8: Flower Wounds

514 8 0
                                    

Konichiwa minna-chi! 

Wow maka-Japanese wagas!!!  

Hehe, anyways pasukan na!!! Boooo! I would like to inform everyone na baka pa minsan-minsan na lang ako mag UD. Alam niyo na... School days na kasi eh. May baon na ako that means may pang-net na ako. Pero kahit na may pang-net ako wala naman akong time para mag-type ng UD T^T 

Pero I'll try my best guys? 

--- 

Hailey's POV 

"Hailey, pwede mo bang ibigay 'to kay Miss Cruz? Yung adviser ng math club? Nag-order siya kasi ng bulaklak sa friend ko. Pwede mo bang ibigay? Nasa clubroom siya siguro," aniya ni Miss Tina. Binaba ko naman ang feather duster na hawak-hawak ko at kinuha ang bouquet of roses na ibinigay ni Miss Tina. "S-Sige po," sagot ko. "Thank you, Hailey ah. Alam mo ba kung nasaan ang clubroom ng math club?" Tanong niya. Tumango naman ako. "O, sige ibigay mo na sa kanya. Thank you ulit," sabi ni Miss Tina at bumalik na sa mesa niya.  

"Ganda ah. Mahal siguro yan," sabi ni Jane habang tinitingnan ang mga bulaklak. 

"Sige, Jane. Alis muna ako," sabi ko. 

Lumabas na ako ng library at nag-lakad papuntang clubroom. Kanino kaya ibibigay 'to? Di kaya si Miss Tina na at Miss Cruz?! Huwaaat?! Hindi, joke lang hehe. May bibigyan siguro si Miss Cruz nito. Sa wakas nakarating din sa building ng mga clubs. Hinanap ko ang kwarto ng math club at nakita ko din. Binuksan ko na ang pinto ng... 

Si Berdugong Hangin. 

May babaeng naka-upo sa kanya. 

Medyo bukas na ata ang uniform ni Berdugong Hangin... 

At naghahalikan ata sila? 

So... Ito pala ang past time ni Berdugong Hangin? 

Kung makapag-salita tungkol sa deal akala mo kung sino. Tas' ito lang pala ang gagawin niya?! 

Di na nga ako nakiki pag-usap masyado kay Trent tapos ngayon nakiki pag laplapan siya dito?!!! 

ASDFGHJKL!!!!!!!! 

Naramdaman niya siguro ang presensya ko. Nagulat naman siya ng makita niya ako sa doorway. 

"Yes?" Sabi ng babae at tiningnan ako mula ula hanggang paa. 

Since sobrang naiinis na ako tahimik na lang akong lumabas ng room at sinara ang pinto. 

Umalis na ako na nagdadabog sa sobrang inis. Sobrang higpit na rin ang hawak ko sa mga bulaklak, natakot nga ako baka magka putol putol ang mga stems nito.  

"Severino!" Narinig kong tawag ng malanding lalake. 

Tumakbo na lang ako. Ayaw na ayaw kong makita ang walang hiya niyang pagmumukha. "Wait up!" Sigaw ni Berdugong Hangin di ako tumigil sa pagtakbo ngunit nahabol niya ako. Hinawakan niya ang wrist ko. 

"Bwisit ka!" Sabi ko at hinampas ang mga bulaklak sa pagmumukha niya. 

"Bitiwan mo ako!" Sabi ko habang nagpupumiglas para makawala sa kanya. "Ano ba! Mark, bitiwan mo ako!" Sabi ko at binitiwan niya nga ako. "Tinawag mo akong Mark?" Hindi Joshua, siyempre ano bang pangalan niya?! Ganyan pala ang nagagawa sa utak ng lalaki kapag nakiki pag-halikan? "Pake mo?! Bago naman ba ang pangalan mo?!" Galit na galit na sabi ko. 

Nanahimik lang kaming dalawa. 

"Alis na ako. Kalimutan mo na ang deal. Ibabalik ko na lang sa'yo ang damit na binili mo." Sabi ko ng wala man lang emosyon. 

The Accidental Girlfriend(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon