Chapter 6

48 33 0
                                    

Lumapit sa akin si Winery saka bumulong.

"Handa ka naman siguro sa mga ganitong pangayari hanoh?" Umiling ako sakanya.

"Sa totoo lang... Akala ko madali lang at magkakasundo tayo dito ehh, akala ko maayos nating mapaplano toh," wika ko habang nakq tingin sa ibaba.

"Ganyan talaga, ituloy mo na nga ang pagpapaliwanag sakanila ng matapos na tayo at maka alis na dito," mahinahong wika nya saka umalis.

Sa totoo lang, mas madami syang experience sa pag lead ng grupo, hindi ko alam kung bakit ayaw nya mangailam ngayon para tulungan ako.

Siguro dahil may tiwala sya sakin at alam nyang may alam ako sa zombie virus.

Pasalamat naang talaga ako at umaantabay sya palagi.

"Hayyyy," bumuntong hininga ako saka nagsalitang muli.

"Ngayon, sasabihin ko na ang mga gagawin nang bawat grupo. Group 1, sila ang pupunta sa Cafeteria at kukuha ng mga pagkain, sila rin ang unang bababa. Tatawid tayo sa main road ng school which ang gitna para maka punta sa mapeh park. Doon tayo dadaan dahil bukod sa mas ligtas dumaan doon ay mahihirapan ang mga zombieng mapansin ang daan papunta doon, lalo na at naglalakihang halaman ang naka harang which is mabuti para satin dahil pwede naman nating hawiin ang mga iyon saka dumaan. Mamaya ko na i-eexplain ang iba para hindi humaba." Nakikinig lang sila.

"Ang group 2, dahil sa clinic ang daan ninyo na syang katabi ng building natin. Dapat mag ingat kayo. Pwede nyo ring madaanan doon sila Renzell at Dein hindi ba katabi lang ng clinic yung classroom nila," nakita ko kung paano umaliwalas ang muka ni Winery at Maicy. Kaybigan namin si Renzell at best friend ni Maicy si Dein.

"So iyan ang plano mo para makasama natin si Renzell," oo nga pala sinabi ko kanina na makaka sama namin si Renzell.

Tinanguan ko sya. "Pagka kuha ninyo ng mga gamot, wag na kayong magtatagal sa lugar na iyon, lumabas kayo kaagad, kung gusto ninyo ayain ninyo ang mga tao sa kabilang kwarto... Iyon ay kung hindi pa sila kagaya ng mga iyon," turo ko sa mga zombie sa labas.

Nagbago kaagad ang expression ng mga muka nila, naging malungkot.

"Pero wag parin naman kayong mawalan ng pag asa, hindi ba laging sarado yung pintuan nila." Pagbibigay kumpyansa ko.

"Pagkatapos nyo pumunta sa clinic dumiretso na kayo palabas sa likod, dahil wala nang daan na iba mapipilitan kayong makipag laban sa mga zombie. Maliban na lang kung may susi ka ng Welding shop Winery, pwede kayong dumaan sa likod non diretso sa likod. Mas ligtas kasi doon dumaan dahil wala namang tumatambay doon at deretso lang ang daan." Wika ko.

Naka usap ko na si Renzell noon, sigurado naman ako na ayos siya, matalino sila at sporty siguradong kaya nilang maka survive.

"At sa inyo group 3 kayo ang mag a antay samin sa likod, pumasok kayo sa bahay don, dahil andoon kayo, hahanap kayo nang mga pwedeng gamitin kagaya ng kutsilyo. Manood din kayo ng balita kung sakali, at yung dadaanan ninyo. Dapat ay hindi kayo mapapalihis ng daan dahil mas maganda ang daanan sa likod. Patag, kung may makaka harap man kayo dapat ay patayin nyo na."

Still Alive Until Zombie Arrived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon