Chapter 2

5 0 0
                                    

"Hoy! Lutang ka ata?" Pinitik ni Dale yung noo ko habang sinasabi niya 'yon.

"Ha? Hindi wala 'to." Sagot ko naman sa kanya.

Lunch kami ngayon dito sa gitna ng oval. Hindi naman gano'n katirik 'yong araw kaya dito ako pumwesto, mainit kasi sa cafeteria, kulob at maraming tao.

"Lalaki siguro 'yang iniisip mo." Sabi niya. Bigla namang pumasok si sir Kahee sa isip ko dahil sa nangyari kahapon, kilala kaya niya talaga ako?

"Hindi ah! Inaalala ko lang 'yong internship kasi nga 'di ba working student ako? Next sem mag-iintern na ako." Sabi ko iniisip ko kasi talaga 'yong mangyayari sa mga susunod na araw lalo na't internship ko na.

"Umalis ka na kaya sa coffee shop?" Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Ayaw ko, kahit gaano kahirap ang buhay, gusto ko dun lang ako. Nakakarelate kasi ako doon, magaan sa pakiramdam kapag nandoon ako." Sabi ko sabay subo ng pagkain ko.

"Why?"

"Kasi pinapaalala niya kung paano 'yong tamang balanse ng buhay ng isang tao. Alam mo kasi, ang buhay parang kape. May matamis, may mapait. Ganyan ang buhay nating mga tao Dale, parang kape." Nakatingin lang siya sa'kin at naghihintay na ituloy ko 'yong sinabi ko.

"Alam mo ang slow mo. Gan'to kasi 'yan." Umayos ako ng upo at umayos din naman siya ng upo.

"Sa buhay kasi ng isang tao, may dalawang pangyayari yan, may maganda, may masama. Kung ihahalintulad naman sa kape, may matamis, may mapait. Bakit lagi silang magkasama? Para balanse Dale, hindi naman kasi pupuwedeng lagi na lang matamis ang buhay, dahil tulad sa kape, nakakaumay. Hindi rin naman pupuwedeng mapait lang, kasi mas gugustuhin mong huwag na lang sumubok hindi ba?" Tumango-tango siya pero halatang hindi niya pa rin kuha.

" Ewan ko sa'yo Dale! Hirap mo pakisamahan." Tumayo ako't naglakad palabas ng oval.

"Teka! Yui!" Hinabol pa niya ako kasi siya na rin pala 'yong nagligpit ng pinagkainan namin.

"Yui? Paano mo masasabing balanse ang buhay? Kung pagsasabayin mo yung kape? O sunod-sunod? Matamis muna bago mapait?" Curious din.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tumigil din naman siya para hintayin kung ano 'yong sasabihin ko. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy.

"May sari-sarili tayong paraan para ibalanse ang buhay, depende yan sa tao. Parang timpla sa kape, tulad mo two shots of espresso na may 25% na sugar, kung para sa'yo 'yon ang tamang timpla kasi ganoon yung tingin mong balanse. Pero hindi 'yon ang tingin ng iba, may iba na mas gustong mas mapait pero malamig naman kasi para sa kanila ganoon yung balanseng hinahanap nila, iyon 'yong tamis na hinahanap nila." Tinignan ko siya at parang may gusto pa siyang sabihin. Tumango ako senyales na sabihin na niya kung ano ma'ng nasa isip niya.

" May mga taong hindi pumipili ng matamis pagdating sa pagtitimpla ng kape, anong ibig sabihin no'n? " Tanong niya.

" Hindi lang naman kasi sa tamis makikita 'yong kagandahan ng buhay. Oo sinabi kong may matamis at mapait na kape, at sinabi ko rin 'yong iba ayaw ng matamis. Sabihin natin na hindi tamis 'yong basehan nila ng kaligayahan sa buhay kun'di 'yong katamtaman lang, hindi sobra, hindi rin kulang, sa ibang salita parang walang lasa pero gusto mo pa rin kasi kuntento ka na, ganoon na 'yong definition mo ng tamis." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Alam mo Yui, ang dami kong natututunan sa'yo. Ibang level ka."

"Parang tanga naman, ewan ko sa'yo!" Sakto naman ay tumunog na yung bell, ibig sabihin dapat wala nang makikitang estudyante sa labas, sa loob na lang ng classrooms kaya dali-dali kaming tumakbo ni Dale papunta sa mga room namin.





One Americano for DawnWhere stories live. Discover now