1: The Accidental Girlfriend

3.7K 13 4
                                    

Author's Note: 

*pokes head* 

Hi...? Okay, ok lang sa akin kung wag mo 'tong basahin. Alam ko naman ano'ng nasaisip mo eh. "Author's note lang walang kwenta... Blah blah blah... Blah blah blah," Ok lang wag mong basahin ang A/N pero basahin niyo lang ang story ko, oki doki? 

Anyways, first time kong mag-post ng story dito sa Wattpad. At! First time kong gumawa ng Filipino story, trust me. Mostly, English ang sinusulat ko. Pero since madami na din akong nabasang mga cute na Filipino stories. I thought na I might try writing it. So... Eto na! Baby ko na ito. Hindi ito ang typical na rich boy vs poor girl na story. Marami itong twists at siyempre kilig moments(nag-romance pa ito kung wala man lang kilig... Tanga mo Chizumi*slaps face). Tama na ang daldal! Read na oh!

"Oi, Jane... Paki-untie naman ng apron ko oh," sabi ko sa kaibigan kong si Jane Ofquila. In-untie naman niya ito. "Bilisan mo hinihintay na tayo ni, Miss Tina," sabi ko ng tinitiklop ang apron ko. "Oo na, oo na. Ito naman oh, excited ka friend?" Sagot niya habang inaayos ang buhok niya. Inirapan ko na lang siya at nilagay ang apron ko sa loob ng bag ko. "O, ayan ayos na aketch! Gora na tayo!" Sabi niya nang tumatakbo papunta sa pintuan. Nag buntong-hininga na lang ako at sinundan siya.  

"Where are we going? Dug, dug, dug...!" Pakanta-kantang sabi niya habang lumalakad kami sa hall papuntang library para sa second job namin. Nang maramdaman niyang di ako sumagot, "Hoy, Hailey. Konting enthusiasm naman diyan oh!" Sabi niya na naka-pout. "Wag kang mag-pout nakakadiri kang tingnan," sabi ko. "Che, kj mo. Nag-sasaya lang naman ako para may energy tayo ah," sabi niya at nag buntong-hininga. 

O.A. mo naman ngayon Jane. 

"To the library!" Sabi ko ng may plastic na ngiti. "Wow. What an energy! Mahal na ba ngayon ang energizer sa Pou?" Wika niya. Inirapan ko na lang siya at hinubad ang jacket ko. Feeling Japan naman kasi ang school naming. From June to October white blouse with matching red checkered ribbon as necktie, red checkered skirt, at long socks(you get the picture naman diba?) at from November to January naka jacket kami in red. Kala nila may winter dito sa Pinas. Haay... At pag February to March balik blouse na naman. 

Ako si Hailey Severino, sixteen years old, sophomore student sa West King University.  

Actually, ang West King University isa sa pinaka-mahal dito sa Pinas. Well, di naman siya internatiol school. And FYI hindi kami mayaman. Middle class lang ang pamumuhay namin. Kung nagtataka kayo paano ako nakapasok sa isang super mahal na school... Pinilit ako ng erpat ko. Nag-take ako ng exam pagkatapos ko mag-graduate ng grade eighth. Since super high ng standards ng WKU(West King University) halos one week ako ng review, ng review, ng review. Gusto kasi ni papa makapasok ako sa West King dahil diyan nag-graduate ang mama ko. May dalawa akong nakakatandang kapatid pero di sila pinalad maka-pasa sa exam. Fifty scholars lang ang dapat kunin out of three hundred plus na kumuha ng exams. At luckily, nasa 37th place ako:).  

Si Jane naman ay pinilit din ni papa niya pumasok sa school as scholar din. Nasa rank 43 naman siya.  

Pero yung scholarship namin hindi lahat libre nuh. Yes, free yung miscellaneous at kung ano-ano pang babayarin. Pero yung tuition? Kailangan naming bayaran one fourth ng tuition namin. At siyempre, grades does matter all the time pag scholar ka.

Yung mga jobs naming sa hapon. Part din yun ng kasunduan. Kailangan naming mag-work sa cafeteria bilang dishwasher at sa library bilang taga-linis. Kailangan lang naman naming mag-walis, mag-punas ng mga alikabok, mag-balik ng mga libro o kaya namn kung ano ang iuutos ni Miss Tina, ang librarian. Ok, clear na tayo dun? 

Habang abalang-abala ako sa pag-lalagay ng jacket ko sa bag at sa pag-lalakad at the same time. Biglang 

*PAK! 

The Accidental Girlfriend(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon