The Playmaker

27 1 0
                                    


                  The Playmaker

            By: Bitter_Na_Writer


"MAY bb kaya?" Nawala ako sa matinding konsentrasyon ng bigla akong tanungin ng nonchalant kong kaibigan, si Maurice. Pero dahil nga wala sa tamang katinuan ang aking isip ngayon ay kung ano na lang ang lumabas sa aking bibig.

"Huh? Anong bb? Wala ako non." Lutang kong sagot, habang nakatulala pa rin sa kawalan.

Ngunit bigla lamang itong humalakhak ng tawa, na akala mo ay katapusan na ng mundo bukas.
Problema netoh?

Pinagkunutan ko na lamang siya ng noo at tumawa ng kaunti, yung tawang pilit ganon?

"Tangi ka! Basketball kasi yun!" Hindi mapigil ang pagtatawa niya habang hinahampas-hampas pa ako sa aking balikat. So ang ibig niyang sabihin sa bb ay basketball? Napailing na lamang ako, at acting serious pa kahit naman ang totoo ay ako talaga ang mas matindi ang amats sa aming dalawa.

"Bakit kasi hindi mo nililinaw? Tuloy nabubuking ang aking lihim na wala nga akong BB." Matigas pa ang pagkasabi ko ng word na BB habang halos ipagmukha ko na sa kaniya ang mga salitang iyan.

"Paano kasi ay tulalang-tulala ka diyan, pinagtitinginan ka na nga ng mga tao. Tapos muntik ka pang masagasaan ng motor, sige ka 'di mo na nga makikita ang BB mo kapag nabangga ka." Hindi pa rin mawala ang tawa nito habang sinasabi ang mga bagay na iyan.

Saka lang din muling nagrehistro sa aking isip na naglalakad nga pala kami pauwi ng bahay. Kagagaling lang kasi namin sa palengke, namili kami ng mga sangkap sa paninda ni mama sa school canteen na pinagtatrabahuan din nito.

Pero about don sa tinanong niya kanina, hindi ko iyon alam.
Eh paano ba naman? Dalawang gabi na akong hindi makalabas ng bahay o makapanood man lang ng basketball! Kaya paano ko malalaman? Nabalitaan nga namin noong nakaraan na nagsimula na daw ulit ang liga dito sa bayan namin. Nakakatuwa nga dahil pagkatapos ng mahigit dalawang taon ng pandemic ay muling nagkaroon nito. Kaya naman excited na excited ang mga tao. But how about me naman diba? Paano naman ang kagaya ko na isang mabait na anak na tumutulong sa paghahanap buhay ng aking pamilya?

"Eh bakit sa akin mo tinatanong? Alam mo naman na hindi ako nakakapanood niyan." Pagmamaktol ko pa habang bigat na bigat na rin sa isang malaking eco bag na dala ko, naglalaman ito ng mga ingredients, including na don ang mga bote ng mantika, suka and toyo.

"Wala kasing post sa group page nila e, pero kung sakaling meron nga manonood ka na ba?" Sambit pa niya.
Ngunit napailing na lamang ako.
"I'm not sure bro." Malungkot na sambit ko.

Gustong-gusto ko talagang manood, pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ang responsibility sa bahay! Pero gusto ko talaga!

"Bahala ka nakita ko pa naman yung crush mo don, nanonood din." Halata sa boses ng bruhang ito na gusto niya akong asarin para makapanood na rin ako. Please lang tukso lumayo ka sa akin!

So ayun na nga, dahil marupok at oa ang beshy niyo ay naramdaman kong nag-init bigla ang aking pisnge.

Mayroon nga pala akong crush, ang genius na si Neutron! Ang academic achiever na valedictorian ng batch nila! Ewan ko din, kung bakit ko naging crush iyon. Eh kasi naman kasalanan talaga ito ni Jazhmyne, ang isa ko pang bruhang kaibigan! Ni-ship ba naman ako doon. So ayun, don ko nalaman na powerful pala talaga ang word na 'ayieeeeeee', naging crush ko tuloy. Pero worth it naman na nagka-crush ako sa isang iyon dahil bukod sa academic achiever ito ay mabait, gwapo at introvert rin ang lalaking iyon, kaya pasok naman siya sa type ko.

Sa tagal nga ng pandemic ay hindi ko naramdaman ang saya ng high school, pero dahil sa crush kong iyon ay napuno ng kulay ang aking high school life. Yun nga lang hindi rin naman ito magtatagal dahil Grade 12 na ito at malapit naring umalis sa school namin. Ewan ko rin kung bakit ganoon? lahat na lang ng mga nagiging crush ko ay palagi na lang lumalayo, para bang hindi talaga gusto ng tadhana na magkaroon ako ng crush? Ang unfair diba?

The PlaymakerWhere stories live. Discover now