Chapter 5

50 34 1
                                    

"Hoy kayong lahat!" Sigaw ko na syang dahilan para magwala ang mga zombie sa labas.

"Kung sino man ang gustong sumama sakin na umalis dito magsitaas na ng kamay," ma awtoridad kong utos.

Wala ni isang nag taas sa kaliwang bahagi ng kwarto pero sa kanan ay yung mga kinausap ko lang kanina.

"Ang sinumang sasama sakin ay kumuha na ng mga sandata doon! Levi paki labas at papiliin mo sila," utos ko.

"At paano mo naman nalaman na may mga ganyang naka tago dito sa LU?" Taas kilay na tanong ni Eliya.

"Wag mo sabihing tinago mo iyan?" Aniyala sa madramang boses. "Ohh... my... gosh.. Are you kidding me? May balak ka bang pumatay?"

"I don't need to explain anything from you, alam kong makitid ang utak mo at hindi mo maintindihan kung magpapaliwanag ako, pero kung ako sayo, sasama ako at hindi na kikibo pa," naglakad ako papunta guitar ko at inilabas ang iba ko pang sandatang naka tago.

Lumapit si Alvin sakin pati na rin si Toni at doon ko lang napansin na may nakapasok na taga ibang course saamin.

"At kaylan ka pa napunta sa classroom namin Toni?" Taka kong tanong kay Toni, kaklase nya sila Glen at nasa first floor ang course nila.

"Kanina pa ako dito, hindi nyo lang siguro ako napansin," sagot nito.

"Ehh paano ka nga napunta dito?" Sabat ni Winery.

"Nung bumangon yung Professor saka sumunggab kay Joela kanina tumakbo ako, sa kabilang hagdan kase ako mag daan, then dito ako napasok sa may likod," turo nya kung saan may umaamoy na katawan. "Hindi nyo ako napansin kase hindi naman kayo naka tingin kanina don, mga nasa harap ang tingin nyo," paliwanag nya.

Hindi na ako nag tanong pa at nagpatuloy na lang sa pag tanong kung sino ang sasama samin.

"Kayong mga lalaki," turo ko sa mga nasa kaliwa.

"Talagang hindi na kayo sasama hano?" Pag kumpirma ko.

"May kanya kanya kami, hindi kami sasama dahil may sarili kaming daan," ngising sabi ni Rei.

Lumapit naman si Giana para kumuha doon sa mga armas na naka hambalang.

"Hoy!" Sigaw ko sakanya dahilan para mapatingin sya sakin.

"Kung inutusan ka nila para kumuha... Hindi pwede, wala naman kayong mai-aambag ehh, lalo na at mga duwag kayo. Mas mabuti pa kung tambo na lang ang dala ninyo para hindi masayang iyang mga baseball bat na binili ko. Feel free naman na sumama wag nyo lang pakikielaman iyan," diin ko at saka nilabas pa ang ilan sa guitar bag.

Kung mag sasalita sila nang masama patungkol saakin aba! Dapat nga ay magpasalamat sila dahil isasama ko sila, kaysa maiwan dito. Mabuti nga at pumayag pa ako na sumama sila kung tutuosin.

"Tsk.. kung hindi nya lang pinugutan yung zombie kanina hindi ako matatakot sakanya," rinig kong bulong ni Phoebe.

"Wag ka nang maingay, baka mamaya tayo naman ang pugutan nya, ayoko pa mamatay," bulong rin ni Jewel.

"Tskk, anong kinakatakot nyo sa isang iyan? Mayabang lang naman sya dahil may katana sya. She's a Freak... As always," tinalikuran ko lang si Eliya at hindi pinansin ang sinabi nya.

Still Alive Until Zombie Arrived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon