17: Libre

417 2 1
                                    

Salamat sa pagbabasa!

Comment, vote and follow.

Xoxo,

CHiZUMi

---

Asan na ba yung Berdugong Hanging yun?

     Alas kwatro na ah? Kanina pa dapat tapos ang klase ng kupal na yun. Nawawalan na ako ng pasensya kakahanap sa kanya. Oo, alam ko bago ang kabanatang ito magkasama kami. Eh, kanina pang ala una yun eh! Binilisan ko ang paglakad para mahanap siya, panay din ang tingin ko sa kaliwa’t kanan. Nagbabakasakaling makita ang anino ni Berdugo.

Napatigil ako sa paglalakad dahil parang tinutusok ng libo-libong karayom ang paa ko. Umupo ako sa isang bench at hinubad ang sapatos ko.

Hindi ito mabaho ah, kaya wag kang magtatangkang na takpan yang ilong mo!

     “Haaay, Mark! Asan ka na ba!? Paminsan-minsan na nga lang ako manlilibre mawawala ka lang na parang bula?” Pabulong kong reklamo habang minamasahe ang paa ko. Bumuntong-hininga ako, paano kung tinakasan ako ng bwisit na yun!? Siguraduhin niya lang na mahahanap ko siya dahil kung hindi… dahil kung hindi… bukas, luluhod ang mga tala.

Teka, saan naman nanggaling yun? Haaay…

“Uy, Mark ayun pala si Hailey o!”

     Pagkarinig ko ng pangalan ko umikot yung ulo ko 360 degrees. Joke lang, ini-scan ko kaagad ang paligid kung sinong nilalang ang sumambit ng pangalan ko. Hindi naman ako nagulat ng makita kong magkasama si Berdugo at John. “Anak ng tupa, Mark! Kanina pa ako hanap ng hanap sa’yo! Ano!? Quits na? Ayaw mo-”

Lalong uminit ang ulo ko ng tinakpan niya ang tenga niya. Medyo nagulat naman ako ng lumuhod siya sa harapan ko at tinignan ang paa ko na balot ng maitim na medyas.

“Mukhang may date kayo ah?” Nakangiting tanong ni John.

Tinignan siya ni Berdugong Hangin at nag-scoff. “It’s not a date for god’s sake,” sabi niya.

     Kinuha niya ang sapatos ko, “Mukhang ilang taon na ‘to sa pangagalaga mo ah? Nangangayayat na ata?” Tinuro niya ang swelas ng sapatos ko, agad ko naman itong sinaklot at dali-daling sinuot. “Wala ka na dun,” bulong ko. “Kanina pa ako hanap ng hanap sa’yo. Asan ka ba?”

“May meeting kasi yung Math Club namin eh. Alam mo naman siguro na Prez dun si Mark, diba?” Sagot ni John.

“Meeting—Oh? Meeting sa Math Club, huh?” Napataas ako ng kilay at tinignan si Mark.

“Halika na nga!” Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad na ako.

“Bye~ Enjoy sa date niyo! Don’t do something naughty!” Di pa wave-wave pa si John.

“Diba—Aray! Hindi ito date John!” Sigaw ko.

Dumating kami sa parking lot at dun binitiwan niya ang kamay ko.

“You never even told me na inaway ka kanina ni Gen!” Naiinis na sabi niya.

     Umirap ako. “Wala yun. Maliit na misunderstanding lang yun,” sabi ko. Ginulo niya ang buhok niya gamit ang kanang kamay niya at tinignan ako ng inis na inis na ikinagulat ko naman. “With Gen, ‘maliit’ is not a word to be used kapag inaway ka niya,” sabi niya. “Eh, ano naman pala ang gagawin ko? Tatakbo sa’yo at mangiyakngiyak na sinasabi ‘Mark! Huhuhu, tulungan mo ako! Bad si Gen, inaaway niya ako!” Ngumuso ako.

“Hindi yun big deal,”

“For me it is. Meron pa tayong isang linggo, Hail.” Hinawakan niya ang balikat ko. “You are still in my lair.”

The Accidental Girlfriend(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon