Chapter 7

51 33 0
                                    

"Don sa dulo na bintana na yon," turo nya sa dulo ng classroom. "Doon kayo gagawa ng ingay para lumapit yung mga zombies sa gawi na iyon, lalapit naman ang mga zombies panigurado kaya naman pupunta na ako sa classroom nila para tulungan sila sa ibang zombies. Ako ang mag ki clear ng daanan namin pagkatapos ay papasok na ako sa classroom, ipag patuloy nyo pa rin ang pag kalantog ng malakas para hindi naman lahat ay pumunta samin,"

"May balak ka bang magpaka hero at puro ikaw ang susugod jan?"

"Alangan naman na ikaw ang pumunta jan!"

"Sige okay lang sakin, kaya ko!" Matapang na sabi ko.

"Bida bida! Nararapat lang na ako ang pumunta dahil ako ang nag plano, sige nga kung kaylangan talaga na may pupunta don magsisi prinsinta ba kayo?"

"Oo!" Mayabang kong sagot.

"Edi mag prisinta ka tutal bida bida ka!" Inis nyang saad.

Plak*

Napatingin ako kay Jewel na ngayon lang naka baba.

"May plano na kami ni Levi kung pano kayo jan makaka alis," panimula ko.

"Sige makikinig kami,"

"Teka teka," pag titigil ni Jewel. "May ililigtas tayo?"

"Oo," sagot namin.

"Ano ba kayo bayani?" Sarkastikong wika nya.

"Hindi studyante lang," malokong sagot ni Levi.

"Right! Students lang! Pero bakit natin tutulungan ang mga yan?" Inis nyang tanong.

Klag*

Klag*

Klag*

"Groarrr"

Nagsisimulang magsilapit sa pwesto ni Glen ang ibang mga zombies.

"Ano ka ba naman, hinaan mo naman boses mo," inis na reklamo ni Glen.

"Kahit magsisisigaw ako dito!" Nilakasan nya pa lalo ang boses nya.

"Kung ayaw mong tumulong edi jan ka na lang! Wala naman kaming paki kung makiki sama ka ba samin o hindi! Manahimik ka na lang jan kung wala kang maitutulong mas maganda pa yon kaysa mag ingay ka jan," inis na sabi ko.

"Whatever," lumayo sya samin at pumunta sa may bangkuan nitong likod ng classroom.

"Hindi naman pala tutulong andaming sinabi, kinuha nya lang ang atensyon ng mga zombie para lumapit dito sa pwesto ko," iritang ani Glen.

"Sabihin mo na yung plano para maka alis na rin tayo dito," wika ni Toni.

Tinanguan sya ni Levi saka nagsimula.

"So ganito ang plano," panimula nito at inulit ang lahat mg sinabi nya sakin.

"Bigyan mo nga ako ng katana mo jan Zyncie," ani Glen.

Still Alive Until Zombie Arrived Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon