Confession 3

47 12 4
                                    

________________________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

________________________________________

I have a confession.

I hated the way you think.

________________________________________

HINDI mapigilang isipin ni Christian na baka bored na si Konstantine dahil lumilinga-linga lamang ito sa paligid ng parke kung saan niya ito dinala. Naisip niya kasi na magandang lumanghap ng sariwang hangin.

Ang problema lang ay para bang hindi gusto ni Kon ang paligid. Medyo nahiya tuloy siya dahil sa ngayon ay dito pa lang niya kayang dalhin ang dalaga.

"Ayaw mo ba rito? Puwede tayong pumunta sa ibang lugar kung gusto mo," pag-aalok ni Christian habang naglalakad-lakad sila.

"Ayos lang naman," simpleng sagot ni Kon bago muling napunta sa paligid ang kaniyang atensiyon.

Kailan nga ba huling lumabas si Konstantine para sumagap ng sinag ng araw? Hindi na niya matandaan. Madalas kasi ay lumalabas lang ito para makipagkita kay Axel para magkape. Siguro dahil na rin naaalala niya sa mga parke ang dahilan kung bakit siya nahumaling sa sex.

Bahagya itong napailing upang itaboy ang alaala ng lalaking iyon. Sigurado siyang masaya at matagumpay na iyon ngayon sa kaniyang buhay, at masaya siya para sa taong iyon.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Christian sa kaniya.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ni Kon sa binata. "Wala, may naalala lang ako na palagi akong inaaya na maglakad sa mga ganitong parke tuwing umaga."

"Sino?" pag-uusisa ni Christian. Gusto niyang magselos, pero hindi dapat dahil una sa lahat ay magkaibigan lang sila, at pangalawa, hindi naman niya kilala iyong naalala nito, baka mamaya ay kaibigan lang.

"Si Adam," simpleng sagot ni Kon.

"Sino naman si Adam?"

"Secret." Isang kindat ang ibinigay ni Kon kay Christian.

Medyo nadismaya naman ang lalaki sa sagot ng dalaga. Hindi niya maiwasang isipin na baka isa iyon sa mga lalaking dumaan sa buhay ni Kon at nakaranas ng pakikipagtalik dito.

Huminto si Christian sa paglalakad ngunit hindi iyon napansin ni Konstantine dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa mga batang naghahati-hati sa isang balot ng cotton candy. Parang gusto tuloy niyang hanapin ang nagtitinda para ibili ang mga bata. Wala lang, parang ang saya lang nila, isip-isip niya.

"Ah, Kon," pagtawag ni Christian sa kaniya. Hinanap niya ang lalaki sa kaniyang tabi ngunit wala ito. Saka lamang siya lumingon sa kaniyang likuran nang mapagtantong baka naroon ito.

Napalunok si Christian nang humarap sa kaniya si Kon. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa dalaga na gusto niyang subukan nila mamaya. Kahit na taliwas sa paniniwalang nakalakihan ay sinubukan nitong manood ng mga video matapos ang usapan nila ni Kon nang gabing iyon.

Sad Girl ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon