Chapter 3

9 0 0
                                    


"Order up for customer Kahee!" Sigaw ko.

"One Iced Americano and Cinnamon Roll po, enjoy sir!" Isang linggo na ang nakalipas pero hilig niya pa ring umorder ng Cinnamon Roll, e hindi naman 'yon 'yong usual niyang order, dati napapansin kong Iced Americano lang at walang pastry kung umorder siya, pero ngayon inaaraw-araw na niya. Parang nananadyang mang-asar.

Tumayo siya at lumapit sa counter. Kinuha niya 'yong coffee pero iniwan niya 'yong pastry. Ano na namang binabalak neto.

"Sir! Order niyo po." Wag niya sabihin pinagtitripan niya lang ako?

"That's for you." Akin daw? Tumingin ako kay Yamie, crush niya kasi itong si sir baka kung ano isipin niya.

Bumalik na siya sa puwesto niya kaya lumapit ako kay Yamie dala-dala 'yong tray.

"Oh, Yamie, sa'yo na lang." Sabi ko sabay abot sa kanya ng tray.

"Nako hindi na sis! Bigay yan sa'yo ni Sir Pogi!" Sabay kindat naman sa akin.

Tinignan ko 'yong Cinnamon Roll na hawak ko, kahit na sa coffee shop ako nagtatrabaho hindi pa ako nakakatikim neto, may kamahalan din kasi ang bilihin dito sa sikat na coffee shop na ito at mas pipiliin ko na lang na kumain ng tinapay sa bakery sa labas kaysa bawasan yong sahod ko para dito.

Kinagatan ko 'yong pastry at hindi ko ma-explain 'yong naramdaman ko. Para akong nakakagat ng ulap sa langit, parang nalasahan ko lahat ng kulay ng rainbow, parang-

"Ahem, sarap ba?" Punyeta. Oo na masarap na.

"Good." Matapos niyang sabihin 'yon ay nagbayad na siya tapos umalis. Nakakabasa ba 'yon ng utak? Bago ko ilagay 'yong pera sa kahera nakita kong may nakaipit, ID niya. Kinuha ko ito para itago kaso nacurious din ako kaya tinignan ko na rin 'yong nakalagay. Malalim na ang gabi kaya dinala ko na lang 'yong ID niya imbes na iwan ko pa sa Lost & Found sa loob pa mismo ng shop.

Valerian Medical University. School of Medicine. Magdodoktor siya. Teka, VMU? Sikat na school for medicine! Nakapasok siya dito? Ang hirap pumasok dito, hindi nga ako nakapasok kahit tatlong buwan 'yong ginugol ko para makapagreview para doon. Matalino pala siya. Oo halata naman, pero hindi ko inakalang sa VMU siya nag-aaral.

Naalala ko naman si Dale. Kasama ko kasi siya noong nagtake ako ng entrance exam doon, at n'ong nalaman kong hindi ako nakapasa ay nilibre niya ako ng buffet. Miss ko na si Dale. Mahigit isang linggo ko na kasi siyang hindi nakikita simula noong pumunta siya sa party ni Marl. Sa chat na lang kami nagkakausap at kahit na gan'on ay sobrang sweet niya pa rin. Para kaming magjowa, pero hindi talaga kasi hindi pa naman ako umaamin, at gano'n din siya. Gusto din kaya niya ako? Iba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing magkasama kami. Pinaparamdam niya sa akin na special ako para sa kanya, 'yong sa mga effort pa nga lang niya sa akin, iba na. Ano naman ang ibig sabihin n'on kung hindi niya ako gusto hindi ba?

Bago ako lumabas ng shop ay nagpaalam na ako sa mga naglilinis doon, sila na rin kasi ang mag-sasara no'n.

Habang binabaybay ko 'yong daan, nakaramdam ako ng takot. Sanay naman na akong maglakad dito sa gabi lalo na't kung pauwi pero iba 'yong pakiramdam ngayon. Parang may sumusunod sa akin. 

Madilim ang paligid at limitado ang ilaw. May mali, sigurado akong may mali. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight. Inilawan ko ang paligid at may nakita akong anino ng tao sa likod ng poste ng ilaw. Tinext ko si Dale, chinat ko na rin siya, sinubukan ko na ring tumawag pero wala. Dale na saan ka na ba, kailangan kita ngayon. 

Naiiyak na ako, nararamdaman kong mauubusan na ako ng hininga dahil sa takot at hingal. Nagvibrate 'yong phone ko at pagtingin ko- Shit! Low battery na ako. Namatay na rin ang flashlight na tanging ilaw ko. Sunod-sunod na luha ang kumawala sa mga mata ko, wala na akong makita. Ano na ang gagawin ko?

'Yong ID! 'yong ID ni Kahee! Hinalungkat ko kaagad ang laman ng bag ko para hanapin kung saan ko nailagay 'yong ID niya. Biglang may humablot ng bag ko. Hindi!

"Miss, anong hanap mo?"

"Tara miss sama ka na sa'min hatid ka namin sa inyo." Dalawa sila- hindi, tatlo sila. Tatlong lalaki ang nakapalibot sa akin ngayon. Parang mga lasing. Pagkakataon ko na 'to.

Tumakbo ako ng mabilis bago pa nila ako mahawakan. Hindi rin naman sila agad nakahabol dahil sa tama ng alak. Buti ay hawak ko pa rin ang phone ko na ngayo'y 3% na lang. Hindi to puwede. Malayo-layo pa ako sa terminal ng jeep. Naiiyak na naman ako, baka maabutan na nila ako nito. 

May narinig akong yapak sa 'di kalayuan, kaya bago pa nila ako mahanap nagtago ako sa tabi ng mga nakatambak sa basura. Oo tama, magtatago muna ako para mawala ko sila. Kaso paano ako hihingi ng saklolo, walang bahay dito, puro building na sarado na at walang tao. 'Yong phone ko! Kinapa-kapa ko ang mga bulsa ko at laking ginhawa ko nang may makapa ako. 

ID! Ito 'yong ID ni Kahee! Hinanap ko agad 'yong number niya buti na lang mayroon ditong nakalagay. Tinawagan ko 'yon ngunit matagal itong nag-ring. Kahee, parang-awa mo na sagutin mo, 2% na lang ako!

"Hello?" Sinagot niya!

"Kahee! Tulungan mo ako." Pagmamakaawa ko habang umiiyak ng palihim dahil sa takot na baka marinig o makita ako ng mga lalaki.

"Yui?! Nasa'n ka?!" Tanong niya na may pagkataranta.

"Hindi ko alam, pero malapit lang 'to sa may coffee shop. Bilisan mo Kahee, natatakot ako. Tatlo sila, lasing. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta." Pagsumbong ko sa kanya.

"Yui, kalma ka lang ha? Tahan na, papunta na ako. 'Wag mong ibababa 'tong tawag, nandito ako."

"Lowbatt na ako, anong gagawin ko? Kahit anong oras pupuwedeng mamatay na 'tong phone ko." Sabi ko habang umiiyak pa rin, ngunit gumaan na ang pakiramdam ko nang kaunti dahil sa pagsagot niya ng tawag ko.

"Sabihin mo sa'kin kung nasa'n ka ngayon, kung anong nakikita mo." Sobrang kalmado ng boses niya, siguro gusto niya lang din na pakalmahin ako.

"May basurahan, maraming building, pero madilim, walang ilaw, wala rin akong naririnig na mga sasakya- Kahee? Kahee?!" Namatay na 'yong phone ko. Wala na akong nagawa kundi umiyak at matakot sa pupwedeng mangyari sa akin. Ayaw ko masira ang buhay ko, ayaw ko pa mamatay.

Bigla akong tinamaan ng antok, Pagod na ako, pagod na pagod na ako.





- - -ಇ.





"Yui?" Napamulat ako ng mata nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

Nagkakagulo sa harap ko, maraming pulis, maingay. Ligtas na ako, ligtas na ako!

Napaluha na naman ulit ako. Salamat, salamat dahil nailigtas na ako.

"Sorry, sorry Yui. I didn't know na may mangyayaring gan'to. I'm sorry." Hinigit niya ako para yakapin ako, yumakap din ako sa kanya ng mahigpit. Iniyak ko na lang lahat ng takot at pangamba ko kanina.

Pero, bakit gan'on? Parang may mali?

"Dale? Ikaw ba ang nakakita sa akin?" Tanong ko sa kanya. Hindi ba si Kahee ang tinawagan ko? Mali ba ako ng tinawagan? Si Dale ba talaga ang natawagan ko?

"Oo, sino pa ba? Tinawagan mo pa nga ako 'di ba?" Oo tinawagan ko siya, at si Kahee din. Hinanap ko 'yong ID ni Kahee, hawak ko kasi 'yon bago ako pumikit, pero wala na ito. Nawala ko kaya 'yon? Hindi rin, hawak ko kasi talaga 'yon. Bahala na, kakausapin ko na lang si Kahee tungkol do'n.

"Salamat Dale, sa pagligtas sa akin ngayon." Sabi ko bago kami tuluyang umalis sa lugar na 'yon.





- - -ಇ.



haeri 𓏲๋࣭࣪˖𓍯

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Americano for DawnWhere stories live. Discover now