habang naka-pout pa, parang bata.
"Oo naman! Salamat Dale, the best ka talaga." Sabi ko naman ng natatawa.
Naglakad-lakad kami ng ilang minuto nang makakita ako ng camp sa may 'di kalayuan. Tinignan ko si Dale at ngumiti siya ng malaki. Dito ko napagtanto na ito 'yong surpresa niya. Tumakbo ako papunta ron at umupo sa tapat ng campfire.
"Ang sarap sa pakiramdam Dale. Nakakapagrelax na ako kahit na ganito lang." Sabi ko nang makarating siya sa may camp.
"Basta para sa'yo, Yui." Ngumiti ito at tinabihan ako.
Kaibigan ko si Dale simula no'ng highschool kami kaya't malaki ang tiwala ko sa kanya, siya lang kasi ang tinuturing kong pamilya, simula nang iniwan ako ng mga magulang ko. Namatay si ama, at iniwan naman ako ni ina.
Napakaswerte ko sa kaibigan kong 'to dahil kahit na magkaiba kami ng estado at sitwasyon sa buhay ay hindi niya naisip na iwanan ako. Hindi niya alam na dahil dito ay unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.
"I have something for you, pikit ka muna bilis! " Sabi niya sabay halungkat sa bag niya, galing kasi siyang school kaya may dala-dala siyang bag.
Kunwari akong nakapikit nang makita kong may inilabas siyang sandamakmak na junk foods. Burger, pizza, fries, at drinks na iced tea. Napangiti ako't kinuha lahat ng iyon sa loob ng bag niya at kinain.
"Hoy! Sabi ko pikit e! Daya naman!" Pagtatampo niya.
"Thank you Dale, sobra." Sabi ko sabay tapik sa kaliwang balikat niya. Kung alam niya lang na gusto ko na siyang yakapin, napakacute!
Inubos namin 'yong mga pagkain at saglit na nagpahinga bago kami umalis sa lugar na 'yon.
"Salamat sa pagsundo tsaka sa pagtreat na rin sa akin"
YOU ARE READING
One Americano for Dawn
RomanceTwo Americanos coming right up! Isang Hot Americano with two shots of espresso with 25% sugar. Mas masarap na may kaunting sugar para mas matamis na bagay sa mainit at mapait na kape. At isang Iced Americano with two and a half shots of espresso wit...